Chapter 18: Unplanned Plan

83 11 0
                                    

Dimitri's POV

"Pasa 'nak!" Malakas na sigaw ni pa kaya mabilis kong ni-side step 'tong lalake sa harapan ko sabay mabilis na pinasa ang bolang pang basketball sa gawi niya.

Agad itong nasalo ni pa at mabilis na tumakbo pa ilalim sa ring. Triny niyang ipa-shoot ito ngunit medyo kumaplos nang sabayan siya ng isa pa naming kalaban sa pagtalon.

Mabilis agad akong tumakbo upang saluhin ang bola ngunit naunahan na ako ng kaharap ko kanina. Nginisian niya lang ako na may kasamang kindat saka mabilis na tumakbo patungo sa kabilang ring. Napairap lang ako sa kung saan at agad din naman akong tumakbo at hinabol siya. Nang nasa may side na ng ring namin ay mabilis siyang huminto sabay mabilis na pinasa ang bola sa isa niyang kakampi na naka-pwesto sa may bandang kanan ng court.

Mabilis itong nagpa-shoot sa may 3 points line pero agad din namang natapal ng bunso kong kapatid ang bola.

"Nice!"

"Nice one 'nak."

Puri sakan'ya ng nakatatanda kong kapatid at ni pa.

Napatingin naman ako sa gawi niya sabay ngisi.

"Tsk. Natututo ka na ah." Sabi ko at ngumisi rin siya.

"Tss. Ate ako ata pinakamagaling sa team natin nila papa." Pagyayabang niya at inismiran ko lang siya.

"Yabang. Saka ka na magyabang 'pag kaya mo na ako sa one on one hoy." Sabi ko sabay tingin sa score.

Tsk. 69 - 71, lamang sila ng dalawang puntos. Napatingin din ako sa timer and nakitang 12 segundo nalang ang natitirang oras.

Hinarap ko ang nakatatanda kong kapatid.

"Hoy."

Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Alam mo na." Sabi ko sabay tango sakan'ya.

"Tss. Oo naman baby girl." Sabi niya sabay ngisi sa'kin.

Saglit ko lang pinatunog ang aking leeg at agad na sumeryoso.

Meron kaming sobra sampung segundo para mipanalo pa 'to.

Huminga ako ng malalim.

Nang magsimula ulit ang laban ay mabilis akong tumakbo patungo sa isa naming kalaban na may hawak sa bola.

11

10

09

Panay siya dribble nito pero agad ko rin namang nabasa ang mga galaw niya. Nang makitaan ko ng tyempo ay mabilis kong naagaw ito at tiningnan ko lang siya sabay mabilis na tumakbo patungo sa ring side ng kalaban.

Hinarangan ako ng dalawa pang kalaban pero agad din naman akong naka-side step sakanila, at na ankle break ko pa nga ang isa dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba at mainam na naihatid ang bola sa ilalim ng ring nila.

06

05

Nagkunwari akong ishu-shoot ito at tumalon. Pero nang nasa ere na ako ay mabilis ko 'tong pinasa sa kuya kong open na open na nagaantay ng bola sa labas ng 3 points line.

04

03

Agad niya itong nasalo at mabilis itong shinoot. Tila ba bumagal ang mga sandaling 'yon habang mainam lang na nakatutok ang lahat sa bola.

02

01

"EEEENKKK" Malakas na tunog ng buzzer sa court.

MH University: Brain vs. Brawn (MH series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon