Chapter 11 (Meet Kurisue the Jealous)

131 2 5
                                    

Chanyeol's P.O.V

I feel so hurt. At hinihiling ko na sana manhid na lang ako ngayon. Sa mga nalaman ko ngayon mula kay Sayra ay hindi na ako sure kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Siya ang bata sa park? Ang babaeng una kong minahal. Ako daw ang Soulmate niya? Ang taong para sa kanya. Pero imbes na maging masaya ako ay lungkot at sakit ang nasa puso ko. Hindi ko malaman kung bakit nagpapaka-martyr ako! Samantalang dapat pala ay akin si Sayra at hindi kay Kris. Ako ang taong kokompleto sa kanya. But because dalawang tao ang kailangan kong mapasaya, ako ang magdudusa. Si Kris na kaibigan ko at si Sayra na mahal ko. Ang hirap mamimili, hindi ko alam kung sino ang mas matimbang. Kailangan kong magparaya para lang pareho silang maging maligaya.

Kaya naman tinawagan ko si Kris at pinapunta siya sa isang bar. Gusto kong malaman niya ang plano ko at mawarningan din siya.

     "Yah. Chanyeol." Si Kris.

     "Ano nga ulit yun?"

    "Ay hindi ka pala nakikinig. Sabi ko bakit mo ako pinapunta dito? Asan yung iba? Di ba sila invited?" Tanong nito.

     "Hindi. Sadyang ikaw lang ang pinapunta ko dito. Hyung, may dapat kang malaman." Sagot ko.

     "Ano ba yun? At parang ang halaga naman ata, nakakatakot ka tuloy." Aniya.

     "Hyung, I like Sayra." Sabi ko.

Tumawa siya. Di ba dapat susuntukin niya na ako sa sinabi ko?

    "Bakit ka tumatawa?"

     "Alam ko naman." Sagot nito. Ano? Alam niya? Bakit di niya ako tinanong?

     "Hyung..."

     "Halata naman kasi Chanyeol. Nung kumain tayong tatlo noon sa labas, halatang gusto mo siya dahil nakipagtalo ka pa sa akin." Ngumisi siya, yung mukhang nangaasar.

Tumayo ako at hinila siya sa kwelyo ng polo niya. "Hyung, bakit?! Bakit di mo man lang ako kinausap at tinanong tungkol dun?! Alam mo naman palang gusto ko siya, bakit hinayaan mong umabot sa ganito?!"

     "Chanyeol, kumalma ka nga! Hindi ba dapat ako ang nagagalit sayo? Kasi nilihim mo sa akin na gusto mo ang GIRLFRIEND ko? Sinong unfair dito? Diba't ikaw? Ikaw yun Chanyeol! Hindi ako!" Sagot nito.

Binitiwan ko siya at umupo ulit.

    "Hyung, magsabi ka nga ng totoo sa akin. Gusto mo ba talaga si Sayra? O dahil nalaman mo lang na ikaw talaga ng soulmate niya?" Seryoso kong tanong.

    "Ano ba namang tanong yan Chanyeol? Yan ba ang tingin mo sa akin? Na ginagamit ko lang siya? Of course I like her!" Aniya.

     "Pero paano kung malaman mong hindi ikaw ang soulmate niya? Na nagkamali lang si Sayra sayo? Iiwan mo ba siya?"

     "Hindi ko alam. At hindi mangyayari yan. Gusto namin ang isa't-isa at hindi na mababago yun. Kaya chanyeol, wag kang feeling negative dyan. Maging masaya ka na lang para sa aming dalawa. Hayaan mo na kami." Aniya.

    "Wala akong planong sirain kayong dalawa. May tiwala ako sayo Hyung. At alam kong hindi mo siya kayang saktan, pero tandaan mo na if ever na mangyari yun..hindi ako magdadalawang-isip na kunin siya mula sayo. At wala na akong planong ibalik pa siya." I warned him.

    "As you say so. Wag kang mag-alala..aalagaan ko siya. Hindi mo na ako kailangang paalalahanan pa." Sagot niya.

     "Sige aalis na ako. Nakauwi na rin pala si Sayra. Ikaw na lang magtext sa kanya." Sabi ko. Dapat alam niya kung sino ang kasama ng girlfriend niya.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon