Chapter 19 (Drunk Convo)

86 3 3
                                    

Kahit hilong-hilo na ako ay tumakbo ako sa parking lot ng gumegewang. Bigla kong naisip na wala pala akong sasakyan dahil sinundo lang ako ni Chanyeol.

Umupo muna ako sa may gutter at nag-isip. "Paano ako nito uuwi? Hindi ako marunong mag-commute. Ang masaklap pa, first time kong malasing, paano na toh?" Tanong ko sa sarili ko.

"SAYRA!" Paglingon ko ay tumatakbo si Chanyeol palapit sa akin. Nang makarating na siya sa kinauupuan ko ay naghahabol siya ng hininga kaya naman tumabi na siya sa akin.

"Bakit sumunod ka pa?" Tanong ko.

"Malamang saan ka sasakay? Di ba ako ang kasama mo ng umalis sa inyo? So ako dapat ang maghahatid sayo. Alangan naman mag-commute ka." Sagot niya.

"Kaya nga eh. Iniisip ko nga lang kanina kung paano ako uuwi, naisip ko di pala ako natutong mag-commute." Pagtawa ko.

"Di mo kinaya?" Aniya. Anong ibig sabihin niya?

"Alin? Ang kalasingan?" Tanong ko.

"Aniyo. Ang happenings sa loob kanina."

"Ah yun ba? Oo parang ganun na nga. Sobrang hirap pala ng reunion na biglaan, nagsama pa ng babaeng madikit." Sabi ko.

"Nakakatawa ka. Halatang-halata sayo na nagseselos ka dun kanina eh." Tumawa siya bigla.

"Talaga? Ganun ba ka-obvious? Aish! Nakakahiya!" Bigla na lang akong naiyak sa kinauupuan ko.

"Oh bakit umiiyak ka bigla?"

"Kasi halata palang nagseselos ako! Ayokong nakikita akong mahina, na nagmumukang kaawa-awa. Pero anong gagawin ko? Nasaktan ako eh."

He tapped my shoulder. "Shhh.. Wag mo ng isipin yun. Ang mahalaga, nakalabas ka doon."

"Hindi ko naman siya masisi kung nagalit siya sa akin, dahil nag-lihim ako sa kanya noon. Pero ang masakit doon, pinapakita niya sa akin na masaya at okay na siya, samantalang ako...eto, nahihirapan paring mag-adjust. Alam mo yun?"

"Naiintindihan ko yang nararamdaman mo. Ganyan din ako noon sa inyo ni Kris, nung una ay inggit kay Kris ang nangingibabaw sa akin dahil nakuha ka niya. But everytime that I see you both happy with each other, nawala na rin yun. Ang ginawa ko na lang, pinilit kong maging masaya sa piling ng mga taong natira sa tabi ko. Yun din ang dapat na gawin mo. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi magiging masaya si Kris kung makita ka niyang masaya kahit na iniwanan ka niya. Mawawala ang guilt sa puso niya, iisipin niyang worth it naman pala ang pag-iwan niya sayo kasi you're in a good place with good people around you. Pwede mo ring gamitin yung revenge sa kanya in a good way at hindi para saktan siya. Ipakita mo kung anong ganda ang ibinigay niya sayo simula ng iniwanan ka niya."

Tama si Chanyeol, madami pang bagay na makapag-papasaya sa akin kahit na wala siya. Nabuhay ako noon nung hindi ko pa siya nakikilala, ngayong wala na siya ay kayang kong patunayan na kaya kong mabuhay.

"You're right. Andyan pa si Dad, my friends, at ikaw. I'm 100 % sure na kaya niyo akong tanggapin kahit dahil man yan sa hula o kulam." Sagot ko.

We looked to each other's eye for couple of seconds. Naramdaman ko ang kaba at pagbilis ng tibok na puso ko.

Hindi ko namalayan ay unti-unti na niya nilapit ang labi niya sa labi ko hanggang sa nag-dikit ito ng tuluyan. Pero hindi ko maintidihan kung bakit sa gitna ng halik na yun ay pumapatak pa rin ang luha sa mga mata ko.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon