Chapter 8 (The Confession)

128 5 4
                                    

Hanggang sa daan papunta sa bahay ay hindi ko pa rin siya kinikibo. Basta ang alam ko lang ay naiinis ako sa kanya! Aatakihin ako sa kaba sa sobrang gulat sa tanong niya, tapos JOKE LANG?!

Ihahatid niya na lang daw ako sa bahay, yung kotse ko naman ay ipinauwi ko na sa driver namin. Nakakatamad na rin naman kasing magdrive.

     "Hoy magsalita ka naman. Galit ka ba dahil sa sinabi ko kanina?" Aniya.

Hindi ako sumagot.

     "Okay okay. Sorry na. Hindi ko naman alam na nakaka-offend pala yung sinabi ko eh. Sorry na Ms. Choi." Now he's being formal.

     Humarap ako sa kanya. "Next time kasi wag kang nagbibiro ng mga ganun." Sagot ko.

     "Kaya nga sorry na po. So okay na tayo?" Tanong niya.

Hindi ko napigil ang pag-ngiti ko kaya tumango na lang ako. He smiled at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Bigla siang huminto at tila may kinakapa sa bulsa ng pantalon niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

    "Yung singsing kasi..ano..wala dito." Aniya.

    "Ano? Tara bumalik tayo dun, hanapin natin."

   "Wag na muna. Ako na lang siguro ang maghahanap bukas, gabi na at di ko na rin makikita yun."

     "Pero pa-"

      "Okay na. Ako ng bahala, kailangang ihatid na kita sa inyo. Kung para sa akin talaga ang singsing na yun, makikita ko rin yun bukas." Aniya.

     "Sige." He faked a smile.

----

Nakarating kami sa bahay at bumaba ako sa kotse niya.

    "Mag-iingat ka ha." Sabi ko.

     "Sige uuwi na ako." He smiled.

     "Hindi mo na babalikan yung singsing?" Tanong ko.

     "It's late na. Hindi na siguro, pagod na rin ako."

     "Ganun ba? S-sige. Bye"

Then he left.

Pagpasok ko sa loob ng gate ay nakita ko ang kotse ko na nandoon na kaya may bigla akong naisip.

------

Kris' P.O.V.

Nakapasok na ako sa loob ng subdivision namin ng bigla ko na namang naisip ang singsing. Mahalaga sa akin ang isang yun, maraming alaala ang naiwan nun. Tama bang hayaan ko na lang yun dun at palipasin ang gabi na wala yun sa akin? Hindi maaari. Kailangan kong hanapin yun dun, I'm sure wala pang nakakakuha nun.

Kaya naisip kong bumalik na lang sa park kung saan ko huling nahawakan ang singsing.

     "Shet! Bakit ngayon pa bumuhos ang malakas na ulan?!" I cursed.

Pero kailangan kong hanapin yun kaya kinuha ko ang payong ko at bumaba ng sasakyan ng makarating sa park.

Saan ko ba hahanapin yun dito? Napakalawak nito para sa isang singsing na ubod ng liit. Kumukulog pa kaya hindi ko na maintindihan kung saan ako pupunta.

"Hindi kaya sa may swing ko yun nawala?" Tanong ko sa sarili ko.

Kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa kinatatayuan ng swing. Ngunit ng nasa may kalayuan pa lang ako ay taong halos gumapang na sa putikan dahil parang may hinahanap. Para ito yung mga scene na nakikita ko sa mga horror movies.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon