Chapter 8

3.4K 99 1
                                    

ANG BABAENG AMBISYOSA

"RUBI"

By;EMMZ

CHAPTER 8....

Hindi makapaniwala si Rubi na ang lalaking kaharap ngayon at ang lalaking nakakuha ng kanyang pansin na siya ngayong umuukupa ng kanyang isip ay iisa at ngayon pa'y gusto siya nitong makateybol at may bayad pang isang milyon....Natigil siya sa pag mumuni muni ng magsalita ang lalaki...

"Come sit here next to me,..don't be worry im harmless I won't do anything to you I just want someone to talk,..i won't eat you....wika ng lalaki kay Rubi..

"Oh my God pati boses niya ang gwapo kahit hindi mo na ako bayaran basta makatable na kita ay ok na sa akin....sa isip isip ni Rubi habang inot inot ang ginawa niyang paglapit sa lalaki at ang mga mata nito'y nakapagkit sa mukha ng lalaki.....

At ng makaupo si Rubi sa tabi ng lalaki ay medyo naasiwa siya dahil hindi mapakali ang kayang dibdib animo'y may naghahabulang mga daga sa dibdib nito at parang kakapusin siya ng paghinga sa amoy ng pabango nitong kay igayang samyuhin ilan sandaling katahimikan ay muli na namang nagsalita ang lalaki at ng tumingin si Rubi dito'y nakatitig pala ito sa kanya at ng magtama ang kanilang mga mata'y nagblush si Rubi sa hindi malamang kadahilanan...

"So what's your real name?.....tanong ni Axe kay Rubi kahit alam na nito ang pangalan ay nais niyang sa kanya mismo manggaling ang pangalan nito...

"Rubi,..Rubi del Sol....sagot ni Rubi na ang mga pisngi ay halos kasing pula nan g kamatis sa pagbablush..

"If you don't mind my name is Axel Meneses,..but they call me Axe for short.....pakilala ni Axe sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Rubi na pulang pula na sa pagba blush...

"What your purpose to work in this kind of job,...your look is not capable for this place,..your beautiful enough and to tell you honestly I admired you the first time I saw you...diretsahang sabi ni Axe kay Rubi na mas lalo pang namula...

"Ah!..eh ako lang kasi ang inaasahan ng pamilya ko at ang tatay ko ay pumanaw na ang inay naman eh naglalabada lang kaya hindi niya kayang papag aralin ang mga kapatid ko.....nahihiyang sagot ni Rubi...

"So do you think this is the good idea for your problem?....muli na namang tanong ni Axe ngunit tinikom nalang ni Rubi ang kanyang bibig at ng mapansin ni Axe na tahimik na lang siya'y saka muling nagsalita..

"Ok just forget what I've said nanghinayang lang naman ako eh dahil sa dito ka napadpad but anyway wala naman akong karapatang kwestiyunin ka dahil im a human as well that can do a mistake...anyway ilang taon kana?....sunod sunod na tanong ni Axe ngunit walang sagot na narinig mula kay Rubi kaya muli niyang inulit ang tanong nito...

"Rubi ilang taon kana?.....ulit ni Axe sa tanong nito ngunit parang natulala na yata habang nakatingin kay Axe kaya ang ginawa ng sutil na Axe ay dahan dahang binigyan niya ng nakaw na halik ang labi ni Rubi na nagpabalik sa diwa nito....

"Huh!...biglang bulalas ni Rubi ng bigla nalang dampian ni Axe ng halik ang mga labi nito at ng magtama ang kanilang mga paningin ay ngumiti pa ito at saka nagkibit balikat....

"Pasensiya kana kasi naman kanina ko pa tinatanong ang edad mo eh hindi ka naman sumasagot kundi nakatitig kana lang sa akin,..may dumi ba ako sa mukha?.....nakangiting tanong ni Axe habang ang mga ngiti nito'y parang nanunudyo...

Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon