Fifteen

147K 3K 141
                                        

SAB hated herself the moment she started to cry. Hindi niya gustong makita siya ni Phin na ganoon dahil baka isipin nitong mahina siya. Pero siguro, lahat ng tao ay may sensitive spot at nasapul lang nito ang sa kanya kaya hindi niya napigilan ang pagbe-breakdown.

"Jesus Christ, vixen. Are you crying?" Umupo ito sa tabi niya.

"Hindi! Tumatawa ako!" singhal niya rito. Obvious ba?

"Fuck. Don't. You women look hella ugly when you cry."

Napasigaw siya sa panggigigil. Pinaiyak na nga siya nito, lalo pa siyang iniinis. "Tell me why you're still here. Kanina pa kita pinaaalis, 'di ba? Kailan ka ba matututong makinig? O na maging sensitive sa nararamdaman ng iba for once? May pakiramdam ka ba kahit kaunti? Tingin mo fair na husgahan mo ako dahil sa parents ko? Hindi mo alam kung ano ang nawala sa akin nang dahil sa kasalanang hindi naman ako ang gumawa!"

"I know." Inabot nito ang pisngi niya para pahirin ang luha pero pinalo niya ang kamay nito.

"You don't! Napaalis ako sa dati kong trabaho at nasira ang pangarap ko noon dahil magnanakaw sila, gaya ng sinabi mo. Masaya ka na?"

Muli nitong inabot ang pisngi niya. "No. But you should be happy na napaalis ka doon. You don't fit in with those media people, vixen."

"Ano'ng sinabi mo?!"

"Bata ka pa nang magtrabaho ka sa TV network. Siguro naniniwala ka noon na ang maging journalist ang pangarap mo. Pero kung tumagal ka roon, sooner or later mabo-bore ka at mapapagod na itago ang totoong ikaw. Hindi bagay sa iyo ang wholesome image, Sabrina."

What? "You...!" Hindi siya makahanap ng description na sasapat sa pagkairitang nararamdaman niya rito kaya sumigaw na lang uli siya. "I freaking hate you, devil!"

"Nagsinungaling ba uli ako? You're a fox but you were trying on the sheep's clothing. Bakit hindi mo na lang aminin sa sarili mo na kaya ka nawala sa TV network ay dahil hindi ka para doon, hindi dahil sa parents mo, or that pig Anton?"

"Tingin mo ba kilalang-kilala mo ako para sabihin... Wait, did you mention Anton?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin dito. "The hell, paano mo nalaman, devil?"

"Nawala ka bigla sa TV network at hindi ka na nag-practice ng journalism. It raised my suspicions, kaya may inutusan ako na alamin ang mga nangyari. I'm the motherfucking Phineas Polivega. Nothing can be hidden from me."

Kung ganoon, kilala na pala nito si Anton nang magkita-kita sila sa fight club. Kaya ba nito dinuraan?

"So alam mo na naman pala lahat, and yet inungkat mo pa ang kaso ng parents ko? Para ano, pamukhaan at saktan ako, devil? Iyon ba ang intensiyon mo?"

He sighed. "No. Hindi ko lang nagustuhan na iniisip mo na hindi ako bagay sa iyo."

Eh?

"'Yong mga isinulat mo sa blog mo, iyon ba ang mga bagay na gagawin ng matinong journalist?! Pumasok sa strip club at maghubad para sa mga lalaki? Sumayaw sa ibabaw ng lamesa sa bar? Mag-skinny dipping sa dagat sa gabi? Hot damn, vixen. Exposé magnet ka!" paglilihis nito ng paksa.

Gusto pa sana ng isip niya na i-elaborate nito ang naunang sinabi dahil naku-curious siya, but at the same time rin ay naa-awkward-an siyang tanungin ito doon, kaya pinalagpas na lang niya.

"Huwag kang exaggerated! I was just having fun nang ginawa ko ang mga iyon!"

"Exactly my point! That was your definition of the word fun. The regular folks? No! Kaya kahit gaano mo lokohin ang sarili mo, hindi ka magpi-fit in sa mundo ng mga normal na tao, vixen. You're too crazy and too bold for your own good."

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon