Chapter 16

3.3K 94 2
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

BY:EmmZ

CHAPTER 16....

Agad na isinugod sa malapit na ospital si Rubi sa nangyari iyon sa kanya dahil sa pagkataranta ni Jhunel at habang hinihintay ang resulta sa doctor ay tinawagan nito si Demi at agad namang pumunta sa ospital...

"O Jhunel bakit anong nangyari sa ate mo bakit mo siya isinugod dito sa ospital!,..natatarantag tanong ni Demi kay Jhunel..

"Kasi po ate Demi bigla nalang po siyang natumba at nawalan ng malay tao!,...sagot ng nag aalalang si Jhunel..

"Eh anong sabi ng doctor?...tanong ulit ni Demi

"Eh wala pa pong resulta ate Demi hinihintay ko palang pong lumabas yung doctor na sumuri kay Ate Rubi!,..

"Ganon ba!,..eh si Ronel asan siya?...muling tanong ni Demi.

"Naiwan po sa bahay ate kasi po ay nagluluto ako kanina kaya siya ang iniwan kong tumingin sa aking niluluto....ani Jhunel

"Ah ganun ba!,..o hayan na ang doctor at palapit na dito,...wika ni Demi

"Kayo po ba ang kaanak ng pasyente?..tanong ng doctor kina Demi at Jhunel..

"Opo kami nga po!,..ano po ang nangyari sa pasyente namin?..tanong ni Demi sa doctor

"Hindi naman po malala ang nangyari sa pasyente normal lang po sa kanyang sitwasyon ang naramdaman niya at nagyaring iyon sa kanya!..pahayag ng doctor na ipinagtaka ni Demi..

"Bakit po doctor ano pong ibig ninyong sabihin?....

"She's 6 weeks pregnant,..pagkagising niya mamaya ay pwede na siyang umuwi anumang oras sige po at may pasyente pa ako sa kabilang kwarto....saad ng doctor at iniwan ang tulalang sina Demi at Jhunel...

"Oh my God ito na nga ba ang sinasabi ko sa kanya na ikinakatakot ko sana po PANGINOON ay wag NINYONG pababayaan si Rubi sana po ay maging maayos ang lahat dahil parang wala sa ayos ang sitwasyon ng dalawa....pagsamo bulong ni Demi sa sarili...

"Ate Demi buntis si ate Rubi eh di magpapakasal na sila ni kuya Axe!...turan ni Jhunel kay Demi..

"Ewan ko Jhunel kailangan pa nilang mag usap tungkol sa sitwasyong ito at hindi natin alam ang kalalabasan ng lahat ng ito....saad ni Demi habang nakatingin sa kawalan at naaawa sa kalagayan ni Rubi....

Nagulat si Rubi dahil ng magising ay nasa ospital na siya at ng maalala ang nangyari lang kanina sa kanya'y biglang nag alala dahil baka kung anong karamdaman na mayron na siya...

"DIYOS ko po sana po ay ok lang po ako at sana po ay wala po akong anumang karamdaman dahil kawawa po ang aking mga kapatid kung sakaling magkaroon ako ng sakit....nag aalalang samo ni Rubin g biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Demi at Jhunel..

"Ate Demi..Jhunel ano pong nangyari sa akin at bakit ako nandito,..ano po ang sabi ng doctor?...sunod sunod na tanong ni Rubi habang nakatingin lang ang dalawa sa kanya..

"Rubi ayon sa doctor ay buntis ka kaya ka nawalan ng malay tao!...walang paligoy ligoy na sabi ni Demi...

"Huh!..to..totoo po ba ate Demi?....hindi makapaniwalang tanong ni Rubi kay Demi at tanging tango lang ang naging sagot ni Demi kaya napatunganga si Rubi ilang sandali....

Sa nalaman ni Rubi tungkol sa kanyang pagbubuntis ay hindi niya malaman ang nararamdaman kung matutuwa siya o malulungkot dahil sa ngayon ay wala pang sinasabi si Axe tungkol sa sitwasyon nila ngunit masaya naman siya dahil sa magiliw naman si Axe sa kanya at mahal na mahal niya ang lalaki,..parang tumitigil ang oras sa sandaling kasama niya si Axe at walang hanggang saya ang kanyang nadarama sa mga sandaling iyon,..kaya't maya maya pa'y bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan at parang may kung anong saya siyang naramdaman ng mga sandaling iyon....

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon