NAGISING si Sab nang may bumagsak sa tiyan niya. May nakita siyang braso na nakayakap sa kanya. Napabiling sa gilid ang mukha niya at napakurap siya nang makita si Phin na natutulog.
Ohhh-kay... So it wasn't just a dream. I really had a one-night stand with the devil. Yikes!
Maingat niyang inalis ang braso nito sa katawan niya. Dahan-dahan siyang bumaba ng king-size bed para hindi ito maistorbo sa pagtulog, although may palagay siya na hindi ito basta-basta magigising dahil sa sobrang pagod. Maging siya ay nararamdaman ang epekto ng sex marathon nila nang nagdaang gabi. Buong katawan niya ay sumasakit na para siyang nag-workout nang tatlong oras.
Three hours? Make that six!
Nakangiwing yumuko siya para abutin ang dress at stilettos sa sahig. Isinuot niya ang mga iyon. Gigisingin ba niya si Phin bago siya umalis? Ano ba ang tamang gawin sa ganitong situwasyon?
Just skedaddle out of here, Sab. Don't expect a goodbye kiss. He's not your boyfriend or anything, advice ng isip niya.
Lumabas siya ng bedroom. Napahawak siya sa dibdib, muntik nang atakehin, nang makita ang matangkad na babaeng nakatayo sa living room. Nakatingin ito sa kanya, curious.
Oh great! Sino naman ito? Phin's sister? Girlfriend?
Pero nang pagmasdan niya itong mabuti, she realized she was only a teenager.
"H-hi," awkward na bati niya rito.
"Is this yours? I saw it outside." Itinaas nito ang purse niya. Dinala roon ng security?
"Uh, yeah. That's mine." Tentatively, lumapit siya sa teenager para kunin ang purse. May pakiramdam siyang alam nito kung ano ang ginagawa niya sa bahay ni Phin nang ganoon kaaga, at kahit pareho na silang adults ni Phin, hindi pa rin niya maiwasang mamula ang mukha. "Thanks. Um, I was just about to go—"
"You look like you're in pain. Hindi ka makalakad nang maayos. Are you one of those weird women who liked it when men punish them?"
"What? No, I'm not," gulat na tugon niya.
"Okay," kaswal na sabi nito na parang ang itinanong lang ay ang paborito niyang kulay.
"Who are you?" curious na tanong niya.
"Phoebe."
"What are you doing here?"
"It's my dad's house."
Lumaki ang mga mata ni Sab. Dad? Dad?! Si Phin? Nakipag-one night stand siya sa lalaking pamilyado? Oh for Christ's sake! Of all the sins—
"It's okay, don't freak out. He's no longer married to my mom. My parents' marriage has been annulled when I was five."
Literal na napabuga siya ng hangin sa bibig. "That's a relief. I mean, to find out that I didn't sleep with a married man—" Lumaki ang mga mata niya. "I didn't just say that out loud..."
"I've heard and seen worse, don't worry about it." Phoebe shrugged.
Sanay na ba itong makakita ng babaeng labas-masok sa bahay ng daddy nito? And God forbid, nahuli na ba nito si Phin sa akto na nakikipag-sex kaya ganoon ito magsalita?
Tumingin ito sa damit niya. "Lalabas ka nang ganyan? Pagtitinginan ka."
"May dala akong sasakyan."
"Makikita ka pa rin ng mga tao sa street bago ka makarating sa parking. Wait here. Ikukuha kita ng jacket." Tumakbo ito, pagbalik ay inabutan siya ng cardigan jacket. "It's mine. I'm taller than you, so lagpas iyan sa dress mo."
BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
Любовные романыR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...
