ANG BABAENG AMBISYOSA
"RUBI"
By;EMMZ
CHAPTER 4
RATED PG.........
Dahil sa kalagayan ni Rubi ay naawa si Demi sa kanyan kaya ipinasya niyang dalhin na lamang ito sa kanyang bahay dahil baka mapahamak lang ito sa mga adik na nagkalat sa lansangan at lalo pa't tinangay ag kanyang bag kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit at pera.....
"O siya sige tumigil kana sa ka nganganga mo rin sumama kana sa akin sa bahay ko baka kung mapaano kapa at dalahin ka pa ng konsensiya ko.......pagmamalasakit na wika ni Demi kay Rubi...
"Ta..talaga po kuya!.....hindi makapaniwala na tanong ni Rubi..
"Oo at hindi kuya ang tawag mo sa akin kundi ATE DEMI,..maliwanag bah?.....nakataas ang kilay na sabi ng bakla...
"Opo ate Demi....nangingiwing sagot ni Rubi...
"O siya tara na hayun ang sasakyan ko,..nakita kasi kita kanina ng habulin mo yung tumangay ng bag mo kaya ihininto ko ang sasakyan ko at saka kita nilapitan.....pahayag ulit ng bakla...
"Ay!,...salamat nga po pala ate Demi......wika ni Rubi ng maalalang hindi pa pala nakapagpasalamat sa baklang si Demi....
At habang nasa daan ay ikinikwento ni Demi ang kanyang nakaraan ang naging karanasan niya kung bakit siya napadpad ng maynila....
"Alam mo....natigil si Demi sa pagsasalita ng nakalimutan niya palang alamin ang pangalan ni Rubi..
"Ano nga pala ag pangalan mo?....muling tanong niya kay Rubi..
"Rubi po....Rubi Del Sol...sagot naman ni Rubi...
"Ah Rubi alam mo noon gustong gusto ako ng aking ama dahil ako lang ang anak niyang lalaki ngunit ng nasa second year college ako ay saka niya nadiskobre na bakla ako kaya itinakwil niya ako pinalayas sa aming bahay at napadpad ako dito sa maynila at dahil nakatuntong din naman ako ng kolehiyo kahit hindi nakatapos ay madali akong nakahanap ng trabaho at nag ipon ako ng pera kaya nakapagpatayo ako ng parlor shop noon at nang makaipon ako ng mas malaking halaga ay saka ko nagtayo ng isang club na tinawag kong GALAXY BAR...Simula noon ay hindi na ako nagpakita pa sa aking mga pamilya dahil ikinahihiya nila ang aking katauhan pero anung magagawa ko kung ito talaga ako isang bakla...
"Eh ate Demi hindi mo naman kasalanan kung naging ganyan ka diba!...pagsang ayon ni Rubi kay Demi..
"Oo Rubi ngunit may mga tao na sadyang makitid ang pang unawa na akala nila kusa naming ginagawa ito,...ay siyanga pala ano nga pala ang dahilan mo at napadpad ka rito sa maynila.....baling ni Demi kay Rubi...
"Nais ko po kasing matulungan ang aking inay sa paghahanap buhay at gusto ko po na makapagpatuloy ng pag aaral ang aking mga kapatid dahil nahinto po sila dahil sa kapos po kami sa araw araw na pinansiyal....
"Ano ba kasi ang natapos mo?.....tanong ni Demi kay Rubi..
"Hanggang second year high school lang ako ate Demi,.....nahihiyang wika ni Rubi...
"Naku hindi naman sa dinadown kita Rubi pero mahihirapan kag makahanap ng trabaho ditto sa maynila dahil hindi ka naman pala nakatapos ng high school pero subukan mo lang ang mag aplay baka sakaling swertehin ka....
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbino
Storie d'amoreAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... Salamat po....