ANG BABAENG AMBISYOSA
"RUBI"
By;EMMZ
CHAPTER 10....
Hindi makatulog si Rubi dahil sa kaiisip nito sa nangyari kanina sa kanila ni Axe at hindi siya makapaniwala na naibigay niya agad ang sarili kay Axe sa una nilang pagkikita,..at dahil sa alak na iyon kaya hindi niya nakontrol ang sarili ng halikan siya ni Axe,..tuloy napahawak siya sa kanyang labi ng maalala ang mga halik ni Axe na nagpabaliw sa kanya ng husto...
Samantala kahit walang tulog si Axe ay pumasok parin siya sa opisina umuwi lang para magpalit ng damit at saka tumuloy sa kanyang trabaho at habang nakaharap sa may computer ay iba naman ang laman ng kanyang isip,...hindi sa mga files nakatuon ang atensiyon ni Axe kundi sa naganap sa kanila ni Rubi ang mainit na pagtatalik nilang dalawa at dahil sa isiping iyon ay napapikit siya saka ngumiti na siyang nadatnan ni Raffy...
"O Axe what happen to you!,..you seems like an idiot man......puna ni Raffy sa kaibigan ngunit nagkibit balikat lang si Axe...
"So anong nangyari sa inyo ng dancer na itineybol mo?....tanong nito kay Axe...
"Anyway her name is Rubi and for your information we had a great bonding....pagbabalita ni Axe kay Raffy...
'really!....ani Raffy habang nagtitimpla ng brewed coffee sa coffee maker...
"Yap!,...and she's quite sweet.....nakangiting saad ni Axe tsaka kinuha ang kapeng iniabot ni Raffy sa kanya...
"Langya naman o bro kung sino ang bisita siya pa ang taga timpla ng kape...reklamo ni Raffy habang sinasamyo ag mabangong aroma ng kape..
"Eh ginawa mo na eh kaya don't complain!....ani Axe sabay inom ng kape...
Dahil sa hindi dalawin ng antok ay nilabhan ni Rubi ang mga damit nito at pagkatapos ay naupo sa sala at nanuod ng tv ilang sandali pa'y tumabi sa kanya si Demi....
"Anong nangyari kanina sa inyo ng lalaking yun Rubi?.....maya maya'y biglang tanong ni Demi na ikinagulat ni Rubi..
"Huh! Ah eh wala po ate,...nag usap lang at nagkwentuhan ng mga buhay namin.....alinlangang sagot ni Rubi habang hindi makatingin ng deritso kay Demi...
"Eh bakit hindi ka makatingin ng deritso sa akin,...ano talaga ang nangyari doon sa loob?.....muling tanong ni Demi na ngayon ay nakamata kay Rubi na pinagmamasdan nito ang reaksyon ni Rubi...
"Hinalikan niya ako ate Demi...namumulang sagot ni Rubi....
"Sabi ko na nga ba eh!...kasi alam ko ay intresado sa iyo ang lalaking iyon,..ano nga ba pala ang pangalan ng lalaking iyon?...muling tanong ni Demi..
"Axe...Axe Meneses!...wika ni Rubi..
"Hmmm...alam ko lang mayayaman ang mga Meneses pag aari nila ang ilang malalaking gusali sa may Makati at may shipping line company sila.....pahayag ni Demi...
"Ganon ba ate!...tanging sabi ni Rubi saka nagpaalam na para matulog ngunit ng nasa kwarto niya'y hindi parin makatulog kahit pilitin niyang ipikit ang mga mata'y gising parin ang kanyang diwa ng biglang maalala ang tsekeng binigay ni Axe agad niyang kinuha ito at maya maya pa'y...
"Itatago lang kita sa wallet ko at hindi ko ito gagastusin dahil para ko na ring ibenenta ang aking katawan sa kanya,....ani Rubi at ng hihiga na sana siya'y biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot niya ito kahit hindi pa sinusuri kong sino ang caller...
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... Salamat po....