Chapter 20 (I'm The Boss. You're My Employee)

106 3 2
                                    

Maagap akong sinundo ni Chanyeol sa bahay para ihatid sa trabaho. Napagkasunduan kasi naming dalawa kagabi na ganito ang magiging set up naming dalawa. Hatid-sundo, minsan sa bahay mag-didinner kasama si Dad. Ito ang mabisang paraan para mapaniwala namin si Dad at ang ibang tao na magpapakasal kami dahil gusto namin ang isa't-isa. Ayoko lang kasi namin na mag-isip pa ng kung anu-ano ang iba. Napagdesisyunan namin we'll start to know each other more. Magkakilala nga kami noon, ngunit bilang magkaibigan lang. Pero ngayon ay kikilalanin din namin ang bawat isa habang pinaghahandan namin ang kasal. Maganda na rin ito para lubusan kong makalimutan si Kris.

"Ihahatid na rin kita sa loob." Ani Chanyeol ng ipinark niya ang kotse.

"Sure ka? Baka ikaw naman ang malate sa practice mo nyan." Sagot ko. Sa pagbabalik ko muli sa trabaho ay babalik na rin ulit siya sa pagpapractice nila ng bandmates niya.

"Okay lang. Medyo maaga pa naman. Sakto lang."

"Sige."

Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

Sa aming paglalakad papasok sa opisina, lahat ng madaanan namin ay nakatingin sa amin. Ano bang ginawa ko sa kanila? Is this about Chanyeol and Kris ?

"Daretso lang ang tingin. Wag mo silang pansinin." Ani Chanyeol.

"I know. I understand their reactions."

Nakita ko ang secretary ko na papalapit sa amin.

"Good Morning Ms. Choi. Welcome back po. Good morning Mr. Park." Aniya.

"Good morning." Sagot namin.

"Mam, hinihintay po kayo ni Mr. Wu sa office niyo."

"Ano? Andito pa siya?"

"Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Yeol.

"No. Its ok. Kaya ko na toh. Tungkol lang sa trabaho ito, you have nothing to worry about."

"Alright. If that is the case, I'll go ahead. Sunduin na lang kita mamaya." Aniya.

"Bye. Mag-iingat ka."

Umakyat na kami sa taas at pumasok sa opisina ko. I saw Kris sitting sa couch ng office ko.

"Ms. Choi, gusto niyo po ba ng coffee?" Ani secretary ko.

"No thanks. Okay na ako. Ikaw ba?" Tanong ko kay Kris.

Umiling siya.

Sunod nito ay ang paglabas ng secretary. Umupo naman ako sa swivel chair.

"Maaga ka ata ngayon? Anong gusto mong pag-usapan?"

"Ah yung sa kagabi, pas-"

"If yan ang pag-uusapan natin, please pwede ka ng lumabas. Masyadong maganda ang umaga para pag-usapan yan."

"Ganun ba? I'm sorry. May isa pa akong sadya rito. Yung about sa contract ko, tatapusin ko ang 2 years na yun. Ayoko lang na isipin ng tao na aalis ako dito dahil sa nangyari sa atin noon. I just want to be professional." Aniya.

"Well, hindi naman kita talaga pinapaalis sa trabaho. Talagang kailangan mong tapusin ang kontratang pinirmahan mo. Nasa iyo na naman iyon kung gusto mo ng umalis pag naexpire na ang contract. Professional na tao ako. Hindi dapat makaapekto ang personal na issue sa work. Magkakilala na lang tayo dahil magkatrabaho tayo. I'm the boss, you're my employee." Sagot ko.

"Gwaenchana." Aniya

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto at pumasok naman ang secretary ko.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon