Chapter 7

3.2K 90 1
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

By;EMMZ

CHAPTER 7....

Matapos ang pagsasayaw ni Rubi ay agad siyang nagtungo sa dressing room para makapagpahinga para sa susunod niyang sayaw at habang naglalakad ay naiisip niya ang lalaki kanina sa may isang mesa kasama nito ang dalawa pa niyang kaibigan na malapit lang sa may entablado at nang hindi sinasadyang nagkasalubong ang kanilang paningin ay ewan ba niya at parang naestatwa siya sakanyang kinatatayuan kaya naman bahagyang napahinto siya sa pagsasayaw dahil sa kung anung kilig ang kanyang naramdaman ng magtama ang kanilang paningin....

"Hmp!...ano kaya ang pangalan niya?...may asawa na kaya siya o di kaya'y may nobya na kaya?,...hay naku po ang gwapo niya talaga!......sa isip isip ni Rubi habang napapangiti ito at sakto namang makasalubong niya si Nemia....

"Hoy Rubi ano bang nangyayari sayo at para kang timang na nangingiti diyan ah!,...ano bang atin at parang napakasaya mo ngayong gabi?......puna ni Nemia kay Rubi...

"Wala lang friend may naalala lang ako kaya napapangiti ako!...pagsisinungaling ni Rubi habang papasok na sila sa may dressing room...

"Ay singaya nga pala girl,..bakit kaba napahinto kanina?...halata kaya ang paghinto mo kanina ah akala ko ay nakalimutan mo ang steps mo!....nagtatakang tanong ni Nemia habang nag aayos na ito ng sarili dahil siya naman ngayon ang nakaturno para sumayaw...

"Hindi naman friend may umagaw lang ng aking pansin kaya medyo napatigil ako.....sagot ni Rubi sabay upo sa may malaking sofa kung saan naman andun ang ilang mga kasamahan niya sa club...

"Eh sino naman ang umagaw ng iyong pansin aberrr!!.....patuloy na tanong ni Nemia..

"Si mr. handsome lang naman!....nakangiting wika ni Rubi ng maalala niya ang hitsura ng lalaking nakaagaw ng pansin nito kanina...

"Mr. handsome!,..wow eh sa hitsura mo ay parang tinamaan kana yata ah!....nanunuksong sabi ni Nemia na agad namang sumabat si Arleen...

"Si Rubi inlove na!...naku po pano na ang pangarap mong nakabingwit ng 4M kung inlove kana?....singit ni Arleen habang mini make up an niya ang sarili sa harap ng salamin...

"Never mind basta maging fafa ko lang iyong gwapong yun kahit hindi na ako yumaman basta maging asawa ko lang siya'y ok na sa akin busog na ako sa kagwapuhan niya...nakangiting biro ni Rubi...

"Ganun!,..porke nakakita kana ng gwapo'y balewala na yung pangarap mong makapag asawa ng mayaman!,..bakit kung saka sakali man mabubuhay kaba ng kanyang kagwapuhan hah?....ani Arleen..

"Hindi baling kumalam lang tiyan ko basta busog ang aking mga mata ha ha ha!....natatawang saad ni Rubi

"Baliw!!...sabay na turan ni Nemia at Arleen...

Nahinto sila sa pagdedebate ng may kumatok sa pintuan ng dressing room...

"TOK..TOK..TOK...agad na binuksan ni Nemia ang pinto dahil siya ang nasa malapit at laking gulat ng mga ito ng bumungad sa kanila ang mukha ni Demi na napakaseryoso....

"Ate bakit po kayo pumunta dito may problema po ba?....kinakabahang tanong ni Rubi saka agad na tumayo dahil palapit sa kanya si Demi...

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon