Chapter 9: Hallway Encounters

84 15 2
                                    

A/N: Day idk of quarantine and here I am, torn between downloading TikTok or not. Mygahd these allergies! Anyway here's a new chapter. Enjooooy!

*

*

*

*

*

Alexander's POV

"Dito Tobi oh, bilis habulin mo!"

"Teka sandali! Trev mag front ka!"

"Isang magandang set lang Trev sige na."

"Teka saglit!"

"Trev ayan na!"

"Oo saglit!"

"SS na Trev!"

"Oo na!!"

"You have slain an enemy."

"Double kill."

"Triple kill."

"Maniac."

"Savage."

"Wiped out."

"Putangina! Woooh mga bobo! Push na mga pre!" Malakas kong sigaw nang ma-wipe out namin mga kalaban at nang maka-savage ako gamit hero ko na si Granger. Andito kami ngayon sa room, hindi raw muna makakapasok ang prof namin sa first subject for some unknown reasons kaya heto at naglaro nalang muna kami ng ML pampalipas oras.

"Victory!" Saad ng babaeng narrator sa laro nang tuluyan na naming mawasak ang base ng kalaban.

"Easy win mga sir." Si Trev sabay lapag ng kan'yang phone sa desk table namin.

"Ano ba 'yan mga sir 22 win streak na ang lodi niyo." Si kuya Mike sabay pakita ng screen ng phone niya.

"ML lord." Sabi pa siya sabay brush up ng kan'yang buhok.

"Sus pabuhat ka lang naman eh." Sabi naman ni Tobi.

"Psh anong pabuhat? Eh ako nga panay push sa'tin eh."

"Yayabang, no savage no opinion." Pagpaparinig ko naman sakanila.

"Ay wao. If it weren't for me 'di ka makaka-savage hoy. Tank lord here, you should be thankful." Si Trev sabay flex ng kan'yang biceps. Yabang din talaga ni gago.

"Ikaw nga feeder sa'tin eh. Dami mo kayang death. Talo mo sa death isa nating kasama eh." Sabi ko at nagtawanan naman kami nina Tob at kuya Mike.

"Eh malamang initiator niyo ako. Ako laging nauuna, tapos palpak pa follow-ups niyo mga bobo." Siya sabay make face sa'min.

"Psh whatever dude, anyway I'm hungry, kain tayo sa baba." Yaya ko sakanila.

"'Di kasi ako nag-breakfast kanina since I ate so much cake kagabi." Dugtong ko pa sabay stretch ng aking mga braso. I saw some of our female classmates swooning over me when I did that.

Tss. Typical easy-to-get girls.

"Oh so porque gutom ka dapat gutom narin kami?" Sarcastic namang tanong ni Trev. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Oh edi 'wag na kayo sumama. Ako nalang." At tumayo na nga ako.

"Bilhan mo nalang ako chips bro. Thanks labyu." Pahabol naman nito nang papalabas na ako. P-puta?!

"Ako rin bro. At isang coke narin." Dagdag pa ni Tobi sabay kindat.

Mga gago ayaw akong samahan tapos magpapabili rin lang naman pala?

MH University: Brain vs. Brawn (MH series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon