Chapter 12

3.2K 83 1
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

BY;EMMZ

CHAPTER 12.....

Nagising si Rubi dahil pakiramdam niya'y may kung anong mabigat ang nakadagan sa kanyang katawan at ng magmulat siya ng mata ay totoo nga dahil nakadagan sa kanya ang hita ni Axe habang nakayakap naman sa kanya ito at mahimbing na natutulog,...dahan dahan siyang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya ngunit kapagkuwa'y nagmulat ito ng mata....

"Saan ka pupunta?....pupungas pungas na tanong ni Axe habang muling ibinalik ang pagkakayakap ng mga kamay nito kay Rubi...

"Titingnan ko lang ang oras!...sagot ni Rubi..

"Mag aalas sais Y media palang!...ani Axe sabay turo ng orasan sa may la mesita  na nakapatong doon..

"Huh!...gulat at tarantang bangon agad si Rubi...

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Axe..

"Eh late na ako tiyak na kagagalitan ako ni Ate Demi nito!...nag aalalang wika ni Rubi sabay dampot ng cellphone para icheck at tama nga ang sinabi nito dahil nakailang missed call na si Demi at hindi niya narinig dahil naka silent mode ito at mayroong text message na tinatanong kung nasaan na ito at kung anong nangyari na sa kanya....

"Bakit?....nag aalalang tanong ni Axe ng makitang parang taranta na si Rubi pagkahawak ng kanyang cellphone...

"Kanina pa pala tawag ng tawag si ate Demi at nag text pa at tinatanong niya kung anon g nangyari sa akin at kung nasaan na ako tiyak na pagagalitan niya ako nito!....kabadong sagot ni Rubi..

"Don't worry sabihin mo magkasama tayo at akong bahala kay Demi kaya wag ka ng mag alala hmm....ani Axe sabay dampi ng halik sa labi ni Rubi...

"Eh tiyak na pagagalitan niya ako kasi nakailang tawag na at text messages eh hindi ko naman narinig kasi nakasilent mode yung cellphone ko,.....sige na maliligo na ako dahil late na ako malayo pa naman ang Malate dito...ani Rubi saka kumalas sa pagkakayakap kay Axe at nagtungo ng banyo para maligo ngunit makalipas ang ilang Segundo ay nakisabay ding naligo si Axe kaya naman natagalan sila sa paliligo dahil sa paghaharutan nila sa banyo....

Dahil sa trapik at layo ng biniyahe nila Rubi at Axe mula Novaliches hanggang Malate ay nahuli si Rubi sa kanyang unang show kaya si Nemia ang nauna na dapat ay siya,...nagmamadali siyang nagtungo sa may dressing room para mag ayos ng madatnan niya si Arleen na tarantang inaayos ang sarili....

"Naku Rubi san kaba nagpunta at ngayon ka lang kanina pa umuusok ang bumbunan ni ate Demi sa galit ano!.....nag aalalang wika ni Arleen kay Rubi...

"Talaga Arleen?.....kinakabahang tanong ni Rubi..

"Oo naman!...san kaba kasi nagpunta?...sabi ni ate Demi ipinaalam ka lang daw ni Axe na kumain sa labas hindi kana bumalik at ng tawagan ka daw niya hindi mo man daw sinasagot ang kanyang tawag nakailang tawag at text daw sayo,..nag aalala na nga yung dalawang iyon eh kanina pa hindi mapakali si Ate Demi......saad ni Arleen na mas ikinabahala ni Rubi..

"Kasi si Axe matapos kaming kumain sa labas ay nagshopping kami at dinala niya ako sa condo niya at nakatulog ako doon ng magising ako'y mag aalas sais y media na...paliwanag ni Rubi..

"What!....dinala ka ni Axe sa condo niya at natulog kayo dun!,..Rubi may nangyari naba sa inyo ni Axe?......deritsahang tanong ni Arleen sa pagkagulat sa sinabi ni Rubi...

"Arleen sa maniwala ka at hindi unang tingin ko palang kay Axe alam ko ng mahal ko siya at hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin,..oo naibigay ko na sa kanya ang aking sarili dahil sa mahal ko siya.....namumula ang mukhang pag amin ni Rubi kay Arleen na narinig ni Demi na kanina pa pala sa may pintuan...

"Sabi ko na nga ba eh Rubi!,...sige ipagpatuloy mo ang pag aayos mo ng iyong sarili dahil susunod kana, mamaya na kita kakausapin pagkatapos ng show at punta ka ng opisina ko at marami tayong dapat na pag usapan....nakapormal na wika ni Demi kay Rubi saka nilisan ang dressing room at nagkatinginan nalang sina Rubi at Arleen na puno ng pag aalala sa kanilang mukha lalo na si Rubi...

Papasok na sana si Demi sa may opisina niya ng mamataan niya si Axe sa isang sulok  at matamang pinapanood si Rubi sa may entablado habang sumasayaw kaya agad niya itong nilapitan....

"Hello Axe pwede ba kitang maistorbo sandali if you don't mind?....

"Hi Demi sure why not!....nakangiting sagot ni Axe saka pinaghila ng silya si Demi at inayang umupo...

"Salamat!...ani Demi..

"Your welcome!,.hmm anong atin?...panimula ni Axe habang sabay inom ng beer..

"Tungkol kay Rubi lang naman!,..kasi napapansin ko na magiliw siya sayo eh kagaya nalang kanina pinaalam mong kakain kayo sa labas at pinayagan ko nakalipas ang ilang oras tawag ako ng tawag sa kanya hindi naman niya sinasagot at nakailang messages ako sa kanya ni hindi man lang nagrereplay,..syempre mag aalala naman ako dahil para ko na siyang kapatid Axe,..itinuring ko siyang kapatid dahil alam kong mabait si Rubi at sana man lang hindi maabuso ng sinuman ang kanyang kabaitan.....hayagang sabi ni Demi kay Axe..

"Don't worry Demi Rubi is safe with me!,..so wala kang dapat na ipag alala sa kanya....sagot ni Axe habang ang mga mata niya'y nakapako kay Rubi...

"Ok salamat kung ganon at siyanga pala pagkatapos ng show mamaya'y uuwi siya ng bahay dahil may mahalaga kaming pag uusapan...

"Ok!,..but later on I just wanna talk to her for a while before I gonna home....

"Ok!,..sige at marami pa akong dapat gawin sa opisina good evening nalang at enjoy yourself here!...

"Ok thanks!...paalam ni Axe kay Demi..

Natapos din ang shows nila Rubi at nag aayos na siya ng mga gamit kasama ang ilang mga babaeng sa may dressing room ng pumasok si Arleen at may ibinulong sa kanya...

"Rubi yung fafa Axe mo nasa labas ng pinto gusto ka daw niyang kausapin!...kinikilig na saad ni Arleen na narinig naman ni Nemia..

"Hoy Arleen ano yung sinasabi mo diyan?...ani Nemia saka tuluyang lumapit sa dalawa..

"Sabi ko kay Rubi,..yung fafa niyang gwapo na si Axe ay nasa labas ng pinto at hinihintay si Rubi dahil gusto daw siyang kausapin.....kinikilig na sagot ni Arleen kay Nemia..

'Talaga!,..hay naku pasilip nga?....atat na sabi ni Nemia..

"Hoy magtigil nga kayong dalawa diyan baka makahalata yung tao na siya ang pinag uusapan natin eh!,..sige na iwan ko muna kayo diyan at lalabasin ko muna siya...paalam ni Rubi sa dalawa...

"Andamot naman ni Rubi gusto lang namang Makita yung fafa niyang pogi eh!.....reklamo ni Nemia saka ipinagpatuloy ang ginagawa...

"Ha ha ha!...eh baka naman kasi agawin mo kung sakali!...biro ni Arleen kay Nemia..

"Sira!..kung ano ang pinagsasabi mo diyan tse!....nakatawang wika ni Nemia kay Arleen..

Halos ilang minuto rin ang itinagal ni Axe sa may labas ng pinto ng dressing room bago lumabas si Rubi...

'Kanina ka pa diyan?....tanong ni Rubi habang palapit it okay Axe..

"Half an hour!...sagot ni Axe sabay yakap kay Rubin a tinugon naman ni Rubi ang yakap nito hanggang ang kanilang mga labi'y naghinang ng tuluyan at tumagal ng ilang sandali...

"Sabi ni ate Demi kakausapin daw niya ako sa bahay mamaya!....pahayag ni Rubi kay Axe habang yakap parin siya nito..

"Yap!...sinabi niya rin sa akin kaya uuwi na ako next time nalang kita uuwi at magpapahinga rin ako dahil papasok ako mamaya baka bugbugin na ako ni erpat eh pag hindi pa ako pumasok ngayon....natatawang wika ni Axe...

"Sige at ingat ka lagi!....ani Rubi saka niyakap ng buong higpit si Axe at sabay sandig ng kanyang ulo sa may dibdib ni Axe...

"Ok thanks!,..ikaw din ingat and take a rest,..relax ka lang kay Demi dahil nagkausap na kami....ani Axe saka inangat ang ulo ni Rubi at muling inangkin ang mga labi nito ng buong pagsuyo at tinugon naman ni Rubi kaya naging agresibo na si Axe at bago pa sakupin ng apoy ang buo niyang katawan ay kumalas na siya kay Rubi at nagpaalam na uuwi at si Rubi naman ay bumalik sa loob ng dressing room para ipagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit nito....

ITUTULOY!!

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon