Chapter 15

3.3K 89 1
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

BY:EmmZ

CHAPTER 15....

Dali daling isinugod ni Rubi si aling Cita sa pinakamalapit na ospital,...sa labas sa may waiting area ay hindi mapakali si Rubi paroo't parito siya na hindi malaman ang kanyang gagawin habang nangingilid ag kayang mga luha sa mata nito...

"Ano ka ba Rubi umupo ka nga kanina pa ako hilong hilo sa iyo eh!...naiiritang wika ni Demi kay Rubi dahil kinakabahan din siya sa kalagayan ni aling Cita...

"Ate Demi kasalanan ko eh huhuhu!,..kung hindi ko sinuway ang aking inay sana hindi nangyari ito sa kanya!...paninisi ni Rubi sa sarili habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha nito...

"rUBI wag mong sisihin ang iyong sarili nagkataon lang siguro ito at masyadong dinibdib ng iyong ina ang kanyang natuklasan!...ani Demi kay Rubi..

"Yun na nga ate Demi eh!,..dinibdib niya kaya hayun inatake siya sa sakit ng dibdib!....

"Ate tama si ate Demi dahil kahit noon sa probinsiya ay lagi naming napapansin ang madalas na pananakit ng dibdib ni inay at pag sinisita naming siya'y ipinagwawalang bahala lang niya kaya wag mong sisihin ang iyong sarili dahil wala kahit sino ang may kagustuhan nito!..paliwanag ni Jhunel sa ate nito..

"Huh!...anong ibig mong sabihin na hindi ito ang unang sinumpong sa pananakit ng dibdib ni inay?....nag aalalang tanong ni Rubi sa kapatid..

"Oo ate at ito ang pinakamatinding atake niya!....sagot naman ni Ronel..

"Hi..hindi!!....bulalas ni Rubi saka deritsong tinungo ang maliit na kapilya sa may ospital at nakaluhod na palapit sa may altar ng kapilya na walang patid ang pagbuhos ng masaganang luha sa kanyang pisngi...

"Panginoon ko po parang awa na NINYO iligtas mop o sa kapahamakan ang aking inay mahal na mahal ko po ang aking inay,..at sana po ay maintindihan niya kung bakit ko nagawa ang ganitong klase ng trabaho dahil ito lang ang trabaho na tumanggap at nagtiwala sa akin....samo ni Rubi..

"Rubi tama na yan magiging ok din ang lahat basta magtiwala ka lang kay LORD dahil walang imposible sa KANYA!...pang aalo ni Demi kay Rubin g biglang lumapit si Bella sa kinaroroonan nila...

"Rubi halika na tinatawag ka ng doctor dahil may sasabihin daw yata sa inyo!..pagbabalita ni Bella kay Rubi na agad namang tumalima..

Habang binabagtas ni Rubi ang daan patungo sa silid na kinaroroonan ng kanyang inay ay panay ang kabog ng kanyang dibdib,..masyado siyang nag aalala sa sitwasyon ng kanyang ina kaya pati sarili niya'y kanya niyang sinisisi,..nang nasa tapat na siya ng kwarto ay halos ayaw niyang pihitin ang seradora ng pinto kayat si Demi ang pumihit nito at kinayag niya si Rubi at ang dalawa nitong kapatid papasok sa kwarto...

Parang binabayo ang dibdib ni Rubi sa hitsura ni aling Cita,..hinihingal siya na halos nabibilang nalang ang kanyang hininga kaya't agad na lumapit si Rubi at niyakap ng mahigpit si aling Cita kasabay ng pag agos ng masaganang luha nito...

"Inay patawarin mo ako!,..mahal na mahal ko po kayo,..tanging sa inyo ko lang kinukuha ang aking lakas para lumaban sa hamon ng buhay hu hu hu,..lumaban ka inay kaya mo yan wag mo kaming iiwan ng aking mga kapatid kailangan ka namin...humihikbing wika ni Rubi kaya ling Cita habang nakayakap dito..

"Opo inay lumaban po kayo para sa amin!...saad naman ni Jhunel at Ronel na umiiyak narin ng oras na iyon dahil sa awa sa kanilang inay...

Hinawakan ni aling Cita ang kamay ng mga anak at isa isa niyang hinagkan ang mga iyon habang naglalandas ang mga luha sa pisngi nito..

"Mga anak mahal na mahal ko kayo wag ninyong pabayaan ang inyong mga sarili,..at ikaw Rubi wag mong pababayaan ang mga kapatid mo!....nanghihinang wika ni aling Cita na ang boses nito ay paos na at hindi na gaanong marinig...

"Opo inay!,..hinding hindi ko sila pababayaan at pati kayo inay lahat gagawin ko gumaling lang kayo at ipapagamot ko kayo!...lumaban kayo inay hu hu hu wag ninyo kaming iiwan ng mga kapatid ko!....ani Rubi sa nanghihinang ina..

"Hi hindi ko na kaya mga a anak!,..nanghihina na ang aking katawan at pagod na ako gusto ko ng magpahinga!...halos pabulong na saad ni aling Cita...

"Inay wag po kayong magsalita ng ganyan!,..wag ninyo kaming iiwan inay hu hu hu kailangan ka namin inay!...kaila.......hindi naituloy ni Rubi ang sasabihin dahil bigla nalang bumitaw ang mga kamay ng ina na nakahawak sa kamay ng magkakapatid kaya napahagulgol na lamang ang mga magkakapatid...

"Inaaaaayyyyy kooo!!..hu hu hu bakit mo kami iniwan!....bakiiittt inaaayyyyy!!...nagwawala sa hinagpis si Rubi habang niyuyugyog ang wala ng malay na katawan ng kanilang inay....

"Inaayy kooo hu hu hu!,,...umiiyak na sambit ng dalawang kapatid ni Rubi...

"Inaaayyy papaano na kami ng mga kapatid kooo!,..sino na ang gagabay sa amin!,..sino na ang magpapangaral sa amin,...inaayyy!!!...halos magtatalon na sa pagwawala si Rubi kaya't niyakap siya ng kanyang mga kapatid at pati si Demi at Bella ay umawat sa kanya na noon ay umiiyak narin sa awa sa mga magkakapatid....

"Rubi tumahan kana!,..wala na tayong magagawa pa kaya dapat mong tanggapin at magpakatatag ka dahil nandiyan ang iyong mga kapatid at kailangan ka nila,...turan ni Demi habang yakap nito ang magkakapatid...

"Ate Demi ang sakit eh parang hindi ko kayang tanggapin huh u hu!,..ginawa ko ang lahat isinadlak ko ang aking sarili sa putikan para lang sa kanila ngunit bakit ganito,..ito ba ang kabayaran sa nagawa kong pagkakamali?..ito ba ate Demi ?...

"Rubi walang may kagustuhan ang nangyari sa inyong inay marahil ay kaloob ng DIYOS ang lahat ng ito kaya wag mong sisihin ang iyong sarili dahil hindi mo kasalanan ag nangyaring ito sa inyong ina!...pagpapaliwag ni Demi kay Rubi na kasalukuyang nakasalampak ng upo sa may tabi na nakatanaw sa bangkay ng kanyang inay...

Iniuwi niLA Rubi ang labi ng kanilang inay sa kanilang probinsiya sa Albay at ng malaman ni Axe ang nangyari dito ay agad na pinuntahan sila Rubi sa may punerarya at inasikaso ang lahat pati ang pagpapalibing dito ay siya narin ang umako ditto....

Dumalo Rin sila Demi at Bella sa libing ni aling Cita ngunit dahil sa busy at maraming mga papeles na dapat asikasuhin si Axe ay hindi na siya dumalo pa bagkus ay ipinarating na lamang niya ang kaluluwa ng matanda,,,

"Inaaayyyy MAHAL na mahal ka namin inaaayyy!.....nagpupumiglas sa iyak si Rubi habang parang batang nagpapadyak sa harap ng puntod ng ina...

"Ate tama na po!...tara na pong umuwi dahil nagsi uwian nap o ang mga taong nakilibing.....kayag ni Jhunel sa ate Rubi nito habang hawak niya sa isang kamay ang kamay ni Ronel..

"Mga kapatid ko mahal na mahal ko kayo,..wag kayong mag alala dahil hinding hindi ko kayo pababayaan!,,..ani Rubi saka niyakap ng buong higpit ang mga kapatid....

Lumipas ang mga araw at at nasanay narin kahit papaano sila Rubi at mga kapatid sapagkawala ng kanilang inay...ipinasya ni Rubi na dalhin nalang sa Maynila ang mga kapatid nito at muli niyang ipinagpatuloy ang pagsasayaw at ang pagkabaliw kay Axe...

Sa paglipas ng mga araw ay naging mas malambing si Rubi kay Axe na gustong gusto naman ni Axe,..hanggang isang hapon parang tinatamad na bumangon si Rubi para maghanda sa kanyang pag alis papunta ng trabaho ngunit pinilit niyang tumayo ngunit sa kanyang pagtayo ay bigla nalang umiikot ang kanyang pakiramdam at maya maya pa'y bumagsak na lang siya sa sahig...

"Ate Rubiii!!!..tarantang sigaw ni Jhunel...

ITUTULOY!!....

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon