Eleven

153K 3.4K 362
                                        

TUMAYO si Phin sa harapan ni Anton, inalis ang tabako sa bibig at ibinuga lahat ng usok sa mukha ng dating katrabaho ni Sab.

"Tang'na! Siraulo ka ba?" sigaw ni Anton.

Mabilis itong kinuwelyuhan ni Rigor, bodyguard mode. Bad trip pa rin si Anton pero mukhang nakilala si Rigor bilang isa sa mga fighter doon kaya saglit na nag-atubili.

"You don't disrespect the boss."

"Wala akong pake sa bastos mong amo. Kilala n'yo ba ako? Broadcaster ako."

Ipinaikot ni Sab ang mga mata. As if naman napapanood ito sa TV. Isa lang ito sa mga reporter na taga-research at nagpi-film sa likod ng mga TV news program. Palibhasa mukhang butete!

"Kung ayaw mong ma-exposé sa national TV, bitiwan mo ako, gago. Akala mo natatakot ako sa iyo por que fighter ka? Kayang-kaya kitang pabagsakin—" Tumigil sa pagratsada ang bibig ni Anton nang duraan ito sa mukha ni Phin. Pagkatapos ay sumigaw. "Putang'na ka talaga!" Sinakal ito ni Rigor para manahimik. "Arkh!"

"We don't have time for that pig." Sinenyasan ni Phin si Johann. "Ilabas iyan at ipakita mo kung gaano tayo kagago."

Kinuha ni Johann si Anton kay Rigor at kinaladkad habang nagsisisigaw pa rin iyon.

Humarap si Phin sa kanya, ibinalik sa bibig ang tabako bago siya sinita. Nakaka-amaze kung paano ito nakakapagsalita pa rin nang malinaw kahit may nakaipit sa mga labi. "Hindi ba't ilang beses na kitang binalaan tungkol sa mga lalaki?"

"Sila ang lumalapit sa akin, ano'ng magagawa ko? Maybe they think I'm hot." She flipped her hair. "They're not wrong."

"Fuck it. Mukhang marami akong matuturuan ng leksiyon sa susunod na ninety days."

"Jeez, devil. Balik na naman tayo sa ninety days? Walang katapusan? Ano ito, tumigil sa pag-ikot ang mundo?"

"Don't fucking test my patience, vixen! Stop flirting with other men!"

"Whatever." Ang hirap talagang makipag-usap dito dahil parang sarili lang nito ang naririnig. Ngumiti siya kay Rigor dahil nais na lalong inisin si Phin. "Good luck sa fight, Rigs. Nakasalalay sa iyo ang five hundred pesos ko."

Kumunot ang noo ni Rigor. "Five hundred. Iyon lang ang handa mong itaya sa top underground fighter ng Club BloodX?"

"Hey, that's my hard-earned money."

Tumingin si Rigor kay Phin, salubong pa rin ang mga kilay. "Are you sure she's your woman?" Iiling-iling na umalis ito para bumalik sa puwesto sa labas ng cage.

"You're embarrassing me with your poverty!" sabi sa kanya ni Phin.

Grabe siya. Poverty talaga?

"Sorry naman, devil. Hindi ko pa naibebenta ang kaluluwa ko kay Lucifer. Besides, bakit ka naman mapapahiya? I'm not your woman, remember?"

As usual, parang wala na naman itong narinig. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa private box nito. Apat lang ang glass box sa buong venue. Sobrang importante nga siguro ni Phin doon.

Umupo sila. Ipinagkrus nito ang mga binti, like a real boss.

"Tatanggapin mo na lahat ng ibibigay ko, or else people will think I'm a cheapskate," deklara nito.

More gifts? Okay, game! Hindi na niya tatanggihan ang mga ibibigay sa kanya ng demonyo. He wanted her as his personal whore? Then he should pay the price sa pag-maintain sa kanya bilang bed warmer nito. Pagkatapos ng usapan nila, isasauli rin niya ang mga iyon dito. But for now, gusto niyang malaman kung paano mabuhay na may sugar devil. This would be fun.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon