Chapter 21 (The Last Talk)

101 3 2
                                    

Sayra's P.O.V.

Ngayon ay ang huling gabi bilang isang Choi. Bukas na bukas rin ay magiging si Park Sayra na ako. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko, kaba, pag-aalinlangan, at lungkot ang nangingibaw. Aaminin kong hindi ko nararamdaman ang saya na dapat para sa isang bride, pero alam kong alam nyo kung bakit hindi yun ang nasa akin ngayon. Hindi maayos ang pagpapaalam namin ni Kris sa isa't-isa. Mas matatanggap ko siguro ang kasalan bukas kung si Kris mismo ang magsabi sa akin magpakasal ako kay Chanyeol.

Tinitingnan ko lang ang bridal gown ko para bukas. Totoo nga, kasalan na bukas. Haiiiist!

Biglang nagbeep ang phone ko na nakapatong sa lamp desk ng kwarto ko. Agad ko naman itong binasa at hindi makapaniwala sa nababasa ko ngayon.

From: Kris

Can we talk just for a couple of minutes? I'm outside your house.

"At bakit naman siya nasa labas?" Tanong ko sa sarili ko. "Makikipag-usap ba ako sa kanya?" Tanong ko ulit.

Hindi ko alam pero di ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa labas. Nang humakbang ako palabas ay nakita ko si Kris na naka-upo sa gutter ng kalsada habang nakatingin sa cellphone nya.

"Andito na ako." Sabi ko habang lumalapit.

Agad naman itong tumayo at lumapit sa akin. "Mabuti naman at pumayag kang makausap ako." Aniya.

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko.

He just gave me a look.

"Masaya ka na ba?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin na nagtataka.

"I know na galit ka sa akin dahil iniwan kita noon. Pero Sayra, gusto ko lang naman na makapagpaalam sayo ng maayos. Maniwala ka sa akin, ginawa ko yun para sa kabutihan mo. Sa kanya, mas magiging masaya ka." Pagmamatigas niyang paliwanag.

"Bakit mo ba ako pilit pinapalay? hindi naman dapat. We shoulf be happy together." Sabi ko.

"Happy together? Sayra, hindi. Sa aking piling, walang kasiguraduhan. Gusto kong makita kang masaya kasama ang mga anak mo, tumanda kasama sila at magkaroon sila ng sariling pamilya. Doon, mas magiging maligaya ako..yun lang ang dasal ko para sayo. Gusto kong makita kang akay-akay ang mga apo mo at apo sa tuhod..pero Sayra, hindi ako magiging kasama mo sa mga panahong iyon, kundi si Chanyeol. You'll grow old together and share moments with your children and grandchildren. Pag nangyari ang mga yan, papasalamatan mo ako dahil pinakawalan kita. And I'll be the happiest person. Believe me when I say that I truly truly love you..but its not for this time. Maybe we can spent our lifetime together sa ibang mundo, yung tayong dalawa lang..walang problema, walang hula, walang hadlang na iba. And I'm hoping that someday it will happen but not now Sayra, I'm sorry."

"Kahit gaano mo pa hilinging maging maayos ang lahat, imposible na yun. From that moment you didn't let me explain...hindi na talaga maayos ang lahat. Sayo ako magiging masaya, at pinagkait mo kaligayahang gusto ko. Bakit ba ang hirap maging masaya na lang? Yung walang mali, yung walang hadlang..bakit laging magulo? Kris, I'm doing this for my Dad not for revenge sa sakit na binigay mo. Pero ako tong si martyr, humihiling na pigilan mo akong magpakasal sa iba..be there tomorrow." Tumalikod siya sa akin pero I gave him a back hug while shaking because I was crying.

"Please Kris, I'm desperate. Ititigil ko ang kabaliwan na ito kung ikaw mismo ang magsasabing itigil ko ito." I added.

Unti-unti niyang inalis ang kamay ko na nakapulupot sa baywang nya. "Sayra, I'm sorry pero I think I'm not the guy who can to do that." Aniya.

"Kris...."

"Sayra, salamat sa oras mo. Pero I think kailangan mo ng magpahinga, you need some beauty rest. Dapat maganda ka sa kasal mo. Bye Ms. Sayra Choi and best wishes." Those was the last words I've heard from him bago siya sumakay sa kotse nya.

Ayan na nga, sinabi niya na ang mga salitang dapat kong marinig para tuluyang magpakasal kay Chanyeol. Bakit hanggang ngayon parang ayaw kong tanggapin? Panaginip lang ito.

--------

Kris' P.O.V.

Napakatanga mo Kris! Ang tanga tanga mo! Pinakawalan mo ang taong pinakamamahal mo! And worst...pinaiyak mo siya!

When I got home after naming mag-usap ni Sayra ay napansin ko ang rectangular box na binigay sa akin noon ni Chanyeol. Out of curiosity ay binuksan ko na ito.

It was my wedding suit, my silver wedding tux na dapat ay suot ko sa kasal namin ni Sayra. Ngayon ay mas naiintindihan ko na na ang sinasabi sa akin ni Chanyeol. He is still hoping na dadating ako bukas. Something struck me, sobrang lungkot. I can't really believe na ganito ang nangyari sa aming dalawa. Maybe this suit isn't important anymore. The wedding is tomorrow pero hindi na magbabago ang isip ko. I'm letting my love go, I'm letting Sayra go.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon