Twenty-One

156K 3.9K 362
                                        

"NAKALANGHAP ka ba ng virus na pampabait on your way here at umeepekto na sa iyo, devil?" tanong ni Sab kay Phin.

Lumabas ang mga pangil nito. "Grrrr."

Sabi ko na nga ba, hindi tatagal ang pagiging santo nito, eh. Malayo pa ang end of the world. Hooray!

"Stop!" Itinaas niya ang daliri para warning-an ito. Tumigil naman ito, pero halatang pikon pa rin.

"Don't make fun of me, vixen. I'm trying so damn hard here, alright?" Half-mabait, half-demonyo ang peg ng loko.

"Trying what?"

"Makipag-usap nang maayos sa iyo!"

"Pinakamaayos na iyan?"

"Pagbabayarin na lang kita para hindi na ako mahirapan!"

"Ang kulit. Wala na nga sabi akong utang sa iyo. 'Di ba cinancel mo na ang unang atraso ko? 'Yong pagsagip mo naman sa akin kahapon, hindi ko iyon utang-na-loob sa iyo dahil ikaw rin ang nagpahamak sa akin kung tutuusin. Dahil sa iyo kaya ako binitag ni Anton. Kaya huwag kang umasta na naman na dapat kitang pagsilbihan, devil. Baka makatikim ka sa akin, makikita mo."

"I'm the motherfucking Phineas Polivega!"

"And I'm the Vixen Sabrina Alejandrino! Hinahamon mo talaga ako?"

Glare. Glare. Kulang na lang, maglabas ng kuryente ang mga mata nito habang sinasalubong ang tingin niya. She didn't blink, just continued glaring back at him. Akala nito magpapa-intimidate siya? Sige, magkakasubukan sila ng kapangyarihan.

Mayamaya'y bahagyang yumuko ito bagaman nakatingin pa rin sa mga mata niya. But his own eyes were now filled with submissiveness. OMG! She succeeded in breaking the devil!

"I guess if you're that scary, then you're really just fine." Tentatively, he raised his hand to touch her cheek. "I just wanted to make sure of that, vixen, kaya gusto kong puntahan ka."

Aalisin sana niya ang kamay nito sa mukha niya, it was stealing some of her power. But... she also liked his touch, kaya hinayaan na lang iyon at sinabihan ang sarili na huwag masyadong magpaapekto sa ipinapakita nitong affection.

"What did you expect? Mato-trauma ako dahil nasaksihan ko kung paano ka pumatay na parang nag-exercise ka lang? I'm emotionally and mentally stronger than that, you know."

Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Yeah. I can see you don't need to undergo therapy, unlike what happened to me."

"Jeez. You were only eight that time, devil. Hindi mo pa masyadong naiintindihan kung gaano kasama ang mundo. Of course, normal lang ang nangyari sa iyo. You felt betrayed by the world that you had trusted. Kinuwestiyon mo lahat ng inosenteng paniniwala mo sa lahat. All at once, naramdaman mo na nagbago ka."

"How did you..." Tumigil ito sa pagtatanong, tila nagdalawang-isip na hukayin ang nakaraan na malamang ay ilang beses na nitong pilit na ibinabaon sa hukay. Ang problema sa buhay, kapag may tinatakbuhan ay lalo ka niyong hahabulin.

"Dahil ganoon din ang magiging reaksiyon ko kung sa akin iyon nangyari, devil." Nang ikuwento nito sa kanya ang trauma nito nang childhood nito, nang ma-imagine niya ang batang Phin na hawak ang baril na napilitan itong paputukin, of course, ang pagkawala ng kainosentehan nito ang na-imagine niya. Ipinagpalit nito iyon, his innocence, para sa sariling buhay, and that had been haunting him since then, alam man nito iyon o hindi.

"You wouldn't kill the bastard," he said.

"Huh. You'd be surprised."

Muli ay tumaas ang sulok ng mga labi nito, amused sa kanya. Or maybe in awe, dahil sa honesty niya.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon