Chapter 2 (The Childish CEO)

232 6 8
                                    

     "Huy sino bang hinihintay natin dito?" Ani Myka. 

So ito kami ngayon nila Myka, Princess at Mina sa shop ni Kyung Soo. Sinama ko sila dahil baka sakaling pumunta si Kris dito, sabi kasi ni Princess ay madalas ang mga kaibigan ni D.O dito kaya ayun. Hahaha! Ewan ko, nachachallenge kasi ako sa pagkamasungit at pakipot niya. Para bang ang laki ng fulfillment kapag napaamo ko ang isang yun.

     "Oo nga. Kanina pa tayo dito ah." Ani Mina

     "Konti na lang. Ah di ba sabi niyo madalas sila Kris dito?"

     "Ah kaya pala naman eh.  Yan ba ang CEO?" Tumawa sila. Bakit?! Pag CEO ba, bawal ng magstalk ng ibang tao?!

     "Tingnan mo nga naman si Say, parang ikaw lang noon kay D.O, hindi ba Princess?" Ani Mina. Tumawa na naman sila.

     "Ano ba! Wag na nga nating ibalik yung dati." Ani Princess.

     "Aish!! Wag niyong sirain ang plano ko. For the last time gusto ko lang namang subukan kung makukuha ko siyang model. Baka mag withdraw ng proposal ang clients namin dahil sa kanya, malaking pera ang mawawala sa amin. Ginagampanan ko parin ang pagiging CEO noh." Sagot ko.

     "Kilala na kita! Wag ka nga dyan!" Ani Myka. Bakit ba ayaw nilang maniwala!? >__<

     "Uy ayan na sila!" Ani Princess.

Napalingon naman ako agad sa pintuan. At tama! Andun si Kris kasama ang 3 pang lalaki. Yung isa mukhang babae, yung isa mukhang model din (baka pwedeng makuha xD) at yung nasa likod mukhang goon..pero parang ang sarap magpaholdap dito xD

     "Sweetie Pie!" sigaw nung mukhang model sa may kinauupuan namin. Sweetie Pie? Ang baduy ha! >__<

     "Honey!" Si Mina. D__O

Lumapit sila sa amin. "Hi!" Aniya. At humalik sa pisngi ni Mina.

     "H-hi." Sagot naming tatlo. Si Mina naman todo smile.

     "Ah siya nga pala si Kim Jongin. Ang asawa ko." Ani Mina.

     "Hello" Bati niya. We smiled.

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon