CHAPTER EIGHTEEN -Darkel

130 7 0
                                    




"Ano?! Paano mo naman nalaman agad yan?"hindi makapaniwalang tanong ko kay Veronica.


Habang kumakain kasi ako ng breakfast ay nakiupo siya sa table namin at dito na rin siya kumakain. Nakwento niya kasi na ang nabunot raw ni Zinc ay si Ryan kaya naman pagpatak ng alas diez ay pupunta na uli kaming lahat sa arena para ituloy ang laban na nagsilbing training namin.


"Oo nga nalaman ko lang dun sa mga students diyan sa hallway papunta rito sa Dining Hall.."tumigil siya sa pagsasalita at sumimsim muna ng blue lemonade. "Ang sabi eh..narinig raw nung isa na nag uusap si Ryan at si Zinc.."pahina ng pahinang sambit niya.


I don't see any reasons for them to make it a big deal. So what,if Zinc and Ryan will fight? We all know it's for our training so why are they making it  a big deal or a news to talk about?


"I can see that you're curious.."she cleared her throat before she speaks again. "Zinc and Ryan are very close that time..but when Adrielle came in the picture,they've been rivals. Ryan likes Adrielle and Adrielle knows about that..we all thought that they'll be a couple but a rumor suddenly spread out,Zinc confessed his feeling to Adrielle..and guess what?"


"Adrielle chose Zinc?"I answered with hesitation and then she smirked.


"Yup! Pero ang masama kasi don ay pinaasa niya si Ryan na may pag-asa ito through her gestures tapos malalaman na lang niya sa ibang students na..si Zinc at si Adrielle na agad. Pinuntahan ni Ryan si Zinc at walang pasabing sinapak niya 'to kaya doon sila nagsimulang mag-away at magsumbatan. Pagkatapos noon ay wala ring araw na nagsusumbatan at nagpaparinigan sila hanggang sa..nabalitaan ng lahat na aalis nang school si Adrielle dahil gusto siyang ilipat ni Madam Adrienne..yung mommy niya. Nasaksihan ng buong Ardent ang pagbabago kay Zinc,hindi na siya madalas ngumingiti tapos naging masungit at napaka lamig na ng mga expressions niya."mahabang kwento ni Veronica sa'kin at bumalik na kami ulit sa pagkain.


"Ganoon niya pala ka gusto si Adrielle."mapakla at wala sa sariling sambit ko. Nabitin sa ere ang kutsarang isusubo ni Veronica at unti unti lumingon sa akin nang nanlalaki ang mata.


"Ano ulit 'yon?"nanliliit ang matang tanong niya na nakapagpaigtad sa akin.


You're busted Layla Andrada...


"Ah-ano ang ibig kong sabihin eh..grabe pala talaga ang nagagawa ng feelings no?"palusot ko pa at hilaw na ngumiti.


"Yeah..Love is really powerful."nangingiting sambit niya at sumubo na ng kinakain niyang breakfast. "In love..you can feel different emotions at the same time,you can also feel the unfamiliar beating of your heart when someone you love is just around you. Love is a strong word that could hurt you but worth the risk."she smiled .


Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nagbibihis na ako nang aking uniform dahil wala naman akong laban at training. Kalahating oras na lang at magsisimula na ang laban. Nang makapagbihis ay agad kong sinuot ang timberland boots na siyang lagi kong pinapares sa aking uniporme. Ang aking full bangs ay humaba na rin kaya naman inayos ko na lang ito sa side at hinayaan ko na ring nakaladlad ang aking buhok.


Habang sinusuklay ko ito ay napansin ko na dalawa na ang purple na highlight sa buhok ko sa hindi ko malamang dahilan pero ayos lang rin dahil bagay naman ito sa akin kahit papaano.


Habang naglalakad papunta sa arena ay may napansin akong kakaiba sa isang puno. Gumagalaw kasi ang sanga nito kahit hindi naman humahangin kaya naman nilapitan ko ang puno at pinagmasdan ito.

"Meow..meow."napatalon ako nang may biglang sumilip na itim na pusa sa may puno. Tinanggal ko ang aking sapatos at kahit naka stackings pa ako ay inakyat ko ang puno para kuhanin ang pusa.

SaudadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon