chapter 14

62 6 0
                                    

chapter 14

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng makita ko ang ganung eksena.. pero hanggang ngayon tanga pa din ako.. sobrang tanga..

"hon!"

"oh hon" ngumiti ako kay Bryan.. isang ngiting hindi ko alam kung totoo o hindi..

"tapos na ba ang klase mo?"

"ah.. oo.. pauwi na nga ako.. ikaw may gagawin ka pa ba?"

"may practice pa kami ng basketball"

"ah ganun ba? oh sige una na ako.."

"ihahatid na kita.."

"wag na may practice ka pa di ba?"

"hon. naman.. sige na gusto kong ihatid ka"

tumango na lang ako at pumunta kami sa labas para sumakay sa sasakyan niya.. syempre tulad ng dati gentleman pa din siya.. pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang sumakay.. nang makarating kami s bahay bago ako bumaba niyakap niya ako at hinalikan sa noo.. lalabas pa sana siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko siya.. konting konti na lang tutulo na ang luha ko.. at ayokong makita niya yun.. mabilis akong naglakad papasok sa bahay tinatanong ako nila kuya kung may problema pero hindi ko sila pinansin.. instead umakyat na ako papunta sa kwarto ko at nag lock ng pinto.. umiyak ako ng umiyak.. hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko..

ganito nga ako katanga.. na kahit alam kong niloloko niya lang ako hindi ko magawang iwan siya o kaya'y sabihin sa kanya na alam ko na ang lahat.. hindi ko kaya kasi hanggang ngayon takot akong mawala siya sakin. kasi mahal ko siya.. mahal na mahal.. naiintindihan niyo naman ako di ba? kapag mahal mo ang isang tao kahit magpakatanga ka okay lang di ba? kasi ganun ako eh.. mahal ko si Bryan..

-----------------

"baby girl gising na!" narinig kong tawag sa akin ni kuya Lance

"5 minutes pa kuya!" kinuha ko ang isa kong unan at itinakip ito sa mukha ko..

"gising na.. pare-parehas tayong male-late sa ginagawa mo eh" narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.. haixt! bakit kasi may duplicate pa sila ng susi ng kwarto ko!

"kuya naman eh!"

"c'mon baby girl"

"okay. okay i'm up!" tumayo ako at tiningnan ko ng masama si kuya.. agad naman siyang lumabas na ng kwarto ko.. dumiretso na ako sa banyo ko para maligo na at makapag ayos na. pagkatapos kong magalmusal ay inihatid na ako nila kuya sa school..

"be okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Mae

hindi ako umimik.. wala ako sa mood makipagusap ngayon..

"wala yan sa mood.. be tama na.. masasaktan ka lang eh.. dinadaya mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo" ~ Wena

"mahal ko siya" matipid kong sagot

"oo nga.. andun na tayo.. mahal mo siya pero paano ka? ganyan ka na lang ba dapat?"

tumayo ako at umalis sa room.. gusto kong mapagisa ayoko na muna ng kausap.. pumunta ako sa rooftop.. dito ako madalas pumunta lalo na pag malungkot ako..

"gumising ka nga" napalingon ako sa direction ng nagsalita si Jayvee pala..

"wag kang magbulag bulagan April" walang emotion niyang sabi sa akin

"kung mang aasar ka lang pwede wag ngayon? wala ako sa mood kaya tantanan mo muna ako!"

"tama naman ako di ba? tss.. >_< scattered brain ka talaga.."

"sabing tigilan mo nga ako!"

"pinapaasa mo lang ang sarili mo"

"wala kang pakialam!" naiiyak na ako dahil sa mga pinagsasabi niya..

"sinasaktan mo lang ang sarili mo!" tumaas na ang boses niya

"as if you care! tsaka ano bang gusto mo ha?! masyado kang epal!"

i was shocked when he pinned me against the wall.. papalapit siya ng papalapit sa mikha ko.. konting-konti na lang pwede ng magkadikit ang aming mga labi..

"na iinlove ka na ba sa akin ms. Zamora?" ngumiti siya ng nakakaloko

"a-ano bang ginagawa mo ha?! L-layuan mo nga ako!" pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa balikat ko.. hindi kasi ako komportable eh. teka.. bakit ganito? bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Apri Zamora.. be my girlfriend"

-----------------

vote.. COMMENT.. be a fan.. ^_^

mag message naman kayo sa message board ko o kaya naman mag comment kayo.. please lang..

thank you poh sa mga nag vovote at nagbabasa. :)

may isang story pa nga pala ako ang title ay Farewell try niyong basahin thank you ^o^

the more you hate..  the more you love  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon