"HOW sweet of you," sarcastic na sabi ni Sab kay Phin. Napakasarap talagang pasakan ng diyaryo ang maruming bibig ng demonyong ito. "Pero wala akong natatandaan na nagpabili ako sa iyo ng kahit ano, you fool!"
"Ow fuck! Do you really need to shout on the phone? Para kang si Mommy, tinawagan na nga nanenermon pa."
Ha! She could just imagine kung paano ito sinasabon ng ina dahil sa mga katarantaduhan nito.
"Ang sabi ko sa iyo, bigyan mo ako ng experience na hindi ko pa nararanasan. Adventure na puwede kong i-share sa followers ng blog ko. Not material things."
He wasn't just a regular guy. He was the infamous Phineas Polivega. Kaya naisip niya na marami itong alam na mga bagay na normal lang dito pero sa ibang tao ay extreme.
"At meron na akong naihanda, alright? I-consider mo na lang na bonus ang Lamborghini."
"Really? Ano'ng inihanda mo para sa akin?" na-curious na tanong niya.
"It's a surprise. Isn't that what you want? Ang surpresahin kita for the sake of thrill? Puntahan mo ako mamayang eight. Walang magsusundo sa iyo. Drive yourself to my office. Use your new car."
"I don't want the Lambo!" She wanted it. Alright, wala naman siyang planong tanggapin iyon pero baka puwede niyang gamitin kahit isang beses? Or for a week? It was a Lambo, damn it, and it was white! Love.
"A hot piece of ass like you needs a hot piece of car to drive, vixen. Keep it. I'll see you later." Nawala na ito sa kabilang linya.
Ibinaba ni Sab ang cellphone. "Sorry. That was Phin," sabi niya kay Mich.
"I know. Tama ba ang dinig ko na ibinili ka niya ng Lamborghini?"
"Ah yes. Nasa labas."
Tumakbo si Mich patungo sa front door. Sumunod siya rito. "Holy Molly!" nanlalaki ang mga mata na sambit nito nang makita ang luxury sports car sa labas. Humarap ito sa kanya. "He's really obsessed with you, isn't he?"
"Nah. Madali lang talaga sa kanya na magwaldas ng pera. Malay rin natin kung binili nga talaga niya iyan o galing sa illegal na paraan."
"Test drive?"
"Sure!" mabilis na pagpayag niya at sabay pa silang lumapit sa Lamborghini para sumakay. Isinuksok niya ang susi at marahang pinaandar iyon. But actually, mabilis ang takbo nila, hindi lang masyadong ramdam dahil sa mataas na horsepower ng sasakyan.
"I never thought I'd ever get to sit in a Lamborghini," excited na sabi ni Mich. "Tell me you're keeping this car. Please?"
"I can't!"
"Aww. Sayang naman. Saka ano ba'ng masama kung tanggapin mo?" Kinalikot nito ang dashboard. "Hey! May mga certification. He really bought it. Mystery solved."
"Hindi ko ito puwedeng tanggapin dahil wala kaming relasyon ni Phin. Binlackmail niya lang ako to sleep with him. Kapag tumanggap ako ng kahit anong bagay mula sa kanya, para na rin niya akong binayaran at na-justify niya ang pagbibigay ko sa kanya ng sex." She would be like a real whore then.
"Hindi naman siguro iyon ang motive niya sa pagbigay nito sa iyo. Maybe he just wants to spoil you, gaya ng normal na ginagawa ng mga rich men sa babae nila."
"I'm not his woman."
"Pero iyon ang iniisip niya. Pinuntahan ka niya sa Night Mix para bakuran ka sa ibang lalaki, didn't he? I think he's really taken with you."
"Katawan ko lang ang habol ng demonyong iyon."
"But he can still have any woman kung sex lang talaga ang gusto niya. He's good-looking and filthy rich, so puwede rin siyang magbayad ng high-class prostitutes kung gugustuhin niya."
BINABASA MO ANG
SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️
RomanceR-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex den iyon ng mga rich. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Phineas Polivega, the infamous and...
