CHAPTER THIRTY SEVEN -Powerless

119 5 4
                                    






Bigla ay napunta kami sa isang silid na alam kong hindi sa loob ng unibersidad. Nakakapag teleportation sila.

Nakipagtitigan ako sa kaniya habang ang kaniyang kapatid ay nakangising iniikutan kami. Para siyang hayop na sabik na sabik patayin ang kaniyang kaaway.

Bawat pagpatak ng segundo at ang pagtagal ng nakakabinging katahimikan ay ang siyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa mga oras na ito,dapat ako ay nag iisip ng aking plano para makaalis sa lugar na ito.

Madilim ngunit may nag iisang ilaw na nakatapat lamang sa amin,kung kaya't hindi mo makikita kung ano ang nasa paligid mo.

"Ahh!"napasigaw ako ng may tumarak na matulis na bagay sa tagiliran ko. Tumawa ng nakakakilabot ang magkapatid at mas binaon ni Vince ang nakatarak sa aking tagiliran kaya muli akong napasigaw sa sakit.

Tinulak tulak niya ako hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Hawak ang dumudugong tagiliran gamit ang isang kamay ay bigla akong namilipit sa sakit.

Namataan ko si Vile na iwinawasiwas ang kamay niya ng may ritmo. Nararamdaman kong siya ang may kagagawan ng sakit na nararamdaman ko sa aking katawan.

Nagpatuloy ang sakit hanggang sa maramdaman ko ang sobrang panghihina ng buong katawan ko.

"Sige ngayon mo subukan lumaban Andrada!"tumawa siya ng sobrang lakas dahilan ng pag echo nito sa buong silid.

Hindi inaalis ang tingin sa kaniya ay unti unti akong bumangon at umamba ng atake. Sinubukan kong maglabas ng lilang apoy ngunit walang lumalabas,wala akong maramdamang kapangyarihan sa aking katawan.

"Ano? Atake Andrada!HAHAHAHAHAHAHA!"nagsabay pa ng tawa ang magkapatid na lalong nagpa irita sa akin.

"Hindi ata patas na ako lang ang walang kapangyarihan Quintel.."pinilit kong ngumisi ng natural sa kanila at nakipagtitigan.

Inantay ko ang paglapit ng isa sa akin at saka ko binigyan ng magkasunod na sipa sa mukha. Agad namang sumugod si Vile at binigyan ako ng suntok.

Dumaplis ang suntok niya sa kaliwang pisngi ko at agaran ko siyang sinipa sa tiyan dahilan upang mapaatras siya.

Nagtagal ang pakikipaglaban sa akin ng dalawang magkapatid ay nararamdaman ko na ang pagkirot at ang pagod ng aking katawan.

"Pagod ka na agad? Nagsisimula pa lang tayo Andrada!"nakangising sambit ni Vile habang umaktong nag sstretching.

Inikutan nila akong dalawa ng nag aambang umatake ng sabay. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang lumaban lalo na at hindi ko maramdaman ang lakas ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa pagod. Kelan kaya matatapos ang laban na ito?

Ginawa ko ang lahat upang iwasan ang kanilang mga atake ngunit sa isang iglap ay parang nayanig ang ulo ko dahil pinalo ako ni Vince ng isang matigas na bagay mula sa likuran habang sinikmuraan naman ako ni Vile na sa sobrang sakit ay parang masusuka ako.

Unti unting nagdilim ang mga paningin ko hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"Lay.."nagising ako sa marahang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Hindi pa man ako tuluyang nakakamulat ay ramdam ko ang sakit ng aking katawan.

Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang mga mukha nila Zinc. "Anong nangyari?"nagtatakang tanong ko habang isa isa silang tinitignan.

"Nakita ka namin sa library,nabagsakan ka ng mga libro sa history section."paliwanag ni Ryan.

Napabangon ako at ininda ang sakit ng katawan. "Hindi..hindi ko maintindihan.."naguguluhang sambit ko.

"What happened ba talaga?"Veronica asked.

Alam ko..sigurado akong nakipaglaban ako sa dalawang Quintel, pero bakit ganon? Anong nangyari??

Wala akong maramdamang lakas. Hindi din naghihilom ang mga sugat at pasa na natamo ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit na parang..parang wala na akong kapangyarihan.

Imposible..hindi maari.

Napahawak ako sa aking noo at nakahinga ng maluwag ng makapa ko ang bato doon.

"Andrada!"pumitik sa ere si Zinc sa harap ng mukha ko kaya naman lutang akong sumagot.

"Ha?"kitang kita sa mga mata nila ang pagtataka sa aking reaksyon.

"Nakahanda na ang pagkain mo,kumain ka na."tumango na lamang ako at pumunta sa lamesa kung saan naroon ang pagkain ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nararamdaman ko na gusto nila akong tanungin marahil napansin nilang hindi nagaling agad ng kusa ang mga sugat ko.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko habang punong puno ang pag iisip ko tungkol sa nangyari sa akin.

Natapos akong kumain ay nagpaalam ako sa kanila na magpapahinga na. Pero ang totoo hindi ko lang talaga alam kung paanong ipapaliwanag sa kanila ang nangyari.

Susubukan kong sabihin sa kanila ang nangyari bukas. Oo bukas, kailangan ko ng kanilang tulong. Hindi ko alam kung paanong nanghina ako ng nangyari iyon.

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon