Nine

153K 3.5K 302
                                    

NAPAINOM uli si Sab ng matabang na cocktail drink habang nakatingin kay Phin. Why did he look angry? Ano na nama'ng problema nito?

May babaeng nagtangkang lumapit kay Phin pero hinarang ni Rigor at binigyan ng nagbababalang tingin.

"Savagely untouchable," komento ni Mich.

"Type mo? Sa iyo na."

"He's good-looking, but I prefer athletic guys. Besides, I think he only has eyes for you."

"Unlucky me. Wieeeh!"

Nang makarating si Phin sa table nila, umupo ito sa tabi niya na parang pag-aari ang upuan. The whole club, even. Sab's heartbeat was irregular and she also felt a tingling sensation sa side ng katawan niya na malapit dito, pero inignora niya.

"What are you doing here, devil?" sita niya rito. Pagkatapos ay kumunot ang noo nang may maisip. "Do you own this club?"

"No, pero marami akong mga mata sa paligid."

May nag-report dito na nasa Night Mix siya? Damn. Na-underestimate niya ang impluwensiya at connections ng demonyo.

"And what are you doing here, vixen?" Inilagay nito ang braso sa balikat niya. Possessively. Pero hindi niya iyon masyadong binigyan ng kahulugan. Alam niya na ang pagiging territorial nito ay sa katawan niya lang.

"I'm chilling with my friend." Inalis niya ang braso nito sa kanya, pero ibinalik lang uli nito. Hopeless. Pinabayaan na lang niya iyon. "Mich, this is Phineas Polivega. Phin, this is my friend Mich."

"Hi," bati ni Mich.

Phin only gave Mich an icy glare, then nodded at her bago muling tumingin sa kanya.

"Ang friendly mo talaga." Pinisil ni Sab ang mukha ni Phin. Sinunggaban siya nito ng halik, parang ganti nito or something. Who could ever figure him out? Itinulak niya ang mukha nito. "Ano ba?"

He growled. "You fucking gave some idiot a lap dance, but I can't kiss you?"

"Ano?" Oh wait... Did he read her blog posts?

"Hey! Hey! Who are you? Why are you stealing my date?"

She groaned inwardly when she saw Lloyd approaching them. As expected, hinarang ito ni Rigor. Hindi yata alam ni Lloyd na pinapasok nito ang kamatayan nito dahil tinabig nito si Rigor, pissing the bodyguard. Hinila ni Rigor ang mga braso nito patungo sa likuran.

"Ahhhh!"

Hindi pa yata kuntento si Phin sa ginawa ni Rigor kay Lloyd dahil maaskad na tumayo ito at lumapit sa dalawa. Lloyd's eyes widened in fear. Kahit hindi nito kilala si Phin, sapat na ang nanlilisik na mga mata ng demonyo para matakot ang kahit sino dito.

"Don't you ever fucking use a possessive pronoun when you're referring to Sabrina." Pinoke nito ng daliri sa noo si Lloyd, at alam niya na mas masakit iyon sa ego kaysa kung sinuntok nito ang pobreng pinsan ni Mich. "Get this moron out of my sight," utos nito kay Rigor.

"He's obsessed," bulong sa kanya ni Mich.

"He's crazy," sabi niya naman.

Bumalik sa tabi niya si Phin at muling inilagay sa kanya ang braso nito na parang walang nangyari.

"Part na ba talaga ng buhay mo ang mang-intimidate?"

"Heck, yes," proud na sabi nito.

She gave Mich a look that said, "I told you he's crazy" at umiling.

"Uh... mauna na ako sa iyo, Sab. Titingnan ko kung okay lang si Lloyd sa labas. I'll just see you tomorrow morning."

"Hindi ka man lang nag-sorry kay Mich sa ginawa mo sa pinsan niya," sabi niya kay Phin pag-alis ni Mich.

SLEEPING WITH THE DEVIL ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon