CHAPTER TWENTY SIX -Postponed?!

133 6 0
                                    




Pagkatapos ng napaka habang biyahe ay narito na kami sa SE Atha. Akala ko pagpasok namin sa malaking gate ay nakarating na kami pero makalipas ang halos kalahating oras ay nasa sasakyan pa rin kami at binabaybay ang kabuoan ng SE Atha.


Maya maya pa ay umikot pabilog na ang sasakyan sa may kalakihang statue ng isang knight na may hawak na sword at naka fighting position hanggang sa natanaw ko na ang pa-curve na building na puro salamin.


"Oh my gosh we're here na!"excited na bumaba si Venus kasama ang luggage niya ng tumigil na ang van sa harap ng building.


"Tch! Ang arte.."jusko eto na naman ang dalawa!


"Whatever dahon! Mag ingat ka baka madala ka ng hangin mahirap na.."she exaggeratedly rolled her eyes on Ryan while she flipped her hair.


"Whatever planet!"humagalpak ng tawa si Ryan sa sarili niyang sinabi habang kami naman nila Raiden ay napailing na lang.


"Shut up dahon bumalik ka na sa pinanggalingan mong puno."nakataas ang kanang kilay na sabi ni Venus habang nakalagay pa sa bewang ang kanang kamay at nanatiling nakahawak ang kaliwa sa luggage.


"Ang mga dahon pag nahulog hindi na makakabalik."natahimik naman bigla si Venus sa pagiging seryoso ni Ryan ng sabihin ang linyang 'yon.


Bago pa maging awkward ang atmosphere ay bumaba na lang rin ako ng van kasama ang luggage ko na saktong paglapit ng headmasters.


"Are you just gonna stay there boys?"nakakunot ang noong tanong ni Headmaster Sherica.


Walang pasabing nagsibabaan na ang tatlo kasama ang kani-kanilang luggage. Sumenyas ang headmaster na sumunod kami sa kaniya kaya naman habang nauuna itong maglakad ay nasa likod kami at sumusunod na.


"The battle has been moved.."napanganga ako sa sinabi ng headmaster at maging sila Ryan ay nagulat rin. "But don't worry it'll be tomorrow first thing in the morning. So you'll gonna stay in one room and don't worry about the bed because the room is big enough to have five beds."napahinga naman ako ng maluwag ng walang magaganap na sharing sa kama dahil paniguradong si Venus ang makakahati ko,mahirap na.


"Gosh! How I love the scenery!"


"Pwede ba planeta? Tumahimik ka na nga ikaw lang ang nag-iingay diyan eh."pambabara ni Ryan na nakahiga na sa kaniyang kama.


"Huwag ka ngang epal diyan dahon!"Venus exaggerately flipped her hair before focusing on the overwhelming view.


Nandito na kami sa room na sinasabi sa amin ni Headmaster Sherica. Napili ni Venus na malapit sa malaking bintana habang ako naman ang kasunod tapos si Ryan,Raiden at Zinc na. Isang hilera kasi ang aming kama at may kalakihan rin ito.


Natutulog na si Raiden at Zinc para bumawi ng lakas habang si Ryan naman ay hindi makatulog dahil kay Venus na bigla bigla na lang sumisigaw. While me..I chose to watch the scenery as well.. Halos kitang kita rito ang kabuoan ng South East Athanasia tapos idagdag mo pa ang napakagandang klima dahil kahit maaraw ay sakto lang ang init.


Tomorrow will be a big day..I can already feel the different emotions in me. I feel excited and happy but nervous at the same time cause I can't change the fact that it's a battle and we need to survive.


Dumating ang oras ng tanghalian kaya naman lahat kami ay pinabababa na ngayon sa ground floor para sa lunch at syempre hindi mawawala ang bangayan ng dalawa.


"Ano ba planeta! Natutulog ako para kang baliw!"naiinis na sigaw ni Ryan habang sinasalag ang mga paghampas ni Venus sa kaniya ng pillow.


SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon