CHAPTER TEN -Unfamiliar Feeling

151 8 0
                                    





Halos limang oras na rin ako dito sa may puno na pinagpapahingahan ko. Naka-ipon na rin ako ng five hundred points,nagkakataon kasing minsan nasa one hundred ang points ng kalaban na napapatay ko kaya naman napapasakin ang puntos na'yon. Yung iba naman ay nahulog lang sa mga patibong ko kaya walang kahirap hirap kong nakuha ang puntos na meron sila.


Funny how an anti-social girl like me end up with this kind of life. Hindi ko lubos na maisip na ganito ang magiging buhay ko. I'm just a girl who used to be in the corner of our room carefully listening to the lectures and spending my time alone everyday.


Who would have thought that I belong in this world? Where is my parents and why did they left me when I was a baby? Kagaya ko ba sila na may kakaibang kakayahan? Ofcourse that would be possible.


Natigil ang pagmu-muni muni ko nang maramdaman ang malakas na pag-yanig ng lupa kasabay nang mabilis kong pagbaba sa lupa ay ang pag hangin ng sobrang lakas na muntik na akong tangayin nito.


It causes the roots of the trees almost lose it's grip,even the leaves are continuously falling. Yung ibang mga puno ay hindi na kinaya at nagsi-tumba na. Ang lupa naman ay halos maghiwalay sa lakas ng pagyanig. I can't even stand still.


Naaninag ko naman si Zinc at Ryan na papunta sa direksyon ko. "Layla!"nagtatakbo si Ryan papunta sakin habang ikino-control niya ang ibang puno na pabagsak sa dadaanan niya,kasunod naman niya si Zinc na nag anyong bato habang tumatakbo rin.


Bago pa sila makarating ng tuluyan sa kinatatayuan ko ay nabagsakan ang paa ko ng natumbang puno.


"Shit Andrada!"mas binilisan ni Zinc ang kaniyang takbo kahit yumayanig pa rin ang lupa.


I can't move my legs..nor my hands. Para akong kontrolado ng isang tao. Kahit pilit kong iginagalaw ang sarili ko ay walang nangyayari. Iginala ko ang aking paningin at may nakitang isang rebulto ng babae na nagtatago sa isang puno na nakatumba na.


Nabalik ako sa reyalidad ng gumaan ang sakit na nararamdaman ko sa paa ko dahil ng nabagsak na puno. "Are you okay?"


Hindi ko alam kung paanong nangyari pero..parang tumigil ang oras at wala akong marinig kung hindi ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko.


I'm not very familiar with what i'm feeling right now,that it makes me wonder.. 'Bakit ko nararamdaman 'to?'


Hindi parin natigil ang abnormal na pagtibok ng aking puso hanggang sa unit-unti nang nanlabo ang aking paningin kasabay ng pag-gaan ng aking pakiramdam. I feel so free again. Ramdam ko ang pagbigat nang talukap ko at huli kong nakita ang mga nag-aalalang mata ni Zinc...at ni Ryan.


"An opponent controlled her senses kaya wala siyang nagawa,buti na lang at nakita ni Venus ang babaeng 'yon at agad niyang napatay."


Pinakiramdaman ko ang aking sarili bago ko iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang naglalaro ng sanga na si Ryan at si Raiden na seryosong nakikinig kay Ryan.


Nang sinubukan kong bumangon ay nakuha ko ang atensyon nila dahil sa kaunting ingay na nagawa ko. "She's awake."anunsyo ni Raiden.


"Mmm..pabalik na siguro si Zinc at Venus,kumukuha at naghahanap ng pagkain si Zinc habang si Venus naman ay kumukuha ng halamang gamot."nakangiting paliwanag naman ni Ryan.


Kelan ba kami palalabasin dito? Kung hindi ako nagkakamali ay halos naka tatlong gabi na kami rito at parang hindi naman nauubos ang kalaban namin. Saan ba napupulot ng Ardent ang ganong mga kalaban?


"Bakit nga pala nakuha ng halamang gamot si Venus?"nagtatakang tanong ko sa dalawa.


"Syempre panggamot sa sugat."pabalang na sagot ni Raiden.


Kahit kelan talaga ang sungit sakin nitong si Raiden. Napailing na lang ako sa sariling naisip.


"I mean para kanino? Hindi naman sa'kin kasi mabilis naghihilom ng kusa ang mga sugat na natatamo ko."


"Kay Zinc..may nahawakan daw siyang kung ano kaya naman nagulat kami nang makita ang kamay niya na parang nasunog,buti nga hindi umabot ng lagpas siko eh."mahabang paliwanag ni Ryan dahilan para mapakunot lalo ang noo ko.


"Nagkaroon ba nang sunog kanina bukod sa malakas na pagyanig ng lupa at malakas na hangin na nagdulot ng pagtumba ng ibang mga puno?"


"Wala..hindi nga niya sinasabi sa'min kung ano talagang nangyari sa kamay niya."problemadong sabi ni Ryan.


"Oh ayan na pala si Zinc at Venus eh."napalingon naman kami ni Ryan sa gawi na tinitignan ni Raiden.


I suddenly feltcollywobbles on my stomach. An unknown feeling that I didn't expect myself to feel. This is the first time I saw him smile..from the looks of it I think they're talking about something. As they are getting nearer,I can slowly hear their voices.


"What else did she told you?"bakas na bakas ang kyuryosidad sa tanong ni Zinc.


"She told me that she'll be back soon and stay here for good."nakangising sagot ni Venus sa kaniya.



Natigil lang sila sa pag-uusap nang sinabihan ni Raiden si Venus na gamutin na ang sugat ni Zinc sa kamay niya. Ngayon ko lang din napansin na grabe ang natamo niyang sunog sa kamay pataas bago mag siko.


Habang ginagamot siya ni Venus gamit ang mga halamang gamot at ang power niya ay hindi ko maiwasang panoorin silang dalawa. Zinc is back on his usual serious and cold face while Venus is very focus on treating his wound.


Muntik na akong masamid ng tumingin siya sa akin at nagtama ang aming mga paningin. I cleared my throat and avoided his eyes.


Did he just caught me staring?


"Grabe ang sugat mo Zinc,sigurado akong hindi lang basta apoy ang nakasunog rito."naiiling na sabi ni Venus pagkatapos niyang gamutin ang braso ni Zinc.


"Yeah..It's very uncommon and unexpected."he glanced at me after saying the last word.


Why do I feel like i'm the one who did that to him? I didn't even asked his help! Kung pinabayaan niya na lang sana ako don edi wala siyang sugat na ganiyan ngayon!







______________________________________________________________________________

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon