Tatlong linggo na rin simula nung mapadpad ako sa kakaibang mundo na'to,masasabi kong masaya rin at nakakatuwa tuwing training. Pero sa loob ng tatlong linggo kong 'yon dito ay hindi pa ako nakalalabas sa loob ng malapalasyong school na'to. Katatapos lang namin mag breakfast at napangakuan ako ni Veronica at Luke na samahan sa paglilibot ng buong Ardent."Layla..tara na!"hinila na ako ni Veronica habang si Luke naman ay nakasunod lang samin.
Pagdating namin sa harap ng napakalaking gold double door ay kusa itong nagbukas. Sumalubong sa amin ang napakagandang tanawin.
Bumungad sa amin ang parang bridge ng Great Wall of China tapos merong itim na flag na sumisimbolo ng Ardent Academia. Dahil malayo-layo pa ang lalakarin namin ay ginamit ni Veronica ang kaniyang speed at agad naman kaming nakarating sa pagkababa ng bridge of Ardent. Sumalubong naman sa amin ang isang napakalaking pabilog na building.
"That is the Ardent Arena..diyan ginaganap yung battle pero para lang sa mga Ardent students parang sa outside world...sportsfest kung tawagin."paliwanag ni Luke.
Naglakad naman kami palayo sa Ardent Arena at bumungad ang napakagandang park,purong puro ang pagka-berde ng mga damo habang sumasabay naman sa ihip ng hangin ang iba't ibang klase ng bulaklak sa magkabilang gilid ng pathway,pagkarating sa dulo ng path way ay pabilog ang flat surface na may puno sa gitna. Tapos mga bench na,na pedeng upuan.
"Grabe! Sino ba ang nagmamay-ari ng Ardent Academia? Sobrang yaman naman non.."hindi makapaniwalang sambit ko habang naka-upo kami sa isang bench at pinagmamasdan ang tanawin.
"Oo mayaman talaga sila at mabait pa,sila Madame Treia Ardiente at Superior Leano Ardiente."sambit naman ni Veronica.
"Superior?"
"Oo siya kasi noon ang nagte-train sa mga students sa pakikipaglaban ng walang gamit na weapons at powers."
"Madame Treia is very elegant and full of authority though she's very kind kahit nakaka-intimidate ang mga mata niya. She once lost her child one hundred eighteen years ago."bakas ang pagkamangha sa mukha at tono ng pananalita ni Veronica.
"Actually mula pa sa great great grand father ni Superior Leano ang Ardent 1449 years nang nakatayo ang Ardent Academia..si Master lang ang nagmana kaya nung naging asawa niya si Madame Treia eh sila ng dalawa ang nagmay-ari at nagparenovate na rin. Kaya modern na modern at napaka high tech ng Ardent Academia."sabi naman ni Luke.
Halos abutin na kami ng madaling araw sa paglilibot ng Ardent Academia sa sobrang lawak at laki nito. Lalo na ang Ardent Forest..maganda siya pag maliwanag pero nakakatakot siyang pasukin pag gabi na dahil napakadilim dito. Nasabi nila sakin na dito pinaghahandaan ng mga kasali sa Battle of Survivors ang kanilang mga gagawin at yung mga strategies.
3:39 am
"Let me feel sleepy argh!"ginulo gulo ko ang buhok ko dahil kahit anong pikit ko ay hindi talaga ako makatulog.
Bumangon ako sa aking kama at nagpasiyang magpapawis sa training room. Nagbihis ako ng itim na sports bra at highwaist na black leggings. Tinali ko ang aking buhok pataas at sinuot ang aking tsinelas.
I slowly went out of my room and tiptoed towards the training room. When I successfully entered the room I sighed in relief.
Unti unti nagliwanag sa buong training room at nagpalabas lang ako ng punching bag. May lumabas naman na lalagyan ng boxing gloves sa wall na agad kong kinuha at isinuot.
Unang try ko sa pagsuntok ng punching bag ay hindi ito masiyadong gumalaw. Pero nang sumunod na ay bumwelo ako at sumuntok ng sumuntok.
The sound of my punches on the punching bag echoes in the four corners of the room.
Lumipas ang halos dalawang oras ay nakaramdam na ako ng pagod,kahit naka aircon dito ay halos maligo na rin ako sa sarili kong pawis. I removed my gloves and tiredly seat on the floor.
"I didn't know I have enough stamina to punch continuously for about two hours."hinihingal kong bulong.
"Neither I.."nanlalaki ang matang napalingon naman ako sa nagsalita. Umalis siya sa pagkakasandal sa paser at unti unti lumapit sakin.
Blue Haired man...
"Did you know you just broke a rule?"he smirked.
"Yeah I know that I should be on my dorm before eight and I shoudn't go outside."i rolled my eyes on him.
"Ang lakas mong sumuntok para sa isang baguhan..anong ability mo?"
"I don't know but the thing is...my wounds are completely healing."
"That's....rare."he said with an amused tone.
Dahil nangangalay na ako kakatingin sa kaniya habang nakaupo sa sahig at siya naman ay nakatayo ay tumayo na rin ako.
"Why are you here Mr. Blue haired man?"tinaasan ko siya ng kilay
"Woah..scary."he jokingly said then he chuckled.
"You also broke the rule.."
"I'm doing that often so yeah i don't care as long as hindi malalaman ni headmaster."and again he smirked.
"It's Kalen Liq by the way.."sabi niya at walang pasabing tumalikod at umalis.
He's weird..
Bumalik ako sa aking silid ng tuluyan siyang makaalis kanina sa training room. Mabuti na lang at walang nagra-rounds sa mga hallway nung lumabas ako ng training roo kaya naman nakabalik ako nang ayos sa aking dorm.
I cleaned myself and change my clothes into the ash-gray pair of sleeping clothes,a cottoned pajama and a cottoned button shirt. May logo ng Ardent na naka burda sa upper left corner ng shirt.
Pagkatapos non ay dumiretso na ako sa aking kama at nahiga. Hindi ko parin talaga maiwasan na isipin ang lola ko.
Makakabalik pa ba ako?
Hanggang kelan ba ako mananatili dito?
Sa dami ng taong pwedeng makaranas nito bakit kaya ako pa?
Do I really have powers and such?
______________________________________________________________________________
A very short teaser for the next chapter!
❗️Spoiler Alert❗️
"Okay opponents! Use your senses and focus!"um-echo ang boses ng lecturer sa buong stadium.
I slowly closed my eyes and focus then I suddenly feel an energy that fills my body.
What is this? If this is my power then it'll be better..
I absentmindedly opened my palms and a weapon suddenly came out. I almost gasped in shock.
A boomerang...
BINABASA MO ANG
Saudade
FantasyShe have those rare and mesmerizing beauty. She's an anti-social girl who's simply living with her grandmother. Until she turned 18 and she was dragged to a world named Athanasia..we're the people have their own special abilities and powers. "And oh...