CHAPTER THIRTY TWO-Bye Athanasia?

137 9 0
                                    






Nangpinaalis ako ng headmaster ay nakatungo akong naglakad palabas ng dark room. Nakakailang hakbang na ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.


"Layla!"tumigil ako sa paghakbang at unti unting lumingon sa likuran ko. Naglakad takbo siya palapit sa'kin at nabigla ako ng salubungin niya ako ng mahigpit na yakap.

"Uhh..Ryan?"nagtatakang sambit ko habang nanatili siyang nakayakap sakin at nanatiling nakababa ang kamay ko.

"Are you alright?"nag-aalalang tanong niya pagkahiwalay niya ng yakap sakin. "I heard what happened."

"Sorry I wasn't beside you."


"Ha? Ahh..okay lang.."naiilang na sagot ko.


"Laylaaaa!"sabay kaming napatingin ni Ryan sa natakbong si Veronica kasama si Venus palapit samin. "I heard what happened,I'm so sorry about my sister Victoria..she's being too rude and mean to you."

"My gosh! Why didn't you fight back to defend yourself? You're not weak Andrada!"maarteng sabi naman ni Venus at inirapan pa ako.


Veronica's purely kind,Venus is a bit bitch and maarte but she have this caring side na hindi niya directly pinakikita while their sister..Victoria is purely you know..

Halos nakailang ulit sa pagso-sorry si Veronica sakin habang naglalakad lakad kaming apat at syempre hindi mawawala ang walang sawang asaran ni Venus at Ryan..syempre hindi matatapos 'yon ng walang napipikon.

"Elle..I said i'm fine.."nahagip naman ng mata ko si Zinc at si Angel in Disguise na magkaharap at seryosong nag-uusap.

"Are you sure Zinc Mattheu?"muntik na akong matawa habang tinitignan ang kalmado at painosenteng mukha ni Adrielle kahit halata namang nagpipigil lang siya magtaray.

Oh well she's the called Angel afterall.

Nang mawala na sa paningin ko ang dalawa ay nagfocus na lang ako sa pagtanaw ng mga booths at mga students nanage-enjoy hanggang sa marating namin ang main door ng Ardent Castle.

Sa tinagal tagal kong pananatili rito ay ngayon ko lang napagtanto ang pangalan ng sinasabi kong malapalasyo na parang building naman sa Human World.

Hindi naman talaga nakakapagtaka na isa itong kastilyo. Paniguradong napakamahal ng tuition fee kapag nagkaroon ng ganito sa Human World..

Nang sumapit ang alas dose ng tanghali ay nagsipag puntahan na ang lahat sa dining hall para kumain ng lunch.


















I was comfortably lying down on my bed and was about to sleep when someone knocked on my door.

"Headmaster Sherica wanted to see you.."sabi nung isa sa men in black na mga tagabantay.

I almost roll my eyes while we're walking on the dimmed hallway. Patay ang mga chandeliers at maliliit na ilaw lang sa pader ang nanatiling bukas,nakatulong pa ang liwanag ng buwan sa bawat bubog na bintana sa hallway na aming dinaraanan.

Sumakay kami ng elevator at naglakad muli patungo sa office ng headmaster. Pagdating namin sa tapat ng malaking pintuan ay gumilid ang dalawang men in black na sumundo sakin at binksan ang pintuan.

Sumalubong sakin ang headmaster na nakaupo sa kaniyang komportableng silya at sa harapan nito ay ang Three V's,Zinc,Raiden,Kalen at Ryan.

Tumikhim ang headmaster at iminuwestra ang bakanteng upuan kahilera si Ryan at Zinc. Naupo ako at nagtatakang pinasadahan sila ng tingin.

"Since you're all complete..sorry to bother your sleep in the middle of the night. I have a task for you."

"Ano na naman 'yan headmaster?"tanong ni Zinc habang naglalaro ng isang bilog na bilog na bato sa isang kamay niya.

"I'll be sending you out of Athanasia...."

"Pardon us Headmaster?!"hindi makapaniwalang tanong ng Three V's.


"Look I called you here because I know you guys are the right ones who can perfectly handle this mission."napatango tango naman kami sa sinabi ng headmaster.


She explained everything that we need to do and why we need to be out of our world. May parte sa aking natutuwa dahil makakabalik ako sa mundong nakasanayan ko. Pupunta kami don para manghuli ng mga taga Athanasia na nanirahan na sa mundo ng mga tao. We need to observe every place na pupuntahan namin.

We received some trackers from headmaster. This device will track down the Athanasian people except us.


"Since you'll be out of our world temporarily..you can't use your power on their world. Malalaman ko kapag may gumamit ng kapangyarihan sa Earth."

"How can we live there without using our power headmaster?!"pag angal ni Victoria at hinawakan naman ni Venus at Veronica ang kamay niya para kumalma.


"That's why you have Layla..she knows how to blend in to their world lalo na at doon siya lumaki. Mamaya pagpatak ng 4 am mapupunta na kayo sa earth. Maninirahan kayo sa Casa Ardiente lahat ng kailangan niyo..nandoon na. Papasok kayo sa school ng mga tao,Yukio High ang school na papasukan niyo balibalita na may gurong Athanasian don. Now i'm asking you..are you ready to accomplish this mission no matter what happens?"


"Yes headmaster.."sabay-sabay naming tugon at ini-escort na kami palabas ng mga nakaitim.

Dumating na ang takdang oras..ang oras na pinakahihintay ko..Sunod sunod kaming lumabas ng mala palasyong eskuwelahan na siyang isa sa mga naging dahilan kung bakit naging madali para sa akin ang yakapin ng buong puso ang buong pagkatao ko.


Pero hindi na ata talaga maalis sa'kin ang pananabik na nadarama ko ngayong alam kong muli ko nang masisilayan ang mundong nakalakihan ko na...ang mundong una kong nakita simula nang magmulat ang aking mga mata.

Sumakay kaming anim sa isang kakaibang uri ng sasakyan na ngayon ko lang nakita. Kulay itim ito at tapos iisa ang gulong na talaga namang bumagay sa hugis nitong globo.

Tig iisa kami ng sinakyang ganon at lalo akong namangha ng mapagtantong hindi na nito kailangang i-control ng kung sino mang tao.

Then after that I found myself staring in awe when the Sphere got faster until the way i'm heading to turns black every where.

After a few seconds we reached the Casa Ardiente. We're now out of athanasia.



I'm back human world..




______________________________________________________________________________


ANOTHER ADVENTURE AWAITS THE FIVE! WITH THE THREE!HOW WILL THEY SURVIVE AND FIT IN THE HUMAN WORLD?

STAY SAFE EVERYONE!!❤️

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon