Chapter 17

3.4K 86 1
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

BY:EmmZ

CHAPTER 17......

Agad nilisan ni Rubi ang condo unit ni Axe at nagmamadaling umuwi sa kanilang bahay at doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob kay Axe dahil sa ginawa niya...

"Walang hiya ka Axe puro kaplastikan lang pala ang lahat ng mga ipinakita mo sa akin na lambing akala ko may damdamin ka sa akin yun pala tanging katawan ko lang ang gusto mo,..nais mo lang pala akong gawing pamatid uhaw mo,..pagsisihan mo ang pagtatakwil mo sa aking anak,...pangako pagsisisihan mo ito!,....lumuluhang hinaplos haplos ni Rubi ang impis niyang katawan..

"Anak!,..palalakihin kita at mamahalin kita kahit pa gumapang ako sa hirap mabuhay lang kita hindi ko hahayaan na may manakit sayo pangako anak ko!...lumuluhang bulong nito habang hawak ng dalawang kamay nito ang kanyang tiyan...

Agad na nag impake ng mga gamit si Rubin g dumating ang dalawa niyang kapatid kaya nagtataka ang mga ito ng Makita ang ginagawang pag iimpake ni Rubi...

"Ate bakit ka nag iimpake?..ano po ba ang nangyari at nililigpit mo ang mga gamit natin?...nagtatakang tanong ni Jhunel sa kapatid..

"Ayusin na ninyo ang inyong mga gamit at aalis na tayo ngayon din babalik na tayo sa probinsiya ayoko nang magtagal pa dito sa maynila!,...utos ni Rubi sa mga kapatid..

"Eh bakit nga po ate may problema ka ba ate?...muling tanong ni Jhunel sa kapatid samantalang si Ronel ay nakamata lang sa ginagawa ng ate Rubi nito.

"Saka ko na sasabihin sa inyo basta sundin na lang ninyo ang pinapagawa ko sa inyo para makaalis na tayo dito....turan ni Rubi sa mga kapatid.

"Opo ate!,..sagot ng dalawang lalaki saka tumalima para iligpit ang mga gamit para sa kanilang pag alis..

Makalipas ang ilang oras ay natapos narin ang pag iimpake ng magkakapatid at saka nilisan ang inuupahang maliit na kwartong kanilang tinuluyan at pumara ng taxi para magpahatid sa terminal ng bus pauwi sa kanilang probinsiya sa Albay...Ilang oras din silang nag antay bago nakasakay sa bus...

"Axe sana ay dumating ang oras na makalimutan kita lalo na ang ginawa mong ito sa akin,..lalo na sa pagtalikod mo sa magiging anak natin,..hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa amin ng anak ko at sisiguraduhin ko sayo na pagsisihan mo ito!....wika ni Rubi sa sarili habang nakatingin sa kawalan at ang mga luha ay nangingilid at nagbabantang bumagsak anumang sandali...

Samantala hindi makapaniwala si Axe sa nangyari ng mga sandaling iyon,..napatulala siya sa ginawa ni Rubi sa kanya kaya parang nagising ang kanyang diwa sa ginawang pagsampal sa kanya ni Rubi dahil sa dami ng kanyang iniisip ay hindi niya napaghandaan ang sorpresang balita na sinabi ni Rubi na siya'y buntis kaya sa kanyang pagkabigla ay nasabi niyang ipalaglag ito dahil ang kanyang isip at atensiyon ay okupado ng mga salitang binitiwan ni Oscar kanina lang at parang kayhirap niyang tanggapin na simula pa lamang ng relasyon nila noon ni Viona ay niloloko na pala na pala siya ng dating nobya kaya hindi niya napaghandaan ang sinabi ni Rubi,..maya maya pa'y napatingin siya sa tseke na nasa ibabaw ng kama....

"Hindi niya ginalaw ang perang binigay ko sa kanya!,...ani Axe sabay dampot ng tseke at nilagay sa may drawer at bigla siyag napatingin sa may kwadro na nakapatong sa ibabaw ng mesita...

"Rubi hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko,..sana mapatawad mo ako magulo lang ang utak ko ng mga sandaling iyon....wika ni Axe saka hinaplos haplos ang mukha ni Rubi sa may kwadro...

Sabado ng hapon ay pinuntahan ni Axe ang bahay na tinutuluyan nila Rubi ngunit nakailang katok sana siya ay wala paring bumubukas ng pinto muli na naman siyang kakatok ng may biglang magsalita sa kanyang likuran!...

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon