"Grabe akala talaga namin kahapon tatayo na ka na lang don Zinc! Gosh you made us worried big time!"maarteng sambit ni Venus."As if I'll let him win."maangas na sagot ni Zinc at sumulyap pa kay Ryan.
Papunta na kami ngayon sa Ardent Forest para sa training ulit namin inside the simulator. Alas singko pa lang ng umaga kaya naman mas malamig ang simoy ng hangin.
Hindi ko pa rin maiwasan ang humanga at bumilib kay Zinc kahapon natalo niya si Ryan tapos sa amin naman ni Raiden ay walang nanalo,sabay kaming tumira sa huli at pareho ring natamaan kaya parehong zero ang life sa simulator.
"NOOOOO!!! ZINC!!!!"lahat ay napatigil sa malakas na sigaw ni Adrielle na biglang pumasok na lang sa loob ng arena.
"Don't worry."I saw how Zinc whispered those words to Adrielle.
What a scene Layla! I can feel bitterness spread in my whole system. Sino ba naman ako para makaramdam ng ganito para sa isang katulad niya na napaka-cold ng expressions and personality. Only Adrielle can tame him. Right! I'm being the antagonist of their lovely relationship.
Mabilis na kumilos si Zinc at agad ring natalo ang puno na siyang binigyan ni Ryan ng buhay. Gumawa siya ng limang malalaking bato na patusok at walang pag-aalinlangang ibinatong sabay-sabay kay Ryan na siyang bumagsak at natalo.
"ZINC STONE WON!RYAN LEAF..YOU LOSE!"
"ANDRADA!"napapitlag ako sa malakas at malamig na boses ni Zinc. "Papasok na tayo sa simulator tatayo ka na lang diyan?"napapahiya naman akong lumapit sa kanila at nagsabay sabay na kami sa paglalakad.
"Gosh! What a deaf."Venus rolled her eyes on me.
Si Ryan na nasa unahan ko ay unti-unting binagalan ang paglalakad hanggang sa magpantay kami at magsabay. "We'll stay there for twelve hours..it means four days sa loob ng simulator."
Ang three hours kasi dito sa labas ng simulator ay one day naman sa loob kaya nangangahulugang ang twelve hours nga ay four days na sa simulator. Sa limang na araw na nagdaan ay parang tatlong beses lang kaming nakapagtraining dahil kung ang una ay yung nine hours survival namin sa simulator pangalawa yung self training na kinagabihan nagkaroon ng party hanggang madaling araw tapos pangatlo yung one versus one na two days ang nasakop.
Pang apat na training namin ngayong ika-anim na araw. Ngayon ay limitado ang paggamit ng aming kapangyarihan,sampung beses lang pwede gamitin ito sa loob ng simulator kaya mahirap hirap rin dahil apat na araw nga ang itatagal namin sa loob. Pagnaka-sampung beses ka ay automatic na hindi mo magagamit ang power mo habang hindi natatapos ang training.
Naglakad lakad ako sa gubat hanggang sa may matunton akong lawa. Humanap ako ng pinakamatibay na puno na malapit sa lawa at doon umakyat at umupo.
"Meow..."mabilis akong bumangon at naging alerto ng makarinig nang kaluskos na galing lang pala sa isang pusa. Sumilip ako sa ibaba at laking gulat ko na nandoon si Darkel!
Walang pag-aalinlangan akong bumaba ng puno at dali-daling nilapitan si Darkel. I know it's Darkel because of the gold bell that i gently wrapped in his neck last night.
"Did you know that I'm getting bored here huh?"I scratched his chin and he gently closed his eyes. "Meoww.."
Sa baba ng puno na lang ako naka-upo habang nasa lap ko naman si Darkel. Lumipas ang ilang oras ay dinalaw na rin ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Saudade
FantasyShe have those rare and mesmerizing beauty. She's an anti-social girl who's simply living with her grandmother. Until she turned 18 and she was dragged to a world named Athanasia..we're the people have their own special abilities and powers. "And oh...