Chapter 10 (The Revelation)

146 4 2
                                    

Hindi ko kasama si Kris ngayon dahil may lakad daw sila ni Tao somewhere. Okay lang naman sa akin dahil si Tao naman yun. May sarili din akong lakad kasama si Chanyeol, gusto niya daw lumabas kaya pumayag na ako tutal di ko pa siya nakekwentuhan ng tungkol sa amin ni Kris. Kakabalik niya lang kasi galing probinsiya at namiss ko rin ang makulit na yun.

   

    "Hi beautiful." Bati niya sakin. Habang ako nakaupo sa isang tea shop malapit sa studio kung saan sila nagpapractice ng mga kabanda niya.

    "You're late." I smiled.

Umupo rin siya sa tapat ko. "I'm sorry ha. Nagkaproblema kasi sa mga instruments na gagamitin namin sa gig sa susunod na araw." Aniya.

  

     "Ah ganun ba? Sana okay na yun." I smiled. "Kamusta ka na? Tsaka bakit nag-akit ka atang lumabas? Anong meron?" Tanong ko.

 

    "Wala naman. Gusto ko lang marinig mismo sayo yung announcement niyo ni Kris sa barkada nung isang araw. Although nasabi na sa akin yun ni Baek, mas maganda siguro kung ikaw mismo ang magkwento sa akin para walang labis at walang kulang."

    "Ah yun ba? Sayang nga at wala ka noon eh. Pero by the way, totoo yun. Kahit nga ako nagulat sa nangyari, pero may tiwala naman ako kay Kris na hindi niya ako sasaktan. Sa panahong magkasama kami ay nakilala ko na siya. Inaalagaan niya naman ako at hindi ako pinapabayaang mapagod sa trabaho. Buti na na lang at kasama ko siya araw-araw eh. Ang cute lang." I explained.

Tumingin ako kay Chanyeol pero nakatulala lang siya sa malayo.

     "Ayos ka lang ba Yeol? May problema ba?" Tanong ko.

     "Wala wala. Oo nga. Hindi ka sasaktan nun, matagal na kaming magkakaibigan, I knew him since high school kaya alam ko. At kung sakali mang gawin niya yun sayo, akong bahala. Hahahaha!" Aniya.

     "Salamat ha." I smiled.

    

     "Wala yun. Basta ikaw noh. Malakas ka sa akin eh. Order na tayo?" Tanong niya.

     "Sige sige. Pero pupunta muna ako sa restroom, ikaw ng bahala kung ano ang kakainin natin." Sagot ko.

Tumango siya. Tumayo na ako pumunta sa restroom.

Habang nagreretouch ako ay may pumasok na isang pamilyar na babae mula sa pinto.

     "Kamusta ka na Ms. Choi?" Aniya.

Medyo ngumiti ako dahil hindi ko pa maisip kung sino ng babaeng yun.

     "Don't you remember me? Ako yung fortune teller" Aniya.

     "Ooooh. Madame Cha?" Tanong ko.

     "Absolutely."

     "Hi. Hi. I'm sorry kung hindi kita agad nakilala. I'm good. Kamusta?" Sagot ko.

     "I'm fine. I see na masayang-masaya ka at nahanap mo na siya." Aniya.

I guess tinutukoy niya si Kris. Siguro ay naramdaman niya yun sa aking aura.

     "Of course. Ganito ako dahil nahanap ko na siya. Sayang at hindi ko siya kasama, sana ay nakilala mo man lang siya." Sagot ko.

     "Ha? Eh di ba kasama mo siya ngayon? Yung lalaki sa labas?" Aniya.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon