Kris' Special Chapter

104 3 3
                                    

Kris' P.O.V.

Pagkagaling ko sa presscon kanina ay umuwi na agad ako sa condo. Ginawa ko yun para kay Sayra dahil hindi ko kayang makita na nagdudusa siya sa katangahang ginawa ko.

Alam kong nagtago siya sa akin ng katotohanan, and I admit nagalit ako. Ito na lang ung naisip kong paraan para hindi na mahirapan si Sayra. Oo, aaminin ko na sobra akong nasasaktan sa mga nakikita ko. Ang kasal ni Chanyeol at Sayra ang tumusok sa puso ko, sabi ko pa sa sarili ko na kaya kong tiisin ang sakit kahit na hindi ako ang pakakasalan niya. Pero ang mas masakit pala ang makita ko silang laging magkasama. Hatid-sundo at laging kasa-kasama ni Sayra si Yeol kahit saan man siya magpunta na dapat ako ang gumagawa hanggang ngayon.

Siguro nga ay karma ko na toh sa hindi ko pakikinig sa paliwanag niya noon. I admit that I'm mad at the time I knew the truth kaya nga sinama ko si Keila sa party nila Kai. I want her to realize that I'm happy now kahit na ang totoo ay hindi. Pero nung gabing nagtalo kami, I saw her pain.. that pain na ako ang may kasalanan. Kaya naisip kong mali pala talaga ako. Pero alam kong magpapakasal siya kay Chanyeol dahil sa Dad niya, and I understand her. Ayokong hindi niya ipagpatuloy ang kasal nang dahil lang sa nakikita niya akong nagsisisi sa pag-iwan ko sa kanya. Kaya nga hahayaan ko na siyang mapunta kay Chanyeol dahil hindi ako siguradong hindi ko siya iiwanan, ginawa ko na nga ngayon hindi ba? Sa mababaw na dahilan? Paano pa kaya sa susunod.

I learned na kahit gaano mo kamahal ang isang tao, hindi yun sapat para mapasaya mo siya..dahil sa totoo lang ang love kahit sa mag-asawa ay nawawala yan. Ngunit kung may commitment sila, tatatag yan ng panghabambuhay. Yan ang natutunan ko sa life. Kaya I will set her free.

Love disappears, commitment prevails. At yun ang bagay na hindi ko yata maibibigay sa kanya.

-----

I opened the door after I heard a knock. It was Chanyeol na may dalang isang malaking rectangular box.

"Pwede bang pumasok?" Tanong nito.

Lumakad ako papunta sa living room at sumunod naman siya.

Hindi ko maalis ang galit sa mata ko dahil minsan naiisip kong inagaw niya si Sayra, kahit na ako naman ang bumitaw.

"Sino ba ang kausap ko ngayon? Ang kaibigan ko ba ng matagal na panahon? O ang lalakeng pakakasalan ng babaeng mahal ko?" Tanong ko.

"Andito ako bilang kaibigang nagmamahal sa inyong dalawa ni Sayra." Aniya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Una sa lahat, ibibigay ko sayo ang box na toh. Buksan mo ito sa gabi bago ang kasal namin ni Sayra. Sayo naman talaga dapat yan eh, hindi sa akin. Sayo lang yan nababagay." Napakunot ang noo ko. Ano kaya ang laman nito?

"Hyung, mahal ko si Sayra pero mas mahalaga ka sa akin. Alam naman nating pareho na pakakasalan ako ni Sayra dahil gusto niyang mapasaya ang Dad niya. Pero paano naman ang kasayahan niya? Hindi ba't balewala lang ang kasal kung makakasama niya ako habambuhay pero hindi siya sa akin masaya? Hyung, alam mo ang ibig kong sabihin." Dagdag nito.

"Hindi ko maibibigay ang kaligayahang sinasabi mo kung ako mismo ay hindi buo. Ayokong masaktan ko na naman siya, alam kong sayo aalagaan mo siya, it is better he's with someone na hindi siya sasaktan. Chanyeol, I'm sorry but you must take care of her. I'm letting her go, and I want you to be with her..as always."

"Hyung, sumusuko ka na agad? Meron ka pang ilang araw para magbago ang isip, hindi ako magagalit kung babawiin mo siya dahil alam naman natin pareho na sayo si Sayra."

"Hindi na siguro magbabago ang isip ko. Pagkatapos ng 2 year-contract ko sa company ni Sayra ay babalik na ako ng Canada. Magsisimula ako dun, kakalimutan ang lahat." Sagot ko.

Oo naisip kong bumalik na lang sa Canada kasama ang parents ko. Kaya lang naman kami napatira dito dahil sa pagmomodel ko noon.

"Hyung bakit aalis ka pa?"

"Sa tingin mo ba ikakabuti ng loob kong makita kayong magkasama at bumuo ng pamilya? Hindi Chanyeol. Masakit yun." Sagot ko.

"Then don't let her go. Kung mahal mo siya, you'll take a risk. Tandaan mo, once na kinasal na kami ay hindi mo na siya mababawi sa akin. Pag-isipan mo ito Hyung. Just open the box if you're ready." Sagot niya.

Sumenyas na siyang lalabas na siya ng pinto. I was speechless. I don't know kung nabunutan ba ako ng tinik o mas dumami ang nakabara sa puso ko.

Siguro talaga ngang iba ang definition ko ng pagmamahal. Nagmamahal ka kung pakakawalan mo ang taong yun dahil alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Mas pipiliin mong masaktan para masalba ang kaligayahan niya at ibigay siya sa taong kayang pumuno ng pagkukulang na hindi kahit kailan ay hindi ko maibibigay.

------

MAMA 2014 later. Let's show them that we're still strong and fighting!! Good luck to my boys (Exo. BTS. Winner)

#BeStrongBAP

#AdvanceHappyBirthdayJin

Jin Princess ♥

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon