•10•

97 8 4
                                    

Chapter 10


School days.


Hayy! Another day. Bumangon ako sa king-sized bed ko at dumeretso sa C.R, naghilamos ako at tumitig sa kaharap kong salamin. Buti na lang nakatulog ako ng maayos kagabi.

Aissssh! Ok, aaminin kong four hours lang ang tulog ko at ayan nga siya oh, yung eyebags ko ang laki! -___-

Sana maging okay lang ang lahat ngayong araw.

---

@School

Naglalakad ako sa hallway ng nakahalumbaba, eh kasi yung eyebags ko nakakahiya. Tas yung shades ko kinuha ni Owen, wala tuloy akong pangtakip sa mata ko. Batang yun talaga! Palaging wrong timing kung kukuha ng gamit ko. Tsk.

Hindi nako pumunta sa locker dahil mas nakakahiya dun, makikishare na lang ako ng libro kay Thea. Speaking of Thea. Aaaaaaack! Yung nangyari kagabi.. Aaaah! Sakin? Anong nangyayari sakin? Siyempre magjowa sila edi natural yun diba? Hayy!

Napahinto ako sa tapat ng classroom namin. Lahat naman ng mga classmates ko eh napatingin sakin pati si Prof. Tzu. Napayuko ako. Late ako?

"Why are you late Ms. Enriquez?" Tanong ni Prof. Late nga! Psh.

"Ah kasi Sir.. uhmm.." pano ko ba sasabihin? Na napuyat ako dahil dun sa halikan ni Zyron at Thea? Aisssh! Nababaliw nako. "Traffic po kasi eh, sorry po!"

Bigla namang nagtawanan ang mga classmates ko pati si sir eh tumawa rin. Kumunot ang noo ko at pumasok na lang ng classroom. Anong problema nila? Hmp. Pumwesto ako sa tabi ni Thea. Hindi ako tumingin sa kanila at nanahimik na lang.

"Ms. Enriquez, is that what you call traffic? Baka pu-yat ka lang! Your eyebags was so big." Sabi ni sir. This time eh hindi na siya tumawa. Pero yung mga walanghiyang classmates ko eh tuloy pa rin sa paghagikgik. Si Sir naman ih!

"Enough class, let's go to our new topic." -Sir

"Okay ka lang?" Tanong ni Thea sakin. Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya.

Kung alam mo lang bespren, kung pwede ko lang sabihin sayo kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Hayy! Pero hindi pwede eh. Hindi talaga :(

Habang sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa discusion ni Sir eh halos mapatalon ako sa gulat dahil sa cellphone kong nagvibrate. Fishtea!

Tinignan ko ng palihim kung sino ang nagmessage.

Fr: Unknown number

You okay?

Bigla namang kumalabog ang dibdib ko. Napapikit ako at nagbuntong hininga, why is he acting like he's concern? Mas lalo akong nahihirapan eh. Tinago ko ang phone ko at di ko nagawang magreply, ni pagtingin sa taong yun hindi ko kaya kahit isang upuan lang pagitan namin. Aaaaaah! Ano bang nangyayare sakin?

Pagkatapos ng klase eh dumeretso ako sa locker hallway para kunin ang P.E uniform ko. Tinignan ko ang mga mata ko sa maliit na salamin ng locker ko, at ganun pa rin, hindi pa rin nababago ang hugis. Malaki pa rin.. -___-

"Agh! Kakainis naman eh! Ba't ang laki pa rin?" Sambit ko.

Ampanget ko. -____-

Halos manigas naman ako ng tumunog ang kandado ng katabi kong locker. O____O naestatwa ako at hindi alam kung anong gagawin. Ano nga ba dapat? Aaaah. Kailangan ko munang pakalmahin ang puso ko. Ang lakas ng tibok eh!

"Thea's looking for you."

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Sinarado ko ang locker ko at humarap sa kanya.

"N-nasan siya?" I'm stuttering. Shit! Kakahiya..

"Gym." Kalmado niyang sabi. Kalma lang siya samantalang ako pawisan na. Tsk. Masama talagang pangitain ito.

"Ah ok." At tinalikuran ko na siya. Dumeretso ako sa C.R at nagbihis na ng PE uniform, pagkatapos eh pumunta nako sa Gym. Nakita ko naman si Thea na nakaupong magisa sa bleachers. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Dennise."

I smiled.

"Woah! Ang laki ng eyebags mo. Ano bang nangyari?" Tanong niya.

"W-wala. Puyat lang siguro!" Umiwas ako ng tingin at nagbuntong hininga. Siguro talaga? Eh puyat naman talaga ako. Naku!

"Ikaw ha! Ano ba yang pinagpuyatan mo?" Tanong ulit niya.

Hindi ano bespren, sino! Nagbuntong hininga ako at tumingin sa kanya.

"Thea, mahal mo na ba si Zyron?" Tanong ko. Paksyeet! Ansabi ko? Langya! Mejo nagulat siya sa tanong ko pero agad naman siyang nakarecover. She smiled.

"Yes. Why'd you ask?" Parang may iba sa mga mata ni Thea pero hindi ko mawari kung ano iyon. (Lalim ah!) Umiwas siya ng tingin.

"Ah. Kasi ano bang feeling ng ano.. lam mo na.. inlove?" Halos mabuwal ako sa tanong ko. Ngumisi siya ng napakalaki at may kahulugang tumingin sakin.

"What?" Hindi pa rin nagbabago yung expression niya sa mukha.

"Are you inlove Dennise?" Nakangisi niyang tanong sakin. Abey ok din 'tong bespren ko ah. Sinamantala ang pagkakataon. Ako yung unang nagtanong eh! -___- Tsk tsk ano namang sasabihin ko?

"H-hindi ah! Ako inlove? Hindi kaya! Hindi ako inlove noh!" Mejo natigilan ako ng biglang naalala ko ang mga mata ni Zyron. What the fuck?

"Yiee. Talaga lang ha!" Kinikilig niyang sabi sundot sa tagiliran ko. Nagkunwari akong nakiliti kahit hindi.

"Ok class let's start." Sigaw ni Mrs. Peduc. saming mga nakaupo sa bleachers.

Umiwas ako ng tingin at nauna ng tumayo. Naglakad ako papuntang court at sumunod naman si Thea sakin, sinusundot sundot pa rin niya yung tagiliran ko.

"Uyyy! Inlove na bestfriend ko! Sono crush mo?" Masaya niyang pangaasar.

"Di nga ko inlove tsaka wala akong c-c-crush!" Tanggi ko. Nabulol ako for gods sake. Oh my Crush!

Nagpout naman si Thea at nginitian ko na lang siya. Hayy!

Para namang naguilty ako bigla. Oo naguiguilty ako sa nararamdaman ko dahil nakakasiguro nakong hindi na kung ano 'tong nararamdaman ko para kay Zyron.

What? Did it really came out of my mind? Damn it!

I don't want to admit it but.. maybe i had a crush on my bestfriends' boyfriend. Oh my trouble!

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon