CHAPTER TWENTY -Unusual

131 7 0
                                    






"Layla apo ko...lagi kang mag-iingat dahil wala ako diyan. Huwag kang magpapaloko pag ginamit nila ang mukha ko sa'yo."naluluhang nilapitan ko ang lola ko na nakaupo sa gilid ng aking kama.


"Lola..bakit po ako nandito?"


"Apo..hindi ko man nasabi sa iyo ngunit dito ka nabibilang..ito ang tunay mong mundo. Paghusayan mo ang pagsasanay mo apo..dahil magagamit mo iyan sa takdang panahon. Buhay ang nanay mo apo..hanapin mo siya."ngumiti ng malungkot si lola at marahang hinaplos ang mukha ko.


"Paano lola?"


"Patuloy mong basahin ang librong iyon para malaman mo ang mga kasagutan sa iyong tanong."


"Sino po ba ang nanay ko? Ano pong pangalan niya lola?"nataranta ako nang unti-unting naging mga paru-paro ang aking lola at nawala ng parang bula.

"Hindi! Lola!!!!"

"LOLA!!"napabangon ako nang hinahabol ang aking hininga,mabilis naman akong dinaluhan ni Ryan na siyang nasa gilid ko at nakaupo.


"Calm down...it's just a dream Layla,we're still inside the simulator."


"Ah!"I winced in pain because of my sudden move,bumaba ang tingin ko sa aking tiyan na may malaking sugat pa ngunit hindi ganoong kalala dahil naghihilom naman ng kusa ang mga sugat ko,ito lang siguro ang tumagal dahil tumagos ito sa likuran ko.


Ngayon ay naghilom na ang sugat na tumagos sa likuran ko pero ang nasa tiyan ko ay naghihilom pa lang.


"Omygosh! You're awake now! After sleeping and making us miserable for two freakin' days..gosh!"eksaheradang bungad ni Venus habang kumakain ng...mansanas ba iyon? Saan naman niya nakuha iyon?


"Two days??"nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya at inirapan niya naman ako.


"Duh! Oo kaya at sa two days na iyon laging may naiiwang isa dito para lang bantayan ka."and once again..she rolled her eyes on me before biting in the apple on her right hand.


Kahit pagkagat maarte pa rin.. napailing na lang ako sa naisip.


"Let me help you heal that wound na nga! last day na kaya natin. You should earn points..nakaka 200 ka pa lang."she rolled her eyes heavenwards before walking towards me.


Itinapat niya ang palad niya at may puting ilaw na lumalabas dito at kitang kita ang unti unting paghilom ng malaking sugat ko. Mas mapapabilis ang paghilom nito nang ginamitan niya ito ng kapangyarihan niya.


"Don't worry pang walong beses ko palang nagagamit ang power ko..I still have two."nang matapos siya ay nagsara na ang aking sugat at hindi na ganoong kalala.


"Thanks."I plastered a smile on my thin lips.


"Don't thank me gosh! Nagkusa naman akong gawin iyon and one more thing..we're teammates here duh! It's normal na gawin ko 'yon at tulungan ang teammate ko."sabay naman kaming natawa ni Ryan sa paliwanag ni Venus.


She's not really bad after all. I smiled at my thought.


"Gosh! Why are you smiling like that? It's creeping me out."and ofcourse she rolled her eyes again.


"Makakapaglakad ka na ba?"tanong naman ni Ryan sa'kin.


"Duh ofcourse! She can walk already..wala naman sa paa niya ang sugat,common sense Ryan."natampal naman ni Ryan ang noo niya sa sagot ni Venus sa kaniya.


"Can you atleast zip your mouth?"he groaned. "Syempre maaaring maapektuhan ang sugat niya sa tiyan pagnaglakad siya."


"Nah..I know she can manage,lalo na at sarado na naman ang sugat niya she should really walk to exercise her legs."


"Nope that's not gonna happen,kasasara lang ng sugat niya baka dahil sa paglalakad bumuka ulit 'to."napalingon naman ako kay Ryan.


"Hindi na siya bubuka duh! Ability niya ang healing. Naghihilom ang mga sugat niya ng kusa at mabilis."napalingon naman ako ngayon kay Venus.


"Can't you see? Sobrang laki ng sugat niya kaya hindi agad naghilom at nawala katulad ng sugat na natatamo niya na wala pang isang minuto wala na agad ang sugat."nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa na walang tigil na nagsasagutan ngayon.


"That's enough Venus and Ryan."napatigil sila sa kanilang pagtatalo ng marining ang malamig na tinig ni Zinc. "Andrada will come with me. You two find Raiden first before we go."muli pang nagsukatan ng tingin ang dalawa bago tumango kay Zinc at umalis na.


"Are you okay now Andrada?"napaigtad ako ng marahan niyang haplusin ang aking sugat. Ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa niyang iyon.


"Uhm..oo okay na,ginamitan na rin ni Venus 'to ng healing power niya."naiilang kong sambit at dahan dahang umatras para mas magkaroon kami ng distansya sa pagitan namin.


"Damn! You made me so worried as fck Andrada!"nagulat naman ako sa pagsigaw niya. He muttered something that I didn't hear.


"Okay na naman ako..naghi-heal naman yung sugat ko."halos palakpakan ko ang aking sarili dahil sa sobrang abnormal na pagtibok ng puso ko nagawa ko iyong sabihin ng hindi nauutal.


"You can be hurt but only when i'm not with you but please don't let yourself get hurt when i'm around cause I don't think I'll forgive myself from not preventing them to hurt you."hindi man kapanipaniwala ay sinabi niya iyon ng puno ng sinseridad.


"Bakit ka ba nagsasalita ng ganiyan bigla? Eh parang kahapon lang hindi naman tayo close at nag uusap lang pag kailangan."sandali siyang napanganga sa sinabi ko at agad ring nakabawi.


"I don't know Andrada..I feel like you cast a spell on me."ako naman ang napanganga sa kaniyang sinabi.


You're not the only one who feels that Zinc..but why so sudden? Everything feels surreal!


"Don't play your tricks on me leader.."mariin kong sambit habang nag-iiwas ng tingin.


"Uy Layla! Zinc! Tara na!"nakahinga ako ng maliwag nang marinig ang boses ni Ryan na papalapit kasama si Raiden at Venus.


I heard him muttered curses and something when he turned his gaze on them. And..the man who has the coldest personality is back.


"Andrada let's go."hindi na ako nagulat ng maging malamig ulit ang pakikitungo niya sa akin. Tumango lang ako at akmang tatayo na ako nang hagipin ni Ryan ang magkabilang siko ko upang alalayan.


"She can walk by herself Ryan."para kaming mga ewan na kapwa napalingon kay Zinc na muling nagsalita.


"Ah..oo nga Ryan,kaya ko."napapangiwing pigil ko at agad naman siyang tumango at binitawan na ako para hayaang tumayo at sumabay sa kanila sa paglalakad.









______________________________________________________________________________

Phew! I enjoyed writing the scene of Andrada and Stone!😆

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon