ANG BABAENG AMBISYOSA [RUBI]
By;EMMZ
CHAPTER 2
Sa ginawang iyon ng ama ni Rubi sa kanilang mag iina ay parang nawala ang amor niya sa ama lalo pa at sinabihan siya nitong walang pakinabang, hindi lang alam ni mang Domeng kung gaano siya naguguluhan sa sitwasyon nila at kung gaano siya naaawa sa mga kapatid dahil kahit gusto man nilang mag aral ay wala silang sapat na pera para matustusan ang pangangailangan nila......
"Oy Rubi nalaman ko yung nangyari sa inyo kahapon ah!...walanghiya talaga yang ama mo siya na nga ang pinapalamun ninyo eh siya pa ang may ganang manakit sa inyo!........wika ni Mrs.Ibarra kay Rubi ng ihatid niya ang mga labahan sa bahay ng ginang...
"Oo nga po eh!,...kawawa po si inay halos maga ang buong mukha niya sanhi ng pagkakasampal ni itay sa kanya......turan ni Rubi sa ginang...
"Wala na talagang pag asa yang ama mong yan Rubi,...alam mo naaawa na nga ako sa inyo dahil imbis na nag aaral kayo at siya ang kumakayod,..siya naman itong pinapalamon ninyo at ngayon heto nananakit narin!.. anung silbing ama siya sa inyo pag ganyan siya!....iiling iling na sabi ni Mrs.Ibarra kay Rubi kaya naman hindi napigilan ni Rubi ang pagtulo ng kanyang luha....
"Wala naman po kaming magagawa kundi intindihin ang sitwasyon ng aming buhay,..siguro po baling araw ay may bukas ding naghihintay para sa amin basta maghintay lang at wag mawalan ng pag asa at laging manalangin sa Poong Maykapal......saad ni Rubi saka nag paalam sa ginang....
"Kaawa awa naman talaga sila......malungkot na sambit ni mrs.Ibarra sa kawalan habang pinagmamasdan ang paglayo ni Rubi....
Maghapon at magdamag na hindi umuwi ang ama ni Rubi at ng tanungin nila sa mga nakainuman nito'y wala naman silang masabi dahil nang nagkahiwa hiwalay silang lahat ay diretso na ang mga kainuman niya sa kani kanilan bahay kaya nag aalala din sila kahit papaano.....
"Inay saan na kaya nagpunta si itay baka kung ano na ang nangyari sa kanya kahapon pa siyang hindi umuuwi ah!.....alalang tanong ni Rubi kay aling Cita...
"Oo nga eh, tinanong ko na kanina si Kanor pero sabi niya ng umuwi siya ng bahay eh hindi na niya ito nakita pa dahil sumunod din siyang umuwi makaraan ng 30 minutos.......salaysay ni aling Cita...
"Eh san na kaya nagpunta si Itay bak.....hindi natuloy ni Rubi ang sasabihin ng may kumatok sa kanilang pinto na animo'y magigiba ang kanilang pinto....
Dali daling binuksan ni aling Cita ang pinto at para lang malaman na si mang Kanor ay kumatok at halos hindi makapagsalita sa hingal at tagaktak ang pawis na animo'y hinabol nang hayop na nanlalapa ng tao....
"O Kanor bakit napaano ka at ganyan ang hitsura mo parang may humahabol saiyo!...gulat na tanong ni aling Cita kay mang Kanor...
"Si..si...si Domeng natagpuang patay sa may tabi ng sapa at tadtad ng saksak ang katawan nito!.....halos pautal utal na balita ni mang Kanor sa mag ina...
Tigagal ang mag inang Rubi at aling Cita sa narinig na balita halos hindi nila namalayang nakarating sila sa may tabi ng sapa at napakarami ngang tao dun maya maya pa'y hinawi ni aling Cita ang mga tao para Makita ang kanilang pinag uumpukan at laking gilalas niya ng masiguro ngang si mang Domeng ang patay na pinagkakaguluhan ng mga tao....Kahit naman pala gaano kasama ang ama ni Rubi ay masakit din naman pala ang makitang wala na ang yung ama na siyang dahilan kung bakit ka naririto ngayon sa ibabaw ng lupa at siyang pinagkakautangan ng iyong buhay.....
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... Salamat po....