CHAPTER THIRTY FOUR-Ching

153 8 1
                                    





I woke up because of the sudden noise outside my room then I realized that we're going to attend our first day in school..well it's actually second semester on YH.

"Tama na kasi yang kaka-cellphone niyo!"rinig kong saway ni Veronica.


"Si Venus kasi! May ano raw siya..facebook! Tapos ano pa yung isa? Tripper?"nangingibabaw na boses naman ni Ryan.

"Twitter kasi!!"at syempre ang kaaway niya..si Venus

"Tumahimik na nga kayo! Ang aga aga ang ingay niyo!"inis na suway naman ni Raiden.



"Hala Raiden 'di ka nakasama sa'min! Kahapon nagpunta kami ron sa ano nga 'yon?—-ayon! Pardon!"natampal ko ang noo sa pagmamayabang ni Ryan.

"Parlor!"sabay sabay na pagtatama naman nila Venus.

Hindi ko maiwasang matawa ng manumbik sa akin ang nangyari kahapon..

"First day natin bukas sa school so we need to do something with your hairs."anunsyo ni Veronica.

Nagsibihis kaming lahat at sumakay sa isang SUV na itim at pumunta sa isang kilalang parlor.

"Good Afternoon Ma'am Sir!"bati nung crew.

"Good Afternoon."bati naming lahat.

"Magpapakulay silang lahat ng hair."sabi ni Veronica at agad na tumango ang bading.

"What color ma'am?"

"Black lahat."ang mga malilikot kong mata ay napatingin sa lahat ng tao sa loob. Lahat sila ay nakatingin sa amin at parang natutuwang hindi malaman ang kanilang mga tingin.

"Why do we need to do this thing—fuck! My hair!"inis na reklamo ni Zinc ng galawin na ang kaniyang buhok.

"Their school sucks.."naiiling na sabi naman ni Kalen.

"Oh my god! This is so relaxing!"umalingawngaw naman ang matinis at maarteng boses ni Victoria.

"Bakit si Veronica hindi nagpa-black?"nakangusong reklamo naman ni Ryan.

"Blonde here is normal.."I said then he just nodded.

Natapos ang pagpapakulay naming lahat ng mahigit dalawang oras ay nagbayad kami at nagsilabasan na ng parlor.

"Woah! Black suits you Zinc!"papuri ni Venus and Zinc just gave her a blank face.

"Bagay rin kay Kalen..mga mukha kayong inosente."sabi ko naman at ayun nagsimula ng mag ingay si Ryan.

"Bakit sila lang may papuri? Napakadaya niyo!"reklamo pa niya.

"Nagmukha ka raw kasing tuyot na dahon."asar naman ni Venus na ikinatawa ng lahat.


Today's a good day for us. I hope so.

I found myself sitting inside the SUV and now on our way to school. Lahat sila ay tahimik at kapwa hawak ang mga cellphone. Si Ryan ay naka headphones pa at naghehe-headbang sa may bintana. Katabi niya si Kalen na tahimik lang at naglalaro ata ng mobile games.

Ang three V's nasa likod lang nila may kaniya kaniya ring trip. Si Zinc at Raiden asa likuran ko naman. Si Zinc tulog at syempre si Raiden ay tulog rin.

"Welcome to Yukio High everyone!"Veronica and I said in unison as we walk out the SUV.

Nakakamiss dito..

"Uy si Layla.."

"Balita ko nahanap na niyan totoong parents niya! Bigtime raw 'yan."


SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon