ANG BABAENG AMBISYOSA
RUBI
BY...emzalbino
CHAPTER 22....Hindi inaasahan ni Rubi ang presensiya ni Axe kaya laking gulat niya ng makita ito at siyang dahilan ng kanyang pagkagising sa mahimbing niyang tulog,..Biglang sumulak ang kanyang poot dito ng mga sandaling iyon dahil sa ginawa niya sa kanilang mag ina noong ipinagbubuntis pa niya ang kanyang baby Ace...
"Bitawan mo ako walanghiya ka lumayas ka dito dahil hindi ka naming kailangan at lalong lalo na ayaw kitang Makita!....nagpupumiglas si Rubi sa pagkakayakap sa kanya ni Axe...
"Please Rubi forgive me!...patawarin mo ako humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa kong pagkakamali sayo at lalo na sa ating anak,...patawarin ninyo ako,...bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para mapunan ko ang aking kamalian at pagkukulang sa inyo ng ating anak"....pagsamo ni Axe kay Rubi habang nakayakap parin kay Rubi..
"Anak!..,ang kapal ng pagmumukha mong tawaging anak ang anak ko samantalang nasa sinapupunan ko pa lang siya'y itinakwil mo na at nais mo pang ipalaglag noon tapos ngayon ang lakas ng loob mong tawagin siyang anak!"....lumuluhang sumbat ni Rubi kay Axe..
"Alam kong nagkamali ako Rubi magulo ang isip ko noon kaya nasabi ko ang hindi dapat masabi pero alam ng Diyos na pinuntahan kita noon sa inyong tinutuluyan ngunit nakauwi na kayo at ng tanungin ko si Demi kung saan ang inyong probinsiya ay hindi niya ako binigyan ng kahit na anong impormasyon tungkol sa inyo at ipinahanap ko kayo ngunit nabigo ako....Pinagsisihan ko ng labis ang nagawa ko sa inyo ng ating anak,..labis akong nagdusa walang araw at oras na hindi ko kayo inisip,..kung ano na kaya ang nangyayari sa inyo o kung ok lang ba kayo...labis akong nangulila ng mawala ka sa piling ko, akala ko noon na ok na sa akin ang nakikita ka sa araw araw ngunit ng mawala ka saka ko lang nalaman sa aking sarili kung gaano kita kamahal....Rubi sa maniwala ka't hindi mahal na mahal kita,..ikaw lang ang babaeng nagbigay ng importansiya sa akin at nagmahal ng totoo sa akin,..sana Rubi muli mong ibalik ang pagmamahal na inalay mo noon sa akin parang awa mo na nagmamakaawa ako sayo please Rubi!......ani Axe saka unti unting lumuhod sa harap ni Rubi habang yakap niya ito...
"Tapos na tayo Axe mula ng umalis ako sa iyong bahay tinapos ko na ang lahat sa atin kaya wala ka ng maasahan pa sa akin at sa aking anak at ngayong nakita mo na siya sapat na iyon dahil hindi ka naman niya kailangan,..hindi niya kailangan ang isang ama na katulad mo!..kaya kong palakihin ang aking anak kahit sa simpleng buhay lang at hindi niya kailangan ang magarbong buhay na katulad mo sapat na ang maipakita at maiparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin ng walang katumbas na anumang salapi!...
"Rubi nagsusumamo ako sa iyo para sa ating anak please bigyan mo naman ako ng pagkakataon para makasama ko siya at makilala niya ako bilang kanyang ama"....nagmamakaawang muling tumayo si Axe saka binalingan si baby Ace na mahimbing na natutulog...
"Anak ko sana'y mapatawad mo ako at sana gumaling kana kasalanan ko ang lahat sana hindi ka nahihirapan ng ganyan kung hindi sa akin kaya ngayon palang ay hinihingi ko na ang kapatawaran mo anak,..mahal na mahal kita anak,.mahal na mahal ko kayo ni mommy mo,..hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayong nakita ko na kayo hinding hindi ko na mapapayagang mawalay pa kayo sa akin kahit na anong mangyari haharapin ko ang anumang pagsubok na nararapat para sa aking mga kamalian handa akong danasin ang parusang nakatakda para sa mga naging kasalanan ko sa inyo para sa ikabubuti ng lahat"......ani Axe saka masuyo niyang hinagkan ang buhok ng kanyang munting anghel saka pinisil pisil nito ang kamay ni baby Ace kasabay ng pagtulo ng mga luhang ayaw paawat sa pag agos.....
Hindi malaman ni Rubi ang gagawin ng mga sandaling iyon dahil bigla na lang nagising ang kanyang poot kay Axe ng Makita niya ito hindi niya akalain na makikita niyang muli ang lalaking naging sanhi ng kanyang kabiguan,..ng kanyang paghihirap ng kalooban sa loob ng mahigit isang taon niyang pakikibaka sa kalungkutan na walang karamay kundi ang kanyang mga kapatid at ang tanging nagpapalakas sa kanya ay ang kanyang anak...
Halos nais na niyang bumigay noon sa mga pagsubok na kanyang natamo ngunit pilit niyang magpakatatag para sa mga taong nagmamahal sa kanya lalo na sa kanyang anak dahil kailangan siya ng mga ito dahil siya lang ang tanging inaasahan para makaahon sa pang araw araw nilang pamumuhay hanggang nasanay siyang muli sa takbo ng kanilang buhay at ng maipanganak niya ang kanyang anak ay nagkaroon sila ng dahilan para lumaban sa mga pagsubok sa buhay at ngayong handa na niyang limutin ang nakaraan ay saka muling nagbabalik ang taong naging dahilan ng kanyang pagkadarapa....
"Bakit ngayon ka pa nagbalik Axe ngayong handa ko nang limutin ang nakaraan?..Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging bato dahil ikaw ang nagturo sa akin!..tinuruan mo akong maging matapang,..maging palaban at ngayo'y hindi ko na hahayaan pang saktan mo akong muli,..hindi na Axe dahil natuto na ako!....ani Rubi sa sarili saka tinungo ni Rubi ang toilet para mailabas ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama ng oras na iyon...
Sinundan ni Axe ng tingin si Rubi habang papunta siya ng toilet at saka bumuntong hininga dahil alam niya kung gaano ang katindi ng galit ni Rubi sa kanya....
"Rubi alam ko kung gaano mo ako kinasusuklaman ngunit hindi ako susuko mahal ko hanggang hindi ko natutunaw ang galit sa iyong puso at muli kong ibabalik ang pagmamahal mo sa akin na gaya noon dahil gusto kong mamuhay ng kasama kayo ng ating anak,..gusto kong magkaroon ng masayang pamilya at sa inyo ko lang mararamdaman iyon dahil kayo lang ang tanging ligaya ko,..Ikaw lang Rubi at ang ating anak na si Ace"...,bulong ni Axe sa sarili habang ang mga mata ay nasa toilet na nakasarado ang deriksiyon nito...
Ilang oras ang nakalipas ng maya maya'y may kumatok sa pinto at agad na tinungo ni Rubi ang pinto para buksan ito at ngumiti ito ng pagkatamis tamis ng Makita ang kanyang panauhin...
"Ay tita Liza tuloy po kayo!,..asawa po ba ninyo?"....ani ni Rubi kay donya Liza saka binalingan nito si don Miguel..
"Oo Rubi siya ag aking asawa si Miguel!...Miguel siya si Rubi ang mommy ni baby Ace!".....masayang pakilala ni donya Liza sa asawa nito kay Rubi..
"Ikinagagalak kitang makilala Rubi!,..asan nga pala yung baby mo?...tanong ng don kay Rubi..
"Ikinagagalak ko rin po kayong makilala,..hayun po ang baby ko at tulog parin hanggang ngayon!...ani Rubi sabay turo nito sa may kama...
"Mommy,daddy kanina pa ba kayo riyan?.....masayang tanong ni Axe sa kanyang mga magulang na kadarating lang..
"We're just arrived iho kumusta na ang iyong anak?...sagot ng don kay Axe na ipinagtaka ni Rubi..
"Anong ibig ninyong sabihin? bakit magkakilala kayo huh! ....Gulat na tanong ni Rubi..
"Rubi wag kang magalit it's a coincidence ang nangyari kanina at hindi ko rin akalain na apo ko si baby Ace, ngunit ng mamasdan ko ang kanyang mukha ay may kung anong biglang humaplos na awa sa aking puso dahil sa pagkakahawig nito kay Axe parang si Axe noong bata palang siya....Sana kung ano ang inyong hindi pagkakaunawaan noon ay sana malutas na ninyo para sa bata,..para sa inyong anak"...nakikiusap na wika ni donya Liza kay Rubi..
"Tapos na po ang nakaraan nalimot ko na ang ang sakit na dulot ng kahapon kaya ngayon ay hindi ko na alam kung paano balikan ang nakaraan sa aking buhay dahil baka madapa akong muli kung pipilitin ko ang aking sarili na balikan ito"...,saad ni Rubi sa ginang....
Kaya pa bang patawarin ni Rubi si Axe?
Susuko ba si Axe sa panunuyo kay Rubi ngayong alam niyang sukdulan hanggang langit ang galit nito sa kanya?..ITUTULOY!!!
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Ambisyosa...RUBI....by..emzalbino
Roman d'amourAng kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po sinasadya..... Salamat po....