Chapter 3: TOP 10

178 31 14
                                    

Alexander's POV

Badtrip

Napahiya kami d'on ah! Tss.

Pakatapos ng naging orientation para sa mga freshmen ay agad kaming hinila ni kuya Mike palabas ng grand hall. 'Di na niya kami binigyan ng pagkakataon na sagutin 'yung babae kanina.

"Kinginang bunganga 'yon! Napakawalang modo!" Galit na saad ni Trev.

"Tss, tell me about it. Same with that pink wearing glob. Kala mo kung sinong señorita. Ang conyo pa. The fuck?! I could buy her tenfold!" Ngayon naman ay si Tobi na ang nagsalita. Bakas din sa mukha niya ang inis.

"Kainis ka naman kuya Mike eh!" Ako.

"Kaya nga natin sinundan 'yung kumag na 'yon sa grand hall para makabawi ako tapos pinigilan mo naman kami!"

Kasi kanina ay galit na galit talaga ako sa babaeng 'yon dahil sa mga sinabi niya sa'kin. Who the fuck does she think she is para pagsalitaan ang isang tulad ko ng gan'on?! Ako pa talaga ang dapat i-kwestyon ang pag aaral dito ah? Tangina lang!

So when Ms. Vermilion went outside to go look for some freshmen para sa orientation, d'on ko kaagad napagtanto kung saan pumunta 'yung babae. And I was right. Tss. Everything was going okay na sana eh kung 'di lang nakisali 'yong kasama niya at 'yong isa pang babaeng nakaitim. Mga sawsawera, tss.

"Causing a scene is okay. Pero kung mag ca-cause na tayo ng gulo, that's a big no no. Not to mention once na hinayaan ko kayo, that would mean a day inside the white box. And school has barely even begun. Plus mapapagalitan na naman ako ng ate mo."

Tss. Kainis. Pero may punto naman siya. 'Di nalang ako sumagot at inis nalang na sinipa ang isang bench sa hallway. Him and my older sister have both been dating for almost 4 years now. Isang rason kung bakit kuya tawag ko sakan'ya.

We're on our way sa canteen, courtesy of kuya Mike, since almost lunch time na raw at para narin daw makapag palamig kami ng ulo. Pero up until now badtrip parin talaga ako.

Naiirita ako sa muka n'ong babaeng 'yon! Kung maka-tingin siya sa'kin parang napakawalang kwenta kong bagay. Tss, 'kala mo naman ang ganda niya.

Tss. 'Di ka maganda hoy!

'Di niya rin kinaganda 'yang pa-bored expression niya. Masyadong pa-cool ampota! Typical edgy wannabe. Kadiri.

"'Wag na 'wag lang talaga magpapakita 'yung tatlong 'yon kundi 'di ko talaga mapipigilan sarili ko." Aniya ni Tobi habang nakapamulsa.

"You too, calm your ass down already." Saad ni kuya Mike at inakbayan ito.

"Tss, easy for you to say. Ikaw lang naman ang walang nakaaway d'on eh."

"Perks of being a good boy."

"Perks of having a ruthless girlfriend kako." Sabi ko at medyo natawa naman siya.

"Well, no lies detected there."

"That's one of the sooo many reasons why ayaw kong magkaroon ng girlfriend. Commitment equals boundaries. Once na committed ka sa isang relationship, you're letting yourself be trap inside certain bounds. That ain't for me bro." Si Trev.

"Heto nanaman po tayo hahaha. Again and again, that's not the only thing a relationship can offer brad. Ilang beses ko na bang nasabi 'to?"

"I'm with Trev, relationship? Nah, that's like picking up a rock so you can hit your head with it. In short, problema lang 'yan. I'd rather have my fulfilment be from all those one night stands and short term flings. At least walang commitment and you're still free to do whatever you want." This time si Tobi naman ulit ang nagsalita.

MH University: Brain vs. Brawn (MH series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon