Chapter 15 (Wedding Preparation)

87 3 1
                                    

Its been a month since nung nagsimula kaming mag-ayos para sa wedding. Sabi sakin ni Kris na sobrang nagulat ang friends niya para sa amin. Eh di na ako magtataka, kahit kami naman nagulat..ang Appa talaga. Tsss... Ang office at ang media mukhang di parin nakakahalata, ayaw muna kasi naming ipaalam sa kanila at sa fans ni Kris. Mas maganda na daw na iannounce namin sa engagement party. Galing na rin kami sa parents ni Kris para magpaalam at ito ang sinabi nila "That's great! Tama ang Papa ni Sayra dapat ay magkaapo na kami agad!" -____- nakakapressure hindi ba?

Ang pamamanhikan ni Kris at ng parents niya ay mangyayari the night before the engagement party next month. Ang business? Ayun si Appa na ang nagvolunteer na mag-aasikaso nito tutal 5 months lang naman kami mag-aasikaso ng kasal.

Wedding plans? Si Tao ang Best Man dahil siya ang pinakaclose kay Kris sa friends niya. Made of honor ay si Myka. Weird dahil nagvovolunteer si Luhan na maging best man..alam na this! Si Mina at Kai sa Candle, D.O at Princess sa cord. Si Chan Min ang ring bearer. Oo alam na rin ni Chanyeol at sabi niya naman na masaya siya para sa amin. Ang mga flower girls ay mga pinsan namin ni Kris. Ang friends na natitira ay magiging part ng entourage ng wedding. Blue and black ang theme ng wedding. Nakapagpasukat na rin lahat ng kanilang gown at suits. Si Kris ay gray ang kulay ng suit para maiba naman. Nakakaloka pala ang pag-aasikaso ng kasal. Church wedding ito dahil yun ang napagkasunduan ng parents namin at that was my mother's wish na makasal ako sa simbahan. Gusto ni Appa bongga daw ang kasal, sabi naman namin kahit hindi na. Pero matigas si Appa, only child daw kaming dalawa kaya kailangan ay maganda ang kasal dahil once lang daw ito mangyayari. I guess tuloy na tuloy na talaga ang kasalan, wala na tong atrasan. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng magasikaso ng kasal pero hindi ko alam na sobrang hirap pala ng ganito.

     "Sayra, whag do you think? Okay ba ang lilies para sa flowers sa entourage?" Ani Kris.

Flowers naman ang pinagkakaabalahan namin then later food tasting at titingnan ang venue ng reception.

     "Well..maganda yan. Okay lang naman sa akin kahit ano basta gusto ko yung bouquet ko ay blue roses para match sa theme." Sagot ko.

     "Yes boss." He smiled.

     "Naalala ko, si Chanyeol na lang pala ang di pa nakakapagpasukat ng suit. Okay na ba siya?" Tanong ko.

     "Nakita ko siya the other day tapos sinabi ko na sa kanya kaya pupunta ata siya mamaya sa designer. Tinakot pa nga ako nun eh." Aniya.

     "Tinakot?"

     "Pag daw di ko inalagaan ang mapapangasawa ko, handa daw siyang kunin ka kapag nagdivorce tayo." Tumawa siya.

     "Hay naku kahit kelan talaga yang si Chanyeol may sayad." I laughed.

     "Tapos na tayo dito sa flowers, let's go na sa venue ng reception?"

     "Sige tara na."

------

     "So ito na po yung final choice niyo sa wedding cake. A three layered cake, first layer is a red velvet cake, then pistachio, last flavor will be a chocolate one. Okay na po ba?" Tanong ng wedding organizer.

     "It's okay na. Ano pa bang kulang?" Ani Kris.

     "Kulang? Wala na naman kailangan na lang nating hintayin ang araw ng kasal." Sagot ko.

     "Pilosopo ka ha Mrs. Wu."

     "Just talking truth." Sagot ko.

     "Let's go? Ihatid na kita sa inyo, ginabi na pala tayo."

     "Oo nga eh. Sa bahay ka na pala magdinner, magpapaluto ako para sa atin nila Dad." Sabi ko.

     "Sige." Sagot niya. Lumingon siya sa organizer. "We'll go ahead. Tawagan niyo na lang kami kapag may problema ha. Thank you." Aniya.

     "Yes po. See you Mam and Sir."

When we reached the parking lot nakita ko si Madame Cha na papalapit sa amin.

     "Hi Ms. Choi. Kamusta?" Bati niya. Oh no! Hindi niya pwedeng makausap si Kris. Buti na lang ay nakapasok na itosa kotse at hinihintay niya na lang akong sumakay.

     "I'm fine." Kabado kong sagot.

     "Bakit kinakabahan ka? Siya pa ang lalaking sinasabi mo?" Tanong niya.

     "Oo. Kaya please Madame Cha just pretend na hindi tayo magkakilala. Maayos na ang buhay namin ngayon."

     "Ako ba ang gumugulo sa buhay niyo? Remember, sayo nagsimula ang lahat ng toh from the time na nagpahula ka sa akin. Alam kong ikakasal na kayo ng lalaking yan, sigurado ka na ba? I'm sure hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang hindi siya ang soulmate mo, he'll be very disappointed. Tsk. Tsk. Sayra, careful." She warned.

     "Tinatakot mo ba ako?"

     "No I'm not. I'm just warning you."

     "Sayra, what's going on? Sino siya?" Si Kris.

     "Ha? Uhmm..she's a..friend, an old friend." Sagot ko.

     "Annyeong. I'm Kris." Bati niya.

     "Hello. Nice meeting you Kris. Congrats nga pala sa upcoming wedding niyo."

     "Kamsamhida."

     "I'll go ahead. Bye lovers." Aniya at naglakad palayo.

Pinagmasdan ko ang paglakad niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bakit ba nangyayari toh kung kelan okay na ang lahat. Di niya ako pinatatahimik, para siyang multo sa nakaraan ko na hindi ko matakasan.

     "Sayra? Okay ka lang ba?"

     "I'm fine. Let's go."

Pinagbuksan niya ako ng pinto then sumakay na ako. Nanlalamig ang kamay ko.

     "Parang ngayon ko lang siya nakita. Close friend mo ba siya?" Tanong nito.

     "Hindi naman masyado." Sagot ko.

     "Eh bakit di mo siya ininvite sa kasal?"

     "Naku I asked her but she said na busy siya and she'll be heading back sa states, dun kasi yun nagsestay ngayon." Pagsisinungaling ko. I'm sorry Kris for this stupid lies.

     "Ay sayang naman. Teka okay ka lang ba talaga? Namumutla ka kasi."

     "Of course I'm okay gutom lang ata ito."

     "I guess kailangan na talaga kitang ihatid."

My Mistaken FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon