Chapter 7 (First Love)

122 5 0
                                    

Kris' P.O.V.

2 weeks na ang nakaraan mula noong death anniversary ni Hyesha at nung nagdrama ako sa harap ni Sayra. Sa totoo lang, hiyang-hiya talaga ako nun. Umiyak ko sa harap niya, siguro ngaon turn-off na siya sakin, baka akala niya bakla ako?!

Eh no naman kung maturn-off siya? Haist! >___<

Pero thankful na rin ako dahil may taong nasa tabi ko noong panahon na iyon.

Dapat sigurong itreat ko man lanv siya para makabawi ako sa mga oras na nakuha ko sa kanya. :)

Lumapit ako sa kanya habang inaayos niya ang lense ng camera niya. Katatapos lang kasi namin sa photoshoot ko."Sayra, may gagawin ka ba after nito?" Tanong ko.

"Uhmmm...wala naman. Bakit?"

"Gusto mong kumain sa labas? Treat ko!"

"Talaga? Anong meron at biglaan naman ata?" Aniya.

"Gusto ko lang bumawi sayo sa hindi ko pagsipot sa shoot noon, pagpapasalamat ko narin kasi sinamahan mo ako sa Gangwando." Hinawakan ko ang batok ko at yumuko. Nahihiya kasi ako.

"Ano ka ba, hindi na kailangan. Pero kung gusto mo talaga...sige!" Aniya. Tumawa kami pareho

-----------

Sayra's P.O.V.

"Dito tayo kakain." Ani Kris.

Seryoso siya? Sa night market? Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil gusto ko sa mahal, kaso nagulat lang ako. Hahahaha! Nag'expect kasi ako na sa resto kami pupunta. Pero okay lang toh, mukhang masaya naman. ^__^

"Okay lang ba sayo dito? Baka sabihin mo tinitipid kita hah. Naisip ko kasi na sa sobrang busy mong tao ay hindi ka nakakapunta sa ganito ka-awesome na place." Aniya.

"Ayos na ayos lang sa akin noh, mukhang ang sarap ngang kumain sa ganito eh." Sagot ko.

"Masarap talaga. Gaja!" Hinila niya ko papunta sa isang nakatent na kainan.

Umupo kami doon at lumapit sa amin yung waitress.

"Sir, Mam, ano pong order niyo?" Tanong nito.

"Bigyan mo kami ng rice cake, ramen, tsaka kimchi." Ani Kris.

"Sige po. Is that all sir?"

"May kamote ba kayo dito?" Tanong ni Kris.

"Yes sir meron po."

"Sige, bigyan mo rin kami nun."

-----

Dumating ang order namin malipas ang ilang minuto.

"Sayra, itry mo tong kamote, pero mas masarap kapag sinamahan mo nitong kimchi sa bawat kagat." Aniya.

"Kimchi sa kamote? Seryoso ka?" D____o pwede bang pagsamahin ang dalawang yun?

(Nalaman ko yun sa panunuod ng Bride of the century. Turo ni Jin Sung kay Hong Ki xD)

"Oo seryoso ako. Masarap, promise."

"Baka naman maging weird ang lasa?"

"Sige na itry mo na. 'You'll miss half of your life' sabi nga nila kapag di mo sinubukan. Say aaaaaahhhh~ " aniya. Nilapit niya ang kamay niyang may hawak na kamote sa bibig ko.

"Ha?"

"Nga-nga sabi ko." Aniya. Ngumanga naman ako at isinubo niya yun sa akin.

Nguya. Nguya. Nguya. "Hmmm...masharap shiya!" Sabi ko.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon