Chapter 23 (The Vow)

112 3 3
                                    

Chanyeol's P.O.V.

Habang naglalakad na si Sayra sa aisle ay di ko mapigilan ang mapangiti. She's so beautiful, napakaswerte ng groom niya. Nang makarating siya sa harap ko ay ngumiti siya sa akin. I held her hand, bowed to Mr. Choi and smiled. "I guess hindi kita masasamahan ngayon sa harap." I said.

Halata sa mukha niya ang pagtataka. "Ha? Bakit?" Tanong nito.

"Because another guy deserves you more than I do." I replied.

Biglang lumabas mula sa likuran ko si Kris na nakangiti. Nagulat si Sayra at di na napigilang mapaiyak. I know.. masaya siya. So I gave her hand to Kris and smiled.

"K-kris?" Aniya. Dinig namin ang mga tao na gulat na gulat at tila di makapaniwala sa pangyayari. Sino naman ba ang hindi diba? Ibigay mo ba naman ang bride mo sa ibang groom. Pero syempre hindi naman talaga ako ang groom, substitute lang ako. And now the groom is back.

"Yes? Am I late for OUR wedding?" Kris whispered.

"Mr. Choi, can I take your daughter as my wife?" He asked while looking at Mr. Choi.

"Sa akin okay lang. Eh sa anak ko ba okay lang?" He laughed.

Tumingin si Kris kay Sayra. "Ms. Sayra Choi will you marry me?" Aniya.

Masakit. Sobra. Hindi ko akalaing hanggang dito ang pagiging martyr ko sa pag-ibig.

Sayra turned to me and I gave her a look saying that she must say yes. Hindi man ito ang gusto kong mangyari, alam kong yun ang gusto niya.

Siguro ay nagtataka kayo kung paano ito nangyari. Let me tell you how.

Flashback

Habang naglalakad ako sa corridor and I was fixing my tux i heard someone..

"Chanyeol!" I turned my head sa nagsalita.

"Kris hyung?!"

He ran to me and hingal na hingal. He was carrying the rectangular box that I gave him with his tux inside. "Chanyeol, late na ba ako?" Aniya.

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. He's here to be Sayra's groom? "Of course not Hyung, magsisimula pa lang. "

"So..san ako pwedeng magbihis nito?" He smiled.

I smiled. "Aigoo. My hyung is so back!" Inakbayan ko siya at sinamahan sa loob ng room para makapagbihis.

----

Sayra's P.O.V.

I'm standing in front of the altar with the this man beside me. The man that I love that I was wishing to be with forever.

"Today, we are all here to witness the union of this two people in front of me, Wu Yi Fan and Choi Sayra...." That's all I heard from the introduction ng magkakasal sa amin. I just can't believe that we're getting married. Hindi na ako nag-eexpect ng explanation kung bakit basta ang alam ko lang, masaya ako.

He was holding my hand while listening. Minsan ay mapapatingin siya sa akin at ngingiti. Parang mamamatay na ako, but that's not possible dahil kailangan muna naming ikasal.

Hindi ko namalayang exchange of vows at bigayan ng singsing na pala. And ako ang unang magsasalita.

Inabot ng pari ang microphone sa akin at kinuha ko ito, grabe..Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko sa kaba. Kris held my hand and smiled. "It's okay. Don't be nervous." Aniya.

I smiled back. "Woooo! Kasi kinakabahan ako talaga." Sabi ko sa mic at nagtawanan ang nga bisita.

"Eto na talaga..." I breathe hard bago magsimula dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Kris, Mr. Sungit, Kurisue, o kung ano mang tawag ko sayo..hindi ko talaga alam kung totoo ang mga nangyayaring toh. Nanaginip ata ako or what, but I don't care..basta masaya ako. Una sa lahat I just want to say sorry dahil naging complicated ang lahat dahil sa paglilihim ko noon. Pero sa totoo lang, labag yun sa loob ko nagawa ko yun dahil sa mahal kita and God knows na nagsisisi ako. Hindi ko na tatanungin kung paanong nangyari na nandito ka sa harap ko. I just want you to know how lucky I am to be your bride. Mr. Wu, I'm here in front of you making a promise that I will do my best to be the perfect wife, and a mother to our kids. I promise that we will cherish every moment that we're together no matter how hard life would be. And I give you this ring as a sign of my love for you. Kris, I love you." I vowed habang sinusuot ang singsing sa ring finger ni Kris. Hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako habang ginagawa yun. Tears of joy ika-nga. I heard everyone applauding.

Kris was smiling the whole time. "It's my turn."

I gave him the microphone at hawak niya na rin ang singsing. "Hello." Aniya. Seryoso? Hello ang intro niya? D____o "Mas kinakabahan ako, grabe." Nagtawanan na naman ang mga tao.

"Go Kris hyung!" Sigaw ni Chen.

"Shhhh... I'm concentrating!" Aniya.

"Kris?" Sabi ko.

"Huh? Sorry." He said. "Well..Ms. Sayra Choi, my boss, and the only one who calls me Kurisue.. ako ay nakatayo sa harap mo ngayon para sabihin ang mga bagay na dapat ko pang sinabi noon." He breathe hard. "I'm sorry dahil hindi kita pinakinggan noon, natakot lang ako na baka hindi ko maibigay ang kaligayahang nais mo. Pero now naisip ko na gaano man maging complicated ang lahat para sa atin, I'll make sure that every second of your life will be happiness. Thanks to Chanyeol and your Dad, ginising nila ako sa katotohanan." Tumawa siya ng marahan at lumingon kay Appa at Chanyeol na magkatabi ngayon. Anong ibig sabihin niya?

"Lubos kong pinahirapan ang loob mo sa mga panahong iniwan kita, pero ngayon I'm ready na bumawi. I will love you until our hair gets whiter and whiter at kahit magpustiso ka pa ay sasamahan kitang ngumiti. We'll play with our kids and travel the world. Araw-araw tayong magdadate dahil hindi natin yun nagawa noong naging tayo..masyadong naging mabilis ang lahat para sa atin. Sasakay tayo sa namsan cable car at pagkatapos ay manunuod ng fireworks sa taas ng tower." Seriously, pati yun? "You can punch me all you want dahil sa ginawa kong pag-ignore sayo, I'll accept it because I deserve it. Sayra, I love you kaya naman I will give you this ring to signify my love and faithfulness to you. Saranghae my boss." He finally gave the ring to me and hugged him.

"Now that you've already exchanged your vows with each other...I now announce you as husband and wife. Mr. Wu, you mag now kiss your bride." Ani ng pari.

"Sa wakas! Namiss ko toh." Ani Kris. I laughed.

Inalis niya ang belo ko at unti-unting lumapit sa akin. Idinikit niya ang ilong niya sa ilong ko at ngumiti ng nakakaloko. "You ready?" He asked.

I tsked. "Ano ba? Ang dami mo namang sinasabi. Just-" he cut me with the kiss, a soft but a kiss that will last forever.

When our lips parted ay pinalo ko siya sa braso. "Yah! Bakit nambibigla ka?!"

"Di ba sabi kiss the bride? Sumunod lang ako, di ko naman alam na di ka pa pala ready." He laughed.

Sabay kaming humarap sa mga guest and they were all applauding for us. Kahit si Chanyeol masaya siya.

"Thanks Chanyeol." I mouthed and he gave me a thumbs up.

-----

AN: Christmas update yow! Merry Christmas readers:)) Saranghae:*

-DoGongJu ♥

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon