Bigla ay nahilo ako at agad isinangga ang aking mga kamay sa ulo ng magsunod-sunod ang bato ng bola sa'kin. Sobrang ingay ng paligid at lahat ay nagkakagulo. Bago tuluyang bumigay ang talukap ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsangga ni Ryan,Zinc at Kalen sa mga bolang parating.Nagising ako na ang mga mata ay nakatutok sa puting kisame. Nanlalabo ang mata ngunit rinig na rinig ko ang ingay nila Venus.
"Oh my god! Lay's awake na!"gulat na sigaw ni Victoria. Kumunot ang noo ko hanggang sa luminaw ng muli ang aking paningin at magbalik ito sa dati.
Nagsulputan ang mga mukha nila sa akin at inalalayan naman ako ni Veronica para maupo ng ayos at makasandal. Napapikit pa ako ng mariin ng maramdaman ang labis na pag kirot ng buong katawan ko.
Pinasadahan ko silang lahat ng tingin.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Apat..
Nasaan ang tatlo pa?
"Ah nagugutom ka ba Layla?"pagbasag ni Veronica sa nakakabinhing katahimikan. Habang nanatili namang nakatingin sa akin ang dalawa niya pang kapatid.
"Hindi naman."my forehead creased again when I felt my throat dry. Venus immediately handed me a glass of water and I hurriedly drank it.
"Where's Ryan and the two?"the three V's eyes met and it seems like their having an eye contact.
"Uh..nasa..nasa ano..uh— naputol ang sasabihin ni Veronica ng pangunahan siya ni Victoria na sumagot.
"They're attending classes."my eyebrow raised at her unacceptable answer.
"Really? I didn't know na may class pa tuwing 6:30 ng hapon?"saktong natapos akong magsalita ay bumukas ng napakalaki ang pinto at iniluwa niyon ang tatlo.
Pinagmasdan ko sila na mga naghahabol hininga at akala mo ay sumabak sa isang giyera.
"Tungkol sa mga bumato kay Layla..napansin ko na pare-pareho ang kanilang mga galaw pati ang lakas na ibinibigay nila sa pagbato ng bola.."sambit bigla ni Venus.
"You mean..they're somehow being controlled?"maarteng tanong naman sa kaniya ni Victoria.
"Pero sino?"segunda naman ni Veronica. Naupo na ang tatlo na kararating lamang sa isang sofa at nakinig rin.
Lahat kami ay natahimik at tanging ugong lang ng aircon at ingay sa labas ng silid ang maririnig. Pare-pareho kaming may iniisip. Ako nama'y nagtataka.
Bakit ganoon na lamang ang galit nila sa akin? Noon naman ay kahit isang beses walang gumawa non sa'kin..
Hindi kaya..
Napaigtad ako at kahit sila ay nagulat ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at tinignan.
From:A
Did you like my warm welcome for you?
Get out of the clinic..i'll give you 10 minutes to find me..
VRFFHU ILHOG
Umalis ako sa kama at walang pasabing lumabas ng silid. Kumuha ako ng piraso ng papel at isinulat ang huling mga letra sa baba ng kaniyang mensahe.
Exactly when I finished writing them. Another message came.
From:A
Here's another clue for you..
three minutes left. Caesar Salad
"Three minutes left.."bulong ko sa aking sarili.
Left..
Mariin akong napapikit at pinaulit ulit ang message na kaniyang pinadala.
"Three left? Code..Caesar?..Shifts!"
V U T S
R Q P O
F E D C
F E D C
H G F E
U T S RI H G F
L K J I
H G F E
O N M L
G F E DPinagmasdan ko ang mga letra na nabuo ko pababa at mabilis na ibinaba ang ballpen at nagtatakbo papunta sa soccer field. Sa gitna ay may bola..bola ng volleyball..
"Paanong may naligaw na bola ng volleyball sa soccer field?"bulong ko sa aking sarili at naglakad palapit roon tsaka kinuha ang bola.
You're one minute late dear..by the way welcome :)
Nabitawan ko ang bola ng maramdamang mag-vibrate ito at saktong paglapag niyon sa damuhan ay sumabog ito pero hindi ganoong kalakas para mapansin ng mga tao na malayo.
Nandito kami sa mundo ng mga tao para pabalikin ang mga nagtatagong Athanasian dito. Pero bakit tila ako'y pinaglalaruan ng tadhana? Una iyong mga sinasabi ng ibang estudyante tungkol sa akin. Ano ang nangyari? Bakit nagkaganon? Pangalawa ay ang ganap kanina..pinagbabato ako ng bola at ngayon...ito. May nalalaman pang code code hindi na lang magpakilala..
Tumalikod ako at kasabay ng paghampas ng malakas na hangin sa akin ay naglakad ako palayo ng field. Sinalubong ako nila Veronica at inulan ng maraming tanong.
"Bakit ka umalis agad? My god! Mamaya mahilo ka ulit!"Victoria exaggeratedly said.
"Bakit ka pumunta ng field?"madilim ang mga matang tanong sa akin ni Zinc.
"Are you okay na Layla? Nagulat kami bigla ka na lang tumakbo!"Venus said before I can answer Zinc who's still intently staring.
"Nakita ko yung papel na 'to..this is yours right?"Kalen handed a paper and everyone of us looked at it.
"San galing yung na decode mo?"Ryan asked after he took the piece of paper on Kalen's hand.
"Sa—
My phone vibrated..
From:A
Keep it to yourself or they'll die.
Pinigilan ko ang sarili kong mag react at mahinahong ibinulsang muli ang aking cellphone.
"Tara na umuwi gutom na 'ko.."pag iiba ko sa usapan na agad naman nilang sinakyan.
______________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Saudade
FantasyShe have those rare and mesmerizing beauty. She's an anti-social girl who's simply living with her grandmother. Until she turned 18 and she was dragged to a world named Athanasia..we're the people have their own special abilities and powers. "And oh...