CHAPTER FOUR -Training

200 8 0
                                    



Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay nagpunta na kami sa kaniya kaniyang floor para umattend ng klase. Napunta ako sa section 2 kung saan history ang unang subject.


Halos dalawang oras din kami roon ng mga nakaklase ko. Nagkwento ang lecturer tungkol sa sunod sunod na pagkapanalo ng Ardent Academia sa World Battle.



For over 1000 years ng World battle. Ardent Academia won seventeen times. Every twenty years may nagaganap na World battle. Ibig sabihin ay sa fifty battles na nangyari ay thirty three na beses natalo ang Ardent. Sa world battle ayon kay Mr. Pascal..ay may dalawang klase ng laban. Una ay ang battle of survivors..dito ay may limang member bawat grupo at kailangan nilang maka-survive sa Dark Forest. Pupunta lahat ng manlalaro ng walang kahit anong dala kung hindi ang sarili nila,gagawa sila ng sariling armas,hahanap rin ng kakainin at syempre gagawa ng tutulugan tapos kada makakapatay ka ng opponent may points kang makukuha kung ilang ang points na meron ang napatay mo mapapasayo yon at dadagdag sa points mo. Sunod naman ang one versus hundred. Pipili nang pinakamalakas na manlalaro ang bawat school at ang isang mapipili ay lalabanan ang well trained fighters ng World Battle.


Pagkatapos ng dalawang oras at kalahating madugong history ng Athanasia ay naka-schedule ako sa training. Paglabas ko ng silid ay dumiretso ako sa aking dormitoryo para magpalit.


Naisipan ko na ring magbabad sa thub dahil may kalahating oras pa ako bago ang training. Hindi ko maiwasang kabahan sa magiging resulta nang aking training. Wala naman kasi akong special abilities o kaya naman kapangyarihan.


Maya-maya pa ay umahon na ako ng thub at nagsimulang ayusin ang sarili. Sinuot ko ang isang simpleng itim na v-neck t-shirt at at black silky highwaist leggings. Tapos isang white low-cut sneakers. Tinali ko ang buhok ko ng mataas pero hindi bun.


Paglabas ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa training room. Bumukas ng kusa ang itim na sliding doors. Pagpasok ko ay unti unting nagbukas ang mga ilaw para lumiwanag. Pagdating ko sa gitna ay may lumabas na lalagyan ng weapons sa wall.


"I don't even know how to use this stuff."napakamot ako sa batok ko at wala sa sariling napili ang daggers.


Naituro na naman sa akin ng headmaster ang mga gagawin sa loob ng training room at kung paano magte-training. Lumapit ako sa kabilang side ng pader at pinindot ang green button.


May hologram na lumabas sa harapan ko at ipinakita ang mga klase ng training. Napili ko ang dummy fighters tapos easy round muna ang pinindot ko. Naglabasan ang mga dummy sa harapan ko at humilera. Ilang metro rin ang layo ng mga ito sa akin.


Pag bato ko ng dagger sa isang dummy ay lumanding ito sa ulo. Naglakad-takbo ako at sunod-sunod na pinatamaan ng daggers ang twenty dummies. Yung iba ay tumama sa bandang chest at yung iba ay sa ulo.


Nang may naisip ako ay pinindot ko ang reset at nagpalabas ng panibagong dummies na nakapaikot naman sakin. Tinandaan ko ang pwesto at sinukat ang pagitan nila sa isa't isa.


Pumikit ako at nag bato ng sunod-sunod na dagger habang nalingon ako kung saan saan. Napamulat ako ng may narinig na kakaiba. Nagulat ako dahil ang dagger ay sobrang lapit na sa mukha niya.


One of the nobles...the green haired man.


Ini-stretch niya ang kanang braso niya at agad ring binuksan ang kaniyang palad. Lumabas ang mga veins ng halaman mula sa kaniyang braso papunta sa dagger. Halos lamunin ng halaman ang dagger at ibinagsak niya ito sa sahig.


Sobrang bilis niyang kumilos na kaya niyang pigilan ang dagger na halos one inch na ang lapit sa kaniya. Bumalik at naglaho ang mga veins na parang nagtatago lang sa kaniyang coat.


"I'm Ryan Leaf..you are?"nakapamulsa siyang lumakad palapit sa akin at nagpakilala.


"Layla.."


"So anong kakayahan mo?"he asked at napaiwas naman ako ng tingin.


"I don't—-I don't k-know yet.."nahihiyang sambit ko.


"Really?"hinaplos niya ng marahan ang aking buhok at maya-maya ay may naramdaman ako dito. Pag-alis niya ng kamay niya sa buhok ko ay may isang tangkay ng kulay lilang rosas na aiyang hawak.


"Purple huh?"tumatango-tango niyang sabi. "Ano kaya ang mga kakayahan mo?" Inilahad niya ang kaniyang kamay at nagulat ako ng may lumabas na parang malalambot na sanga. Akala ko ay ako ang target niya pero dinaplisan niya ako at natamaan niya ang dummy sa likuran ko.


Ramdam ko ang pag kirot ng braso kong nadaplisan ng sanga niya,para siyang knife sa sobrang talas.


"So your healing..."manghang sabi niya kaya naman nilingon ko ang braso ko at nakitang nawala ang sugat na gawa niya pero bakas pa rin ang dugo dito. "That's quite unique.."


"Uhm..thanks?"naghihiya kong sambit na ikinatawa niya.


"I'll teach you a better way to train yourself."may pinindot siyang button at biglang dumilim ang buong silid.


I really can't see anything!


Hanggang sa may tumatamang matulis na bagay sa binti ko. "Ah!"I winced in pain.


"Focus,Layla..."bigla kong narinig ang boses ni Ryan.


Pumikit ako nang mariin at pinakiramdaman ang aking paligid. Pagmulat ko ay narinig ko sa ere ang isang palapit na kunai sa direksyon ko mabilis akong umilag at bumato ng dagger sa pinanggalingan ng kunai.


Rinig ko naman ang pagpapalabas niya ng veins sa kamay niya at ibinagsak ito ulit kagaya nang kanina. Napaatras naman ako nang may mga halaman na pumulupot sa paa ako paakyat hanggang sa taas ng tuhod ko.


I can't move! How will I remove this shit?


Halos humigpit na ng humigpit ang halaman sa paa ko at ramdam ko na rin ang kirot sa katagalan kong mag-isip ng paraan. Maya-maya pa ay biglang namatay ang halaman sa mga paa ko.


Dahan-dahan kong inilabas ang huli kong dagger at muling ibinato sa direksyon niya.


Sana matamaan ko ang mga palad niya.


Dahan-dahang lumiwanag sa training room at nakita ko siya na halos walang galos. Inilabas niya ang kamay niya sa kaniyang bulsa at nakitang may dugo sa kanang kamay niya.


"You're impressive!"He slowly clapped his hands like he doesn't have a wound on his right hand. "You hitted my hand though lumapat lang siya ng kaunti ay nasugatan pa rin ako."he said then he walk towards me.


"You should rest."he smiled and he turned his back on me before I could say anything.


"Oh? Bakit parang wala ka namang mga sugat pero puro dugo ang paa at braso mo?"salubong sa akin ni Luke paglabas ko ng training room.


"I'm healing.."pagod kong sagot sa kaniya at bakas sa mukha niya ang pagkamangha.


"Alam mo bang sobrang rare ng ability mo? Apat pa lang ang kilala kong naghe-heal ng katulad sayo ang mga sugat at panglima ka na don."


"Talaga? Bakit naman?"


"Lahat naman ng tao dito sa Athanasia kahit na masugatan ay hindi masiyadong lalala dahil nga may mga ability at kapangyarihan sila. Pero walang naghe-heal dito ng katulad sayo bukod sa apat na reyna though madami dami rin ang taong naghe-heal ng kusa ang sugat pero hindi ganoong mawawala para bang..mababawasan?"


"Sino ba yung apat na reynang tinutukoy mo?"I asked out of curiousity.



______________________________________________________________________________

No teaser for today! Keep voting =)

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon