Chapter 1 (The Meet Up)

397 8 17
  • Dedicated kay all Exo Ls and Luhan biased
                                    

CHAPTER 1

"Oh anong sabi ng manghuhula sayo kanina?" si Lee Mykaina ang bestfriend kong psycho...I mean Psychologist pala. >:D

"Ayon nga daw, malapit ko ng makita si Soulmate ko." Sagot ko habang nakasimangot at nakahalumbaba sa office table ko.

"Oh ayon naman pala! Eh bakit nakaganyan ang mukha mo? Diba gusto mo ng magkaroon ng groom? Ito na yun Say." Aniya. Oo nga naman. Dapat masaya ako hindi ba? Kasi naman oh may pinahabol pang babala yung manghuhula. >__<

"Eh kasi natakot ako dun sa babala nung manghuhula." Sagot ko.

"Hindi ko masasabi ngayon kung saan yan. Pero kailangan mong mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay aayon sa inyo ang tadhana. Maaaring mabago ito. Wag mong isusugal ang puso mo ng agaran, dahil sa huli magiging isang pagkakamali ang lahat. Isang pagkakamali ang magbabago ng lahat. Dahil ditto, ang susunod na mangyayari ay pagkakamali na rin. Mag-ingat ka."

"Ay ano ba yan nakakatakot naman! Ewan ko ba naman kasi sayo'ng babae ka at nagpapaniwala ka sa hula! Eh ang dami mo naming manliligaw, pero ano? Dedma lang sayo. Paano kung isa sa kanila ay si Soulmate? Andyan na, nabulilyaso pa!" Aniya.

"No choice na kasi ako, gusto na ni Appa na mag-asawa na ako. Tsaka mas maganda na yung sigurado hindi ba?"

"Yang si Tito malabo rin, gusto ka na niyang magkaroon ng pamilya pero sayo niya inaasa ang responsibilidad sa business niyo. Wala ka ng kalayaan neng." Aniya

Tama siya, lahat na lang ako. But I want to make my Dad happy, matanda na siya and I just want to keep our business' reputation na siya ang nagsimula. Kami ang number 1 na nagpoproduce ng mga photos para sa mga sikat na magazines dito sa Korea. Agency din kami ng mga magagaling na photographers and we are the most trusted. Minsan pa nga, pati paghahanap ng models kami rin ang naaatasan. Photography's my life kaya enjoy naman ako sa trabahong toh, para sakin ay pampalipas na lang ito ng oras.

"Kaya nga ito na diba? Ako na mismo ang gumagawa ng paraan. Kailangan kong maniwala sa fortune kahit corny mang pakinggan." Sagot ko.

"Oo corny ngang pakinggan, kaya pati ikaw corny narin! Che! Bahala ka na nga. Aalis na ako dahil may emerygency ngayon sa ospital. Ikwento mo na lang sa akin kapag may progress na about sa Mission Impossible; Finding Mr. Soulmate mo Ms. Choi! Bye!" aniya at lumapit sa pintuan.

"Diyan ka magaling, ang makichismis! Sige bye." Tumawa ako ng bahagya at tuluyan na siyang umalis

Akala mo kung sinong makapagsalita, akala mo may love life! Eh isa din naman siyang single, dahil takot mainlove at baka pag nabaliw, hindi magamot at sarili! Hahahaha! >:)

-----

Andito ako ngayon sa paborito kong cake shop. Alam niyo ba ang cute ng owner ng shop na toh ^o^ Kaso nga lang balita ko may asawa na daw ito, 2 years ago pa. TT__TT Sayang!

By the way, makikipagkita ako ngayon sa kinukuha naming model para sa bagong project naming. Balita ko ay mahirap mapilit ang isang iyon dahil sa hindi malamang dahilan, nag-quit na daw siya sa modeling 1 year ago. Kahit anong pilit ng staffs ko ay ayaw parin, try ko naman kung makoconvince ko siya.

Pero bakit naming siya pinipilit? Kasi sobrang galing daw talaga niya, at siya ang gusto ng clients namin. Pipilitin ko siya whatever it takes. Malaking break para sa business toh, my Dad will be glad if that happens.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon