Chapter 15: The Attack (Part One)

90 12 0
                                    

Third Person's POV

"Tarantado!" Mataas na tumalon si Dimitri sa ere patungo si direksyon ng isang lumilipad na halimaw na kasalukuyang hinahabol ang tatlong estudyante.

Nang tamaan niya ito sa ere ay agad niyang ibinaon ang kan'yang matulis na espada sa dibdib nito, hanggang sa lumabas ang dulo nito sa likuran ng halimaw.

She gracefully landed on her feet while still carrying the monster on her sword.

Napuno ng dugo ang kan'yang espada at agad niya naman itong itinulak paalis mula sa kan'yang armas, dahilan upang walang buhay itong bumagsak sa sahig.

Napako ang tingin niya sa grupo ng mga estudyante.

"Ayos lang kayo?" She asks them checking for any signs of injury.

Nang masigurong ayos naman ang kanilang kalagayan ay agad niya silang tinulungang makaalis sa lugar.

Naatasan siya kasama ni Adriana na tumulong sa pag-evacuate ng ibang mga estudyante at ng mga none meta-human staffs sa loob ng university papunta sa safe ground ng school na matatagpuan sa ilalim mismo ng malaking paaralan. Habang si Gabriella at Xuxi ay naatasan namang tumulong sa pag-secure sa entrance ng building na siyang tumamo ng pinakamaraming tama. Nasa may harapan mismo sila ng paaralan tumutulong sa pakikipaglaban sa mga halimaw na pilit gustong makapasok sa loob.

At dahil may mga mangilan-ngilan na ngang nakapasok, ay mas naging mahirap ang pag-evacuate sa ibang mga estudyanteng nandidito sa loob. Mga estudyanteng hindi pa gan'on kabihasa sa larangan ng pakikipaglaban, o 'di kaya iba ang gamit ng kapangyarihan at kasama narin ang mga regular na mga taong nagta-trabaho lamang dito.

"Sundan niyo lang ang emergency lacrima na 'to." Agad na may lumutang na kung anong lumiliwanag na bato mula sa palad ni Dimitri nang ilahad niya ito.

"Sundan niyo lang ito at dadalhin kayo nito sa isang ligtas na lugar. Takbo lang. 'Wag na 'wag kayong lalaban. Ito ang magtuturo sainyo ng pinakaligtas na daan." Sabi pa niya nang may marinig siyang sigaw mula sa kabilang sulok ng hallway.

Marahas siyang napatingin sa gawi ng mga halimaw na ngayon ay lumilipad patungo sa direksyon nila. Nakalabas ang mga pangil nito at mabilis na lumipad ang iba nitong mga kasamahan patungo sa iilang grupo ng mga estudyante na abala din sa pakikipaglaban.

"Hay tangina." Sabi niya pa sabay ayos ng kan'yang tindig. "Sige na at umalis na kayo. Ako na ang bahala sakanila."

The students weren't needed to be told twice before they started running after the glowing crystal, away from the place and into safety.

Pinatunog lang ni Dimitri saglit ang kan'yang leeg at mabilis na tumakbo sa direksyon ng mga halimaw at mataas ulit na tumalon.

"Ahhh!" She sliced two of the monsters in mid air, cutting both of them in half, and she plunges her sword down the heart of another monster as she went down with it.

She rolled over the floor when she landed and was back on her feet in no time.

Tumalon ulit siya, this time using her shield ay malakas niyang sinangga ang isa sa mga halimaw dahilan upang tumalsik ito sa dingding, leaving a huge crack on the wall.

Nang makabalik sa baba ay napansin niya ang isang lalake who was struggling to hold off two of the monsters from where she's standing at agad niyang itinapon ang kan'yang espada sa gawi ng mga 'to.

Agad na bumaon ang kan'yang armas sa ulo ng isang halimaw kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang lalake na gamitin ang kan'yang kapangyarihan upang matalo ang isa. Humaba ang mga braso nito at mahigpit na pumulupot sa katawan nung isa sa mga halimaw at mainam na dinurog ang katawan nito.

MH University: Brain vs. Brawn (MH series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon