ANG BABAENG AMBISYOSA
"RUBI"
BY;EMMZ
CHAPTER 3
Dahil sa dinaranas na kamalasan sa buhay ng pamilya ni Rubi ay ipinasya niyang lumuwas ng maynila para makipagsapalaran dahil nais niyang matulungan ang kanyang inay sa paghahanap buhay at nais niyang makapag aral ang kanyang mga kapatid sa susunod na pasukan kahit ayaw siyang payagan ng kanyang ina.....
"Anak baka mapahamak ka lang sa maynila marami pa namang tarantadong mga tao doon at wala kang karanasan sa buhay sa siyudad at higit sa lahat wala kang matutuluyan doon......paalala ni aling Cita sa anak...
"Inay kung laging iyan po ang nasa isip ninyo wala pong mangyayari sa atin,..nais ko lang pong makatulong sa inyo at nais ko pong maipagpatuloy ng mga kapatid ko ang kanilang pag aaral para kahit papaano ay may marating man sila,....hindi kop o kayo sinusumbatan inay pero yun po ang pangarap ko ang maiahon kayo sa hirap masaya na ako inay..........naluluhang saad ni Rubi sa ina sabay yakap dito.
"Alam ko anak at nahihiya ako sayo dahil hindi namin naibigay ang wastong edukasyon para sayo at sana ay gabayan ka ng DIYOS sa iyong tagumpay at sa pakikibaka sa malayong lugar at wag kang gagawa ng anumang kababalaghan anak gaya ng ibang babaeng napapadpad sa manila.......turan ni aling Cita sa anak saka niyakap ito dahil hindi sanay na mawala sa kanyang tabi ang mga anak.....
"Opo inay pangako po magpapakabait po ako para po matupad ko ang aking mga pangarap para sa ating pamilya dahil mahal na mahal ko kayo inay at ang mga kapatid ko at mag iingat po kayo dito.... Wika ni Rubi sa ina at mga kapatid at saka niyakap ang mga kapatid....
"Anak ikaw ang dapat na mag ingat doon dahil hindi mo kabisado ang lugar na iyong pupuntahan lagi kang manalig sa PANGINOON anak at heto kunin mo itong kaunting pera na naitabi ko para dagdag sa baon mong pera at ng may panggastos ka man lang doon........saka inilagay ni aling Cita sa palad ni Rubi ang pera na hawak nito....
"Oo nga ate wag mo kaming alalahanin dito nina inay dahil ok lang kami dito at hindi namin pababayaan si inay tutulungan namin siyang magtinda at sa Gawain dito sa bahay........hirit ng dalawang kapatid ni Rubi na si Jhunel at Roel...
"Oo nga naman Rubi tama ang mga kapatid mo........ani aling Cita...
"O sige po inay,..Jhunel at Roel alis na ako heto na ang bus.......paalam ni Rubi sa pamilya nito at dali daling sumakay sa bus papuntang maynila at kumaway na lang ang tatlo kay Rubi....
Samantala masaya si Axel "Axe"Meneses sa pagkakaroon niya ng girl friend na katulad ni Viona dahil sexy na ay ubod pa ng lambing kaya naman proud na proud siya sa mga kaibigan nito sa tuwing magkakasama sila'y lagi niyang ibinibida ang kanyang girlfriend......
"Oh ni bro Axe bakit hindi mo kasama ngayon ang girl friend mo?...walang anu anong tanong ni Oscar kay Axe...
"May rehearsal daw siya alam mo naman ang mga model bro laging busy at halos daig pa ang business man na tulad natin eh!.......sagot ng nakangiting si Axe kay Oscar...ngunit nagkibit balikat lang naman si Oscar sa tinuran ni Axe...at maya maya pa'y nagpaalam na ito kay Axe na ikinagulat naman nito...
"Bro akala ko ba wala kang appointment ngayon?....takang tanong ni Axe kay Oscar....
"No bro I forgot that I have to meet my cousin in the restaurant at the Robinson....alibay nito kay Axe..
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbino
RomansaAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... Salamat po....