Chapter 16 (A Big Mess)

96 3 0
                                    

Kris' P.O.V.

     Andito ako ngayon sa isang open field kung saan ko gagawin ang surprise ko para kay Sayra. Iniisip niya siguro na yung proposal na sinasabi ko using a hot air balloon ay joke lang. Akala niya siguro ay wala na akong planong gawin ito. Pero pinalipas ko lang ang 2 months para may thrill parin ang surprise. Kaya naman mamaya ay pupuntahan ko siya sa bahay para dalhin papunta rito.

Alam kong biglaan ang lahat pero this time ay planado na ito. I don't want to disappoint her kaya I'll make sure na magugustuhan niya lahat ng prinepare ko.

-----

Sayra's P.O.V.

3 days na lang bago ang engagement party namin ni Kris. Hanggang ngayon ay hindi parin ako tinitigilan ng konsensya ko. Pilit akong binabagabag nito dahil sa paglilihim ko kay Kris. I know that I'm so wrong pero I don't want to lose him, not now that we're getting married in Three months time. Kaya naman naisip kong sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol sa hula, ang totoo. Baka ito ang paraan para mabawasan ang kaba at bigat ng konsensya ko. Kaya naman pinapunta ko sila dito sa bahay.

     "Ano yung sasabihin mo sa amin?" Ani Princess

     "Kris isn't my soulmate. Si Chanyeol." Nakayukong sabi ko.

     "What the hell? Bakit? Paano?" Ani Mina

     "Nagkita kami ni Madame Cha 2 days after maging kami ni Kris at sinabi niya na si Chanyeol ang soulmate ko. Friends..ayokong malaman ito ni Kris. Ayokong masaktan siya o magalit sa akin. Baka iwan niya ako." I explained

     "Sabi na nga ba at may tinatago ka eh. Nararamdaman ko." Ani Myka.

     "Please don't tell him. Not now, we're getting married."

     "Kung yan ang gusto mo ay wala na kaming magagawa. Pero Sayra sana isipin mo rin na dapat malaman din ni Kris ang totoo dahil makakasama ito sa married life niyo."

     "I understand. Hahanap ako ng tyempo." Sagot ko.

     "Sayra? Tama ba ang narinig ko?" Lumingon kami sa pinto at andun nakatayo si Kris.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya dun.

     "Kris..I-"

     "Explain everything to me Sayra!"

     "Sayra we think you need some time to talk. Aalis na kami." Tumayo ang tatlo at lumabas.

    "Kris kasi ano..please wag ka namang magalit."

Lumapit siya sa akin na galit na galit.

     "Sayra ano toh?! Paglilihiman mo ako habambuhay?!"

     "Sasabihin ko naman sayo eh. Kaso lang natatakot ako kasi magiging ganyan ka. Alam kong masasaktan kita kapag nalaman mo."

     "Alam mo naman pala. Pero Sayra nasaktan mo na ako! Hindi ako ang soulmate mo kundi si Chanyeol?! Ano yun?! Pinapaasa mo ako!"

Tears started running down from my eyes. Nangyari na ang kinatatakutan ko.

     "Bakit ba ang big deal sayo ng hula? Ang mahalaga ay magkasama tayo."

     "Hindi yun ang point ko. Dapat sa simula pa lang ay di ako naniwala sa hula sayo! Alam mo namang ayaw ko na nun di ba?"

     "Sinasabi mo bang maling maging tayo? Na ikasal ka sa akin? Pinagsisisihan mo ba yun?"

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon