Epilogue

245K 5.5K 820
                                        

"HAAR-RAAAWR."

"Wuu-wuuu..."

"Haarr-raaawr!"

"Wuu-wuuuu..."

"Ay ano ka ba?" Pinalo ni Sab si Phin na naabutan niyang nakikipaglaro sa anak nilang si Piper sa lanai ng bahay nila. "Lalaking katulad mo iyang anak mo, eh. Kung anu-ano ang itinuturo mo." Umupo rin siya sa malambot na sofa, tinuck in ang mga paa sa ilalim ng mga hita.

"Piper will grow into a badass kid. She will kick boys' asses. Right, baby Piper? You're bad like daddy. Very, very bad and dangerous."

"Pyey!"

"Okay, play." Tumayo si Phin at nagkunwaring inihahagis sa ere si Piper na tumitili at tumatawa.

Nakangiting pinanood ni Sab ang masayang mag-ama niya habang nakatukod ang siko sa headrest ng sofa. Last year, lumipat sila sa isang very exclusive village sa Tagaytay. Phin wanted to raise their child in an ideal environment. Doon sa makakalanghap si Piper ng sariwang hangin at malaya itong makakapaglaro sa labas.

With bodyguards of course. May mga tao si Phin na nakakasama nila sa bahay nila 24/7. Sab didn't mind. Sa kabila ng posisyon ni Phin sa isang organisasyon, napakanormal pa rin naman ng pang-araw-araw na buhay nila. O siguro, hindi lang kasi siya nerbiyosa. Sinasabi sa kanya ng intincts niya na wala siyang dapat pangambahan na kahit ano. Alam niya na matagal niyang makakasama si Phin. They would grow old together.

"The feck?" sambit ni Phin nang mapatingin sa labas ng lanai. Pinagbabawalan niya itong magmura kapag naririnig ng anak nila. "Sino ang kasama ni Phoebe?"

"Oh. That boy? Si Chico, anak ng neighbour natin."

"Ano'ng ginagawa niya rito? And why is he smiling at Phoebe like that? Hwuuurrr..."

Shit. Tumunog uli ang engine.

Pati siya ay napatayo nang itulak ni Phin ang sliding glass door pabukas para makalabas, karga-karga pa rin si Piper. Sinundan niya ito. "Phin, Chico is a nice boy. And they're both sixteen. Mabuti para kay Phoebe na magkaroon ng mga kaibigan na ka-age niya dito sa village."

Actually, ine-encourage niya ang pakikipagkaibigan ni Phoebe kay Chico para makita nito na may iba pang lalaki sa paligid, and possibly, much better for her kaysa kay Rigor.

"I don't think he only wants to be friends with Phoebe."

Ngumiti nang malapad si Phoebe nang makalapit sila. "Hi, dad, Hi, tita. Piper!" Pinanggigilan nito ang mga pisngi ni Piper. "My baby sister is too cute!"

"Phoebe, pyey toy!"

"No, you can't play with this, Piper. Pang-big girls and boys lang ito," tukoy ni Phoebe sa skateboard na malamang ay dinala ni Chico.

"Want pyeeey!" Tipikal na baby, nag-tantrums si Piper para makuha ang gusto.

"You want this, Piper? Here." Kinuha ni Chico ang skateboard.

"Are you fecking crazy?! Gusto mong masaktan ang anak ko sa paglalaro niyan?!"

Nag-freeze si Chico sa malakas na bulyaw ni Phin.

"Sino ang mga magulang mo? Gusto ko silang makausap. Bakit hindi ka tinuturuang mag-isip?"

"Daddy!" Si Phoebe.

"Phin," saway rin ni Sab sa esposo. Kinuha niya si Piper dito pagkatapos ay nginitian si Chico. "It's okay, ganyan lang talaga siya kahit tanungin mo si Phoebe. But he's harmless."

"Uh, sorry, sir. Wala akong intensiyong masama kanina. By the way, we live next door—"

"Mabilis kitang maipapatapon sa kabilang bakod kung ganoon. Rigor!"

Lumabas si Rigor mula sa kung saan at lumapit sa kanila.

"Get rid of this boy."

Napa-facepalm si Sab. Mas delikado pa kaya si Phoebe kay Rigor kaysa kay Chico. Lalo ngayon na sixteen na si Phoebe. Nag-aalala siya na hindi na lang basta teenage crush ang nararamdaman ni Phoebe sa tauhan ni Phin.

Tuloy-tuloy na lumapit si Rigor kay Chico para takutin gamit ang stoic expression at sculpted na katawan nito.

"Woah. Calm down, dude," ninenerbiyos na sabi ni Chico.

Hindi nagustuhan ni Rigor ang pagtawag dito ng dude ng isang sixteen-year old. "Scrat, or I will throw you out of the boss' property."

"I didn't do anything bad—"

"Alright. I've changed my mind. I will beat you up first." Dinaklot ni Rigor ang kuwelyo ni Chico.

"Ahh!" Umatras iyon at tumakbo.

Phin snorted, satisfied sa nakita.

"You guys are crazy," sabi ni Phoebe sa ama at kay Rigor bago nakasimangot na nagmartsa patungo sa bahay.

Iniwan na uli sila ni Rigor.

"Was that really necessary?" tanong niya kay Phin.

"Hindi mo ba nakita? That boy is a fecking coward. I don't like him for Phoebe, bilang kaibigan o manliligaw."

"But Phoebe is already sixteen, Phin. Alam mo na normal lang sa kanya na magkainteres sa guys at gustuhing magka-boyfriend balang-araw, right?"

Hindi agad sumagot si Phin, kinuha lang uli sa kanya si Piper. "Si Rigor na ang bahala," sabi nito kapagkuwan.

"Sheesh. Hindi mo puwedeng ipanakot si Rigor sa lahat ng lalaking lalapit sa anak mo."

Hindi nagbago ang expression ni Phin. Wait... Nagkaroon siya ng reyalisasyon. Oh shit. He knew. At higit pa roon, hindi ito tututol kung magkabutihan man sina Phoebe at Rigor balang-araw, if they were meant to be.

Siguro, dala iyon ng masidhing pagnanais ni Phin na manatiling ligtas si Phoebe. Ipagkakatiwala nito ang anak sa taong mapoprotektahan si Phoebe ng buhay nito, like Rigor.

Awws, devil. Bakit hindi ko ito na-realize noon, only now?

Mahal na mahal talaga ni Phin ang mga anak. He only wanted what was best for them.

Yumakap siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Alright. Naiintindihan ko na."

Gusto sana niya na magkaroon ng mas normal na personal life si Phoebe lalo na pagtanda nito. Pero kung si Rigor ang napili ni Phin para kay Phoebe, then hindi na siya tututol. May tiwala siya sa mga nais mangyari ni Phin.

Ipinaling ni Phin ang mukha, brushing his lips against hers.

"Daddy kissing mommy," sabi ni Piper.

"Because daddy loves mommy," nakangiting sabi dito ni Phin.

Napangiti rin si Sab. Who would've thought na ang devil na nakilala niya sa isang sex club ay magiging husband niya? He was not perfect, she was not perfect and the world was not perfect. Pero wala siyang gugustuhing baguhin sa pagsasama nila. They had already found perfect happiness in each other, and that was everything she could ever hope for.

"Come, vixen." Inakbayan siya nito para makapasok na silang muli sa loob ng tahanan nila.

THE END

Thank you, thank you uli sa mga nagbasa ng SWTD! Sana nag enjoy kayo. Meanwhile, ang story nina Phoebe and Rigor ay available sa Shopee ang book. I search nyo lang ako sa shopee "dsheenx" para lumabas ang books ko. Title: Bedding the Mob Princess. See yah in my next story!

~Sheen XO

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon