Chapter 29: Gratefulness and Apology

69 9 2
                                    

Dimitri's POV

"Buti talaga pumasok ako ngayon. Mygahd! Imagine? 3 subjects, lahat may pa-quiz?! Imagine if I failed all of those?! Gahd!"

"Tss. Buti nga talaga."

"Iiihh kasi naman eh!"

"Ba't kasi ganon man-trip mama mo? Iba eh."

"Ugh please don't remind me. Naiirita lang ako na ewan. I'm so over it."

Kakatapos lang ng klase namin para sa hapong 'to at andito kami ngayon sa hallway naglalakad papunta sa silid nina Xuxi. Napagusapan kasi naming lahat kanina na kakain muna kami sa labas bago maghiwa-hiwalay.

"Kaloka ka Gab, na-perfect mo na naman lahat ng quizzes." Saad ni Adri na bilib namang nakatingin sa gawi ni Gab. "Pinapano mo ba 'yan ha?"

Medyo na-curious naman ako kaya napatingin din ako sa gawi ni Gab.

"I woke up at 2am so that I could review some of our handouts and notes." Katulad nang kinasanayan, wala paring emosyon ang mukha niya. Pero mapapansin mo naman ang pagiging malambot ng boses niya habang siya'y nagsasalita.

"Eh?! I would still be like, asleep pa niyan eh. Ugh no amount of school pressure is going to stop me from getting my full sleep. Don't want to wake up looking hagard 'no."

"Tingin mo naman mas p'problemahin pa ni Gab pagiging hagard?"

"Malamang hindi. Si Gab pa. Study first eh. Ayaw pa nga ata magkajowa niya eh hihihi."

"Totoo." Tinapunan ko naman ng mapangasar na tingin si Gab at namula ang naman kan'yang mga pisngi. Natawa nalang kami ni Adriana.

"Joke lang!" Dugtong pa ni Adri nang mapansing napayuko si Gab habang patuloy parin kami sa paglalakad.

"Si Adri nauna Gab ah."

"Duh! Dinugtungan mo naman."

"It's fine." Rinig kong mahinang sabi ni Gab sabay dahan-dahang inaangat ulit ang mukha upang tingnan kami. Medyo namumula parin siya.

'Di ko tuloy mapigilang 'di mapangiti. 'Tong si Gab pa-cold cold lang eh pero halata namang mahiyain. Ang weird na cute tingnan kasi kung susuriin, wala talagang kabuhay-buhay mga mata niya pero kasalungat naman nito ang pagiging mapula ng kan'yang mga pisngi na dinugtong ng pamumula rin ng kan'yang ilong.

"Pero sabagay, dapat nga namang tularan 'tong si Gab." Sabi ko sabay akbay sakan'ya. Napatingin naman siya sa'kin na para bang nagtatanong kaya nginitian ko nalang siya.

"Well, you ain't lying there. Mas mabuti nga namang study first na muna rather than making jowa jowa."

"Musta na pala 'yung nagbigay sa'yo nung sulat?" Tanong ko.

"I haven't heard of him since then." Pormal at malumanay niya namang sagot.

"Luh? What kind of admirer is that? Sa una lang magaling? Ganoin? Where are the follow ups?!" Singit ni Adri habang kunot noong nakatingin sa gawi namin ni Gab. "Grabe 'yon ha! Tss. And here I thought you guys looked cute na and all."

Napansin ko na naman ang pamumula ulit ng mukha ni Gab habang kunwaring tumitingin-tingin siya sa kung saan. Nakangiting napailing nalang ako.

"Psh. Ano ka ba? Sa dinami-daming nangyare nitong nakalipas na mga araw? Tingin mo may oras pa 'yan sila para diyan?" Sabi ko na para 'wag na pahabain ni Adri ang ganitong usapan.

"Hmm... sabagay. But sti-"

"Wushuuu hayaan mo nalang kasi." Inunahan ko na siya kasi alam kong hindi na naman 'to titigil kakadakdak diyan. Kilala ko na galawan nitong babaeng 'to eh.

MH University: Brain vs. Brawn (MH series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon