Chapter 13 (My Lady)

105 3 3
                                    

2 weeks after ng visit namin sa parents ni Kris ay naging busy na kami dahil nailabas na ang magazine kung saan featured si Kris. Nagkaroon din siya ng autograph signing sa isang hotel. Andun ang mga media at fans niya, oo may fans siya..ang mga fans na masayang-masaya sa pagbabalik niya sa modeling. Magkakaroon din ng presscon tungkol sa comeback niya after nito.

Nasa gilid lang ako, nagmamasid sa mga nangyayari. May naririnig akong bulungan asking kung may girlfriend na ulit si Kris.

"Kamusta na kaya siya after nung namatay si Hyesha?"

"Oo nga. Hay grabe sayang naman, ang perfect pa man din nilang tingnan." Ani ng isa. Medyo nasaktan ako sa sinabi nun. Pero wala naman akong karapatang magalit dahil hindi naman nila alam na kami ni Kris, at lalong wala kaming planong sabihin ito sa kanila.

"Pero alam mo, kung hindi namatay si Hyesha..edi malamang sa malamang wala na talaga tayong pag-asa kay Kris kasi kasal na siya, hindi ba?"

"Oo nga noh. Swerte din pala tayo." Tumawa sila.

I felt sorry for Hyesha dahil sa mga sinasabi ng mga fans na ito.

Natapos na ang signing at magsisimula na ang press conference ni Kris. Umupo ako sa unahan ng mga fans at likod naman ng mga media na magtatanong.

"Good morning po sa inyo, salamat po at andito kayong lahat." Ani Kris.

"Good morning Kris. Sisimulan na naming magtanong." Ani isang reporter.

"Sige po. Go ahead." He smiled.

"Halos 2 years kang nawala at nanahimik mula noong namatay si Hyesha..anong feeling na ngayon ay bumalik ka na dito? Is it planned o biglaan ang pagbalik mo?"

"Well masaya naman ako nung bumalik ako sa modeling, may halong lungkot din nung una dahil iba ang feeling na hindi ko na kasama si Hyesha. Nasanay kasi akong tandem kami, pero narealize ko rin nung tumagal na kaya ko naman palang mag-isa kahit wala si Hyesha. And no it wasn't planned, biglaan din ito dahil wala naman akong balak talagang bumalik pa."

"Si Hyesha ba ang inspiration mo sa pagbalik?"

"Of course she's one. Pero may mga tao din na naging reason ng pagbalik ko at pagmahal ko pa lalo sa trabaho."

"Dahil ba sa sinasabi mong yan eh merong nagpapasaya sayo ngayon bukod kay Hyesha?" Tanong ng isa. Napalunok ako lalo na ng marinig ko ang sigawan ng mga fans niya na excited marinig ang sagot nito.

"You can say that." Tumawa siya.

Oh my! Hindi niya pwedeng sabihin ang tungkol sa amin! Live ito! >___<

"Oooh... mukhang nahanap mo na ulit ang kaligayahan ah. Maaari ba naming malaman kung sino ang tinutukoy mo?"

"Gusto niyo ba talagang malaman?" Aniya.

"OO!!!" Sigaw ng mga tao na kinikilig.

Oops..escape plan! Pupunta akong C.R.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas ng conference hall. Pero ng nasa may pintuan na ako ay biglang nagsalita si Kris.

"Hey! The lady over there!" Huminto ako sa paglakad at hindi lumingon sa kanya.

Shocks! Ano ba toh Kris! >___<

"Babaeng nakablack corporate attire. Lumingon ka dito!" Dagdag niya. Tiningnan ko ang suot ko..and yes, nakablack corporate attire ako -___-

Humarap ako sa kanila at nagulat ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon